06/10/2026
Hindi sapat na mailahad ang isang panukala; mahalagang masuri ang layunin nito, mapakinggan ang iba’t-ibang pananaw, at timbangin ang magiging epekto nito sa mga mamamayang kinakatawan ng bawat konsehal. Sa pangunguna ni Vice Mayor Arvin Alit, naging bahagi ng sesyon ang mga talakayang nagbibigay-hugis sa mga desisyong kailangang pagtuunan ng konseho.
Isa sa mga naging bunga ng mga talakayang ito ang pag-apruba sa:
📜 Resolusyon Blg. 458: Resolusyon ukol sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng ManilaArt Foundation Inc. at ng Lungsod ng Taguig para sa Pagtataguyod at Pagpapaunlad ng Sining, Kultura, at Turismo.
Ang pag-aaproba rito ay nagbubukas ng daan para sa isang hakbangin na mag-uugnay sa lungsod at sa mga inisyatibo na magpapayaman sa sining, kultura, at turismo ng Taguig.