04/10/2026
Sa aking pagbisita sa lugar na aking kinalakihan, ang mga katrabaho kong mga tribong Manobo ay aking dinaanan.
Ang kanilang tuwa ay walang mapaglagyan.
"Kahibalo pa ka sa among pinulungan nga Manobo?" (Marunong ka pa ba sa aming lenggwahe na Manobo?)
Mabilisan, inalala ko ang aking natutunan sa pakikipag-usap sa kanila habang nagtatabas sa aming sakahan.
"Es es es, ay uvag ma iya sika!"
Nagtawanan sila dahil ang kanilang accent ay aking nakokopya.
Si Lolot, ang aking ka-buddy sa aming maisan, ay merong natandaan: "Grabe imong kaitom sa una kay maghukas man ka mag-guna sa kamaisan!" (Ang itim-itim mo noon kasi naghubad ka ng damit habang nagtatabas sa maisan)
Sa pakikisalamuha ko sa mga manggagawa, natutunan ko ang kanilang kultura at mga kakaibang istorya.
Sa aking pagbisita, natuwa ako dahil umangat kahit papaano ang pamumuhay nila.
Ang iilan sa mga anak ni Manang Gloria ay tinulungan ng aking ama na makatapos ng high school.
Yong anak ng aking isa pang ka-buddy ay pinagtapos ko sa kolehiyo at ang isa ay pinag sundalo.
Ang kanilang mga kwento ang nagpapaalala sa akin kung saan ako nagsimula---bilang manggagawa sa initan na kagaya nila.