29/05/2026
Zumba at Road Run sa MMDJ Annex 4
Nakiisa ang mga Personnel at JO1 Trainees ng Metro Manila District Jail Annex 4 sa isinagawang Zumba session na sinundan ng road run sa loob ng Camp Bagong Diwa bilang bahagi ng patuloy na programa ng tanggapan para sa kalusugan at pisikal na kahandaan. Personal ding dumalo at nakilahok si JCINSP JOHN Y. ACHAPERO SR., Officer-In-Charge, upang hikayatin ang lahat na panatilihin ang malusog na pangangatawan at aktibong pamumuhay habang pinapalakas ang samahan at pagkakaisa ng mga kawani at trainees.
Nagsimula ang programa sa isang masiglang Zumba activity kung saan masayang nakilahok ang mga personnel at trainees sa ibaโt ibang dance fitness routines. Naging masaya at puno ng enerhiya ang aktibidad na nagbigay hindi lamang ng ehersisyo kundi pati ng pagkakataon upang mabawasan ang stress at mapalakas ang samahan ng bawat isa. Ipinakita rin ng mga kalahok ang kanilang disiplina, kooperasyon, at sigla sa buong aktibidad.
Matapos ang Zumba session ay isinagawa naman ang road run sa paligid ng Camp Bagong Diwa. Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang tibay ng pangangatawan, disiplina, at kahandaan ng bawat personnel at trainee sa kanilang tungkulin sa serbisyo publiko. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ng Metro Manila District Jail Annex 4 ang kahalagahan ng kalusugan, pagkakaisa, at kabuuang kapakanan ng kanilang mga kawani at trainees.
22/05/2026
JAIL INFORMATION & EDUCATION
Sa pangunguna nina JCINSP JOHN Y ACHAPERO SR, Officer-In-Charge at JINSP IMEE O CADAMPOG, Deputy Wardemn, matagumpay na isinagawa ng Jail Information and Education ng Metro Manila District Jail Annex 4 ang isang mahalagang pagpupulong na naglalayong tugunan ang ibaโt ibang usapin at mga mahahalagang aktibidad sa loob ng piitan. Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga kasalukuyang hamon ukol sa seguridad, kaayusan, at kapakanan ng Persons Deprived of Liberty (PDL), gayundin ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga kawani at mga kinauukulang sektor upang mapanatili ang maayos na operasyon ng piitan.
Binigyang-diin din ng pamunuan ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon, disiplina, at pagkakaisa bilang pundasyon ng isang ligtas at maayos na institusyon. Sa pamamagitan ng Jail Information and Education program, mas pinaigting ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon at kaalaman upang mabigyang-linaw ang mga polisiya, programa, at serbisyo ng pamahalaan para sa kapakanan ng lahat. Patuloy namang naninindigan ang pamunuan ng Metro Manila District Jail Annex 4 sa kanilang adhikaing makapaghatid ng mahusay, makatao, at makabuluhang serbisyo publiko.
22/05/2026
๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐
๐๐ ๐๐ ๐ด๐ด๐ซ๐ฑ ๐จ๐๐๐๐ 4 ๐โจ
Nagkaroon ng masigla at kapana-panabik na Zumba Activity ang mga kawani ng MMDJ Annex 4 kahapon sa ilalim ng pamumuno nina JCINSP PRINCE DJ B ORBASE, Acting District Jail Warden at JINSP IMEE CADAMPOG, Assistant Warden, bilang bahagi ng kanilang programa para sa kalusugan at wellness ng mga empleyado. Naging makulay at puno ng positibong vibes ang buong aktibidad na tunay na ikinatuwa ng lahat ng kalahok.
Ipinakita ng mga kawani ng MMDH Annex 4 ang kanilang aktibong pakikilahok at suporta sa naturang gawain, na naglalayong itaguyod ang healthy lifestyle at stress relief sa gitna ng kanilang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng sama-samang paggalaw at pag-eehersisyo, higit pang napagtibay ang camaraderie at teamwork ng bawat isa. Inaasahan na magpapatuloy ang mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang mabuting kalusugan at masayang samahan ng mga empleyado.
13/05/2026
Iisang layunin, iisang puso para sa pagtulong! ๐ค๐ซ
11/05/2026
๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ช๐ก๐ช๐๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฅ๐๐, ๐ข๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ, ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐! ๐
๐
Top 3 District Jail Warden โ JCINSP PRINCE DJ B ORBASE
๐
Top 2 Best District Jail
๐
Top 3 Best Newsletter โ TINIG
๐
Best Jail Health Personnel (HIS at PDL Health Records) โ JO2 Jimzon R Jamadre
Salamat sa walang sawang dedikasyon sa serbisyo publiko. Ang tagumpay na ito ay para sa lahat! โจ
11/05/2026
๐๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ, ๐๐๐ก๐ช๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค ๐๐ฉ ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ต๐ญโจ
Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng MMDJ Annex 4 sa ilalim ng pamumuno nina JCINSP PRINCE DJ B ORBASE, Acting District Jail Warden at JINSP IMEE CADAMPOG, Assistant Warden, ang lingguhang Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon sa serbisyo publiko. Sa nasabing programa, kinilala at pinarangalan ang mga personnel na nakatanggap ng ibaโt ibang parangal dahil sa kanilang natatanging pagganap, sipag, at kontribusyon sa tungkulin. Ipinakita ng mga pagkilalang ito ang patuloy na pagsisikap ng bawat kawani na mapanatili ang kahusayan at propesyonalismo sa kanilang hanay.
Bukod dito, naging bahagi rin ng programa ang paggunita sa Motherโs Day bilang pagbibigay-pugay sa lahat ng ina na nagsisilbing inspirasyon at haligi ng bawat pamilya. Sa mensahe ng pamunuan, binigyang-diin ang kahalagahan ng sakripisyo, pagmamahal, at malasakit ng mga ina hindi lamang sa tahanan kundi maging sa komunidad at serbisyo. Nagpahayag din ng pasasalamat ang MMDJ Annex 4 personnel sa lahat ng ina sa kanilang walang sawang pag-aaruga at suporta na nagbibigay-lakas at inspirasyon sa bawat isa.
08/05/2026
MANDATORY DRUG TESTING SA MMDJ ANNEX IV
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga at pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na pasilidad, nagsagawa ng Mandatory Drug Testing ang Metro Manila District Jail Annex 4 para sa 100% ng jail personnel at piling random na Persons Deprived of Liberty (PDL). Ang aktibidad ay pinangunahan nina JCINSP PRINCE DJ B ORBASE at JINSP IMEE O CADAMPOG bilang bahagi ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang integridad, disiplina, at kaayusan sa loob ng institusyon.
Pinangasiwaan naman ang isinagawang drug testing ni Dr. Norman Asi, MD FPCAM katuwang ang PDEA NCR Southern District Office upang matiyak ang maayos, patas, at transparent na proseso ng pagsusuri. Ipinakita ng aktibidad ang matibay na suporta ng pamunuan sa adbokasiya ng pamahalaan para sa isang drug-free workplace at correctional facility, gayundin ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapakanan ng lahat ng personnel at PDL sa loob ng Metro Manila District Jail Annex 4.