23/08/2026
BALITANG PAF | DRTU NG TOG 3, NAKIPAGTULUNGAN SA SANDBAGGING OPERATIONS SA TARLAC
Bilang bahagi ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations ng Philippine Air Force (PAF), nakipagtulungan ang Disaster Response Tasked Unit (DRTU) Team ng Tactical Operations Group 3 (TOG 3) sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Tarlac para sa sandbagging operations noong Agosto 22, 2026, sa San Isidro, Tarlac City.
Kasama rin sa kasalukuyang operasyon ang mga personel mula sa ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan at mga sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Patuloy na pinupunan, inihahatid, at inilalagay ang mga sandbag na naglalaman ng ilang toneladang buhangin sa mga apektadong bahagi ng ilog upang mapatatag ang lugar at makatulong na maiwasan ang karagdagang pinsala dulot ng Southwest Monsoon.
Patuloy namang nakikiisa ang PAF sa mga lokal na pamahalaan, ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan, at mga sangay ng AFP sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng kalamidad.