Kalinaw Pilipinas

Kalinaw Pilipinas

Share

KalinawPilipinas depicts the Filipinos’ aspiration for peace and encourages everyone to work together

04/04/2026

Lahat ay magsabing si Hesus ay buhay!

“Sapagkat ganoon na lamang ang pag-ibIg ng Diyos sa sanlibutan kung kaya’t ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak upang kung sinuman ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapapahamak bagkus ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.” -Juan 3:16





03/04/2026

Sa katahimikan ay may pag-asa ng muling pagkabuhay ng tagapagligtas ng sangkatauhan.

Kaakibat ng pagpanaw at pagkakahimlay ni Hesus ay ang pag-asa at kaligtasan ng sanlibutan.





02/04/2026

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naghirap, ipinako sa Krus, at namatay.

Ngayong araw, ating alalahanin ang wagas na pagmamahal ng Diyos Ama sa lahat ng nilikha. Ating pagnilayan ang pagkakatawang-tao ni Hesus, na nag-alay ng Kanyang buhay, para maligtas tayo sa kasalanan. Isang makabuluhang Biyernes Santo sa ating lahat.





01/04/2026

Huwebes Santo | Sa pagkakataong ito, nawa’y manaig sa ating mga puso ang pagmamahal sa bawat isa, kagaya ng wagas na pagmamahal sa ating n gating Diyos Ama. Ating alalahanin ang Kanyang pagsasakripisyo, mailigtas lamang ang sanlibutan mula sa kasalanan.






20/03/2026

Eid Mubarak!

Nakikiisa ang Hukbong Katihan sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr, hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.

Nawa’y magdulot ang okasyong ito ng kapayapaan, pagkakaisa, at patuloy na pagpapala sa bawat pamilya.





19/02/2026

Ngayong buwan ng Ramadan, ang Hukbong Katihan ay kaisa sa pagbati at panalangin ng ating mga kapatid na Muslim.

Nawa’y maghatid ang banal na buwang ito ng kapayapaan, pagkakaisa, at patuloy na pagpapala sa inyo at sa inyong mga pamilya.

Ramadan Mubarak!






24/12/2025

Ngayong Bisperas ng Pasko, sama-sama nating pakinggan ang “KANLURAN”—isang awit ng pagkilala at paninindigan para sa ating mga bantay-dagat at bantay-bayan na patuloy na naglilingkod sa West Philippine Sea.

Sa bawat pag-alon, naroon ang tahimik na sakripisyo: pagbabantay, pagprotekta, at pagtitiyak na mananatiling matatag ang ating tindig sa karapatan at dignidad ng bansa. Ang “KANLURAN” ay paalala na ang soberanya ay hindi lamang usapin ng hangganan—ito ay usapin ng pagkakaisa, katatagan, at pagmamahal sa bayan.

Panoorin at ibahagi ang official AVP. Makiisa sa mensaheng: Matatag tayong sandigan—sa kanluran, naninindigan. 🫡🇵🇭






04/12/2025

GOOD NEWS: May salary increase na for our uniformed personnel — hindi lang para sa sweldo, but to honor their hard work and everyday sacrifices for the country. 🇵🇭

Big salute to our modern heroes! 👏✨







11/06/2025

Ang Hukbong Katihan ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilininas. Pagpupugay para sa lahat ng lumaban, lumalaban at pinaglalaban ang ating kalayaan.

Mabuhay ang malayang Pilipinas!







10/06/2025

Tara na’t makiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park, hanggang Hunyo 11!

Saksihan ang Static at Kinetic Display na tampok ang makabagong kagamitan at kahanga-hangang kakayahan ng ating mga sundalo at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas!





Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Civil Military Operations Regiment, Lawton Avenue
Taguig City
1630