24/08/2026
✨ SPTA NIGHT 2026 | Casispalan Elementary School ✨
Isang masaya, makabuluhan, at hindi malilimutang gabi ang ating SPTA Night 2026 na ginanap noong August 23, 2026 sa Bahay Nayon, Casispalan. ❤️
Naging makulay ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang masasayang gawain, kabilang ang pagpapakilala sa bagong hanay ng SPTA Officers at kanilang Oath-Taking Ceremony, gayundin ang Oath-Taking ng mga Homeroom Officers mula Kinder hanggang Grade 6.
Nagbigay rin ng saya at aliw ang ating mga magulang sa kanilang pakikilahok sa Queen of the Night at mga intermission numbers mula sa iba’t ibang grade level. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang talento, confidence, at pakikiisa! 👏💃🕺
Siyempre, hindi kumpleto ang gabi kung walang masasarap na pagkaing pinagsaluhan, tawanan, sayawan, at masayang bonding ng ating mga parents. Ang gabing ito ay naging pagkakataon upang higit pang mapalakas ang samahan, pagkakaisa, at pagtutulungan ng ating school community. 🥰🎉
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating mga masisipag na g**o, sa pangunguna ni Mam Maricar Ramos, Teacher-in-Charge, sa ating Barangay Officials, sa pangunguna ni Kapt. Jenny P. Mendoza, sa ating SPTA Officers, sa pangunguna ni Pres. Estella Castronuevo, at higit sa lahat, sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras, dumalo, nakisaya, nakilahok, at patuloy na sumusuporta sa ating paaralan. 🙏❤️
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! Ang inyong suporta at pagmamahal sa paaralan ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating mga anak. Sama-sama nating patuloy na itaguyod ang isang mas masaya, nagkakaisa, at mas matatag na Casispalan Elementary School! 🌟