22/10/2026
Bago marating ang entablado ng tagumpay, hindi mabibilang ang mga oras ng ensayo, ang puyat, at ang napagod na isip, kamay, at boses. Ilang papel ang napuno ng gawa at bura, at ilang paulit-ulit na pagsasanay sa mikropono ang ginawa para lamang maibigay ang pinakamagandang performance. Ngunit sa likod ng bawat sakripisyo ay ang pangarap na magdala ng karangalan sa ating paaralan.
Ngayon, nagbunga ang lahat ng pagod, tiyaga, at dedikasyon sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) 2026! Taos-pusong pagbati!
5th Place: Louise Mikaela R. Udsig
EDITORIAL CARTOONING
Trainer: Alfie A. Santelices
RADIO SCRIPT WRITING AND BROADCASTING (FILIPINO)
2nd Place β Best Script
5th Place β Best in Overall Radio Production
Francis Matthew Napuli
John Michael Jimena
Johncarl F. Austria
Chrisiana Koh
Mark Eduard Gulilat
Philip Gabriel Sulit
Steffi Amihan
Trainers: Jezreel Y. Tanda at Juanita M. Maniling
Isang taos pusong pasasalamat din sa mga magulang. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta, sakripisyo, at pag-aalaga sa bawat araw ng ensayo. Ang inyong pagmamahal ang naging tunay na lakas ng ating mga mag-aaral.
Sa ating Dedicated Trainers (Alfie A. Santelices, Jezreel Y. Tanda, at Juanita M. Maniling): Taos-pusong pasasalamat sa inyong oras, tiyaga, at hindi matatawarang paniniwala sa kakayahan ng ating mga mag-aaral. Hinubog ninyo hindi lamang ang kanilang galing kundi pati ang kanilang tiwala sa sarili.
Sa ating Principal Dr. Riza P. Gamba, maraming salamat sa inyong buong-pusong suporta, gabay, at inspirasyon na nagbigay-daan upang magningning ang talento ng ating mga kabataan.
Ipagpatuloy ang pagiging inspirasyon at boses ng katotohanan! Isang malaking karangalan para sa Tipas Elementary School Annex!