Youthnited Western Bicutan

Youthnited Western Bicutan

Share

Youthnited are leader and driving force for future generations in helping youth and family to realize their potential and positively impact in the community.

Photos from Youthnited Western Bicutan's post 30/07/2022

πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ

Photos from Youthnited Western Bicutan's post 30/07/2022

Ngayong araw ay opisyal ng nanumpa ang YOUTHNITED Western Bicutan kasama ang iba pang mga Youth Organization sa harap ng ating Punong Barangay Pedrito B. Bermas, Kagawad Nora Peru, Kagawad Pops Cadiz at SK Kagawad Kim Malubay na ginanap sa View Deck, BLC.

Buong kagalakang binabati ng ating Kapitan ang mga opisyal ng Youthnited na nanumpa. Ipinabatid din ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ang buong suporta nito para sa lahat ng mga programa't proyekto ng Youthnited.

Taos puso namang nagpapasalamat ang buong organisasyon sa mainit na pagtanggap, pagkilala at pagbibigay ng buong suporta ng ating Kapitan. Ipinapangako ng lahat ng opisyal ng Youthnited na aming gagampanan ang lahat ng tungkulin at reponsibilidad na aming sinumpaan, para sa kabataan ng Barangay Western Bicutan!


21/03/2022

Happy Happy Birthday to the most beautiful Sk ChairpersonJohn Fuentes Stay safe and Godbless Sk!

from Youthnited Family!

Happy birthday, SK Chair Julia! Enjoy and may God continue to bless you!πŸŽ‚πŸŽ‰

27/02/2022

Ang inyong mga mungkahi at suhestiyon ay importante sa amin. Kaya naman mag-comment na! Speak-up Kabataan at tayo ay magtulungan upang tulungan ang kabataan ng Western Bicutan!

ππ€π’π€π‡πˆπ 𝐀𝐓 π”ππ€π–π€πˆπ 𝐀𝐍𝐆 π€π“πˆππ† πŒπ„π‚π‡π€ππˆπ‚π’

MECHANICS:
β€’ Mga kabataang nakatira sa Barangay Western Bicutan na may edad 15-30 lamang ang maaaring mag comment o mag suggest sa post na ito
β€’ Alamin kung saang kategorya ka nabibilang
- In school youth
- Out of school youth
- Working youth
- Youth with special needs
β€’ Siguraduhing sundin ang format ng pag comment;
Halimbawa:
PANGALAN: Juan Dela Cruz
EDAD: 20 Yrs. Old
KATEGORYA: Out of school youth
LUGAR: Sitio Matatag
SUHESTIYON: Nais ko po sanang magkaroon ng online job fair sa aming mga kabataang hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Ito lamang po ang paraan para makatulong sa aking pamilya at magamit ang kaalaman at kakayahan sa pagtatrabaho.

Ang mga mapipiling mungkahi ay makakatanggap ng special token of appreciation galing sa Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan sa pangunguna ni SK Chairperson John Fuentes.

Sali na at sama-sama tayong tulungan ang bawat isa.



Photos from Youthnited Western Bicutan's post 23/12/2021

Sa tuwing magsisimula na ang masaya at Maligayang panahon ng Pasko, naging tradisyon na natin ang paglalagay ng mga dekorasyong pampasko tulad ng mga Christmas light at makukulay na palamuti o Parol kung tawagin natin. Ang parol ay isang hugis bituin na ginawa gamit ang mga tradisyonal na materyales tulad ng mga kawayan o capiz na hugis bituin dahil ito ay sumisimbolo sa bituin ng Bethlehem na sinundan ng tatlong hari upang mahanap kung saan ipinanganak ang sanggol na si Hesus. Dahil ang Pasko ay ang panahon ng kapanganakan ng ating mahal na Hesukristo.

Alam din natin na ang ating planeta ay nasa estado kung saan ang mga materyales na ating ikinakalat sa daan ay ang dahilan ng unti-unting sumisira sa lugar na ating tinitirhan, kaya naman ang ilang organisasyon ay nag-isip ng mga ideya na ilagay ang mga basura sa isang bagay na makatuwiran tulad ng paggawa ng isang higanteng parol gamit ang materyales na ating ikinakalat sa ating kapaligiran. Ang makapangyarihang parol ng Youthnited ang isang halimbawa ng pag gamit sa mga bagay na ating ikinakalat sa daan kung saan gumamit kami ng mga materyales tulad ng mga lumang kahon, bamboo stick, lumang kurtina, plastik na kutsara, at tasa. Pinili naming gamitin ang mga kulay ng watawat ng Pilipinas upang kumatawan sa hirap at tiyaga ng mga Pilipino upang maibigay sa kanilang mga pamilya at upang ipagdiwang ang Pasko na may mga pagkain sa kanilang mga mesa. Ang pagsikat ng araw sa likod ng bituin sa aming parol ay kumakatawan sa mga magagandang araw na darating.

Ang halaga na aming nagastos gamit ang glue stick at iba pang materyales na ginamit namin upang mabuo ang aming parol ay limΓ‘ng daΓ‘n piso (500)

20/08/2021

PROMO! PROMO! MOTOR WASH DIY/SERVICE WASH

DIY - 5Pesos 2Mins
SERVICE WASH - 80 Pesos (With TireBlack and Vs1/Magic Gatas)

Maghulog lang ng 5 peso coin sa DIY motorwash, bagong ligo nanaman ang baby motor mo!

San ka pa? sa JCA Wash Moto ka na!
At di lang yan! Free Motor Shampo pa hangang August 25, 2021

Kaya ano pa hinihintay mo? Visit na sa #8 Champaca Acapulco St., Western Bicutan, Taguig City (Tapat ng Ambal St.) nang maliguan na ang baby mo sa halagang limang piso.

20/07/2021

Alam na alam namin na maraming estudyante ang talagang sinubok ang edukasyon dahil sa pandemyang ito. Dahil kasangga ninyo ang buong konseho ng Sangguniang Kabataan ng Western Bicutan, na pinangungunahan ni SK Chairperson John Fuentes, ay malapit na malapit na nating buksan ang ating E-Library!

Excited na excited na kami na magamit ninyo ang ating SK E-Library! Kasama ang Empowered Kabataan, sisiguraduhin natin na masusunod ang minimum health protocols.

Magkikita-kita na tayong muli! Excited ka na rin ba?




22/05/2021

Sana hallsss

Photos from Sangguniang Kabataan - Western Bicutan's post 22/05/2021

Congrats Everyone!!! πŸ’›πŸ’›πŸ’›

Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Taguig
1630