11/07/2026
Noong June 24, 2026 ay dumalo tayo sa pagpupulong sa pangunguna ng ating butihing Vice Mayor, Hon. Agnes Tolentino, DMD kasama ang ating mga kapwa Konsehal gayundin ang ating City Sec. Joel Tibayan, representative mula sa Kapulisan at CSU, upang makipag ugnayan sa mga School Heads at mga Punong Barangay ng ating Lungsod kaugnay ng nakababahalang mga insidente ng school violence sa ating bansa. Kaya't bagaman at wala pang naitalang ganoong insidente sa ating lungsod ay ginagawan na natin ng paraan upang makaiwas dito. Binigyan natin ng pagkakataon ang bawat isa na maglatag ng kani-kanilang safety protocols at best practices kagaya ng pagpapalakas ng mental health at counselling program para sa mga bata, mas mahigpit na security sa school at anti-bullying campaign. Ang pagpupulong na ito ay proactive at preventive na pamamaraan ng Pamahalaang Lungsod at nakatuon sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral.