Commission on Elections Taft Eastern Samar

Directions Website

Commission on Elections Taft Eastern Samar Ang COMELEC, kilala rin bilang Komisyon ng Halalan ay isa sa tatlong Komisyong Konstitusyunal sa Pilipinas.

Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.

Updated COC Forms
04/09/2026

Updated COC Forms

Mga Ka-Barangay! Yoohoo, dito ang tingin!

Narito na ang mga forms para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na November 2, 2026 Barangay and Sangguniang Elections.

I-scan lamang ang QR code para ma-download ang COC form ng nais mong posisyon.

Period of Filing Candidacy:
๐Ÿ“† September 28 to October 5, 2026

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official COMELEC website: https://www.comelec.gov.ph/?r=2026BSKE/Resolutions/com_res_11270


Fyi
03/09/2026

Fyi

20/08/2026

FYI

FYI
02/06/2026

FYI

๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐€๐– ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐Ÿ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’๐’‚๐’˜ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š-๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’–๐’‰๐’‚๐’ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’.

Mariing pinag-iingat ang publiko sa mga nakakalitong pahayag sa social media kung matutuloy o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Para sa kaalaman at kapanatagan ng lahat, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay isasagawa sa November 2, 2026, ayon sa Republic Act No. 12232.

Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos, Jr. noong August 13, 2025. Hindi na ito maituturing na โ€œBreaking Newsโ€ tulad nang nakasaad sa social media post ng Asenso Ka Barangay page sa kanang bahagi.

PAALALA na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang maging sanhi ng kalituhan ng mga botante ay maaaring ituring na Election Offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code.



FYI
01/05/2026

FYI

๐Ÿ“ข ANUNSYO PARA SA MGA KAKANDIDATO ๐Ÿ“ข

Narito ang mahalagang pahayag mula sa COMELEC (April 28, 2026) tungkol sa pagpapasa ng Birth Certificate bilang requirement sa paghahain ng kandidatura.

Basahin ang mga mahahalagang detalye sa ibaba:

Saan ito gagamitin? Ang Birth Certificate ay kailangan para sa darating na November 2, 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections at sa mga susunod pang halalan.

Bakit ito kinakailangan? Ayon kay Chairman Garcia, mahalaga ito upang mapatunayan ang tunay na edad at citizenship ng isang kandidato. Layunin din nitong maiwasan ang mga legal na problema o diskwalipikasyon base sa kwalipikasyon.

Layunin ng COMELEC: Ang hakbang na ito ay para sa integridad at kaayusan ng ating halalan, at para bigyan ng kapanatagan ang mga botante na ang kanilang ihahalal ay tunay na kwalipikado.

Siguraduhing kumpleto ang inyong mga dokumento para sa isang maayos na proseso! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



Address

2/F Municipal Bldg. , Taft Eastern Samar
Taft
6816

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Commission on Elections Taft Eastern Samar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share