15/10/2026
๐ก๐๐ ๐๐ผ๐ต๐ผ๐น, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป
Kinilala ang National Food Authority (NFA) Bohol bilang isa sa mga tumanggap ng Distinguished Government Partner Award ng Pamahalaang Lungsod ng Tagbilaran bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lungsod (60th Charter Anniversary).
Tinanggap nina Branch Manager Pilita Barajan at Statistician II Jhoel Lim ang parangal na iginawad nina Mayor Jane C. Yap at Vice Mayor Adam Relson Jala sa isang seremonya na ginanap sa Bohol Cultural Center.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pakikipagtulungan ng NFA Bohol sa Pamahalaang Lungsod ng Tagbilaran sa pagsusulong ng seguridad sa pagkain at paghahatid ng serbisyong pampubliko para sa kapakanan ng mga mamamayan.