Brgy. North Signal Village

Brgy. North Signal Village

Share

The official page of Barangay North Signal Village - Local Government Unit.

17/04/2026




BARANGAY NORTH SIGNAL VILLAGE TAGUIG CITY
YAKAL ST.

Photos from Brgy. North Signal Village's post 16/04/2026

⚠️ BABALA SA MGA MOTORISTA ⚠️.

Kasalukuyang may nakalaylay/naputol na wire ng Meralco sa Cuasay St MRT Ave. Inaasahan ang bahagyang pagbagal ng trapiko sa lugar

​Sa kabila nito, saludo po tayo sa ating mga masisipag na BSF na sina Gary Canino, John Paul Quijano, at Rodolfo Pavilonia na rumesponde kaagad at kasalukuyang nasa area para ayusin at i-manage ang daloy ng trapiko. 🫡

​Maraming salamat sa inyong serbisyo, mga sir! Ingat po kayo diyan. 👷‍♂️💪


Photos from Brgy. North Signal Village's post 14/04/2026

"Ang malalaking pangarap ay nagsisimula sa maliliit na hakbang." 👣✨

​Saludo kami sa bawat mag-aaral mula sa Aguho Daycare, Durian Daycare, at 11th Ave Daycare na matagumpay na nakatapos ng kanilang unang antas ng pag-aaral.

Mula sa unang araw ng pagpasok na may kaunting kaba, hanggang sa pag-akyat sa entablado na may kasamang matatamis na ngiti—tunay kayong nakakaproud! Salamat sa mga magulang at g**o na naging gabay sa kanilang unang hakbang tungo sa pangarap. 🎓✨

​Padayon, mga bata! Ang buong komunidad ay nakasuporta sa inyong pag-akyat! 🎈🎓

​​


Photos from I Love Taguig's post 13/04/2026

𝐏𝐇𝐈𝐋𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐆𝐀𝐌𝐎𝐓 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄
Tuloy-tuloy ang house to house delivery ng maintenance medicines na pang 30 days tulad ng:
-Losartan
-Metoprolol
-Amlodipine
-Nifedipine
-Clonidine
-Metformin
-Glibenclamide
-Gliclazide
Para naman sa mga monthly supply ng iba pang uri ng maintenance medicines, itataguyod na po ito ngayon ng pamahalaang lungsod at ng PhilHealth Gamot ng national government. Magbibigay ang lungsod ng maintenance medicines na pang 15 days. Makukuha naman sa PhilHealth Gamot ang karagdagang pang 15 days. Kaya’t makukumpleto pa rin ang buwanang supply.
Ayon sa patakaran ng programa na inanunsyo ng Pangulo sa kanyang SONA, kailangang sundin ang mga sumusunod na panuntunan:
1. Maging Philhealth member. Para sa mga hindi Philhealth member na indigent, maaaring magtungo sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
2. ⁠Maging Philhealth Yakap registered member at kumpletuhin ang First Patient Encounter (FPE). Magregister sa inyong health center dahil accredited Philhealth Yakap Clinic ito. Magdala ng valid ID.
3. ⁠Magpacheck-up sa clinic kung saan ka nagparegister as Philhealth Yakap member. Kailangan alam mo ang Philhealth number mo.
4. ⁠Kunin ang reseta na may QR code na ibibigay ng Philhealth Yakap clinic.
5. ⁠Pumunta sa accredited Philhealth GAMOT pharmacies para kunin ang inyong gamot.
Sa kasalukuyan, ito ang mga Accredited PhilHealth GAMOT pharmacies sa Taguig:
1. CDG MEDICAL DEPOT INC
[email protected]
Unit 4 & 5, Ground Floor, Stopover 1, 32nd Street Corner, Rizal Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio
2. CDG MEDICAL DEPOT INC
[email protected]
Puregold FTI Avocado Road, Western Bicutan
3. PHARM GEN VENTURES CORP (GENERIKA DRUGSTORE)
[email protected]
Lot 23 B 306 Zone 6, 138 Col. Ballezer St., Signal Village
4. PHARM GEN VENTURES CORP (GENERIKA DRUGSTORE)
[email protected]
19th Floor, The Globe Tower, 32nd Street cor 7th Avenue, Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio
5. PHARM GEN VENTURES CORP (GENERIKA DRUGSTORE)
[email protected]
2 Luzon cor Ballecer St., Zone 6 South Signal Village
6. eHEALTHPLUS PHARMACY
0925-778-6670 / 02-8651-0682
29, Maestrang Pinang Street, Brgy. Ligid-Tipas
7. eHEALTHPLUS PHARMACY
0968-504-7506 / 02-8638-8040
17 Gen. Luna Street, Beside Puregold Jr., Brgy. Ususan
8. ⁠eHEALTHPLUS PHARMACY
0939-714-7283 / 02-8372-3018
Lot 12 Block 2, Katurian Road, Brgy. Ibayo-Tipas
9. eHEALTHPLUS PHARMACY
0919-008-8699 / 02-8817-2255
49 J.P. Rizal Ext., Corner Talisay St., Brgy. Comembo
10. eHEALTHPLUS PHARMACY
0968-504-7512 / 02-8516-3988
CMK Village, Ruhale Street, Brgy. Calzada-Tipas
Sa kasalukuyan, ito ang mga health centers na may mga doktor na rehistrado na sa PhilHealth GAMOT at makakapag-isyu ng reseta:
District 1
• Tuktukan Health Center
• San Miguel Health Center
• Sta. Ana Health Center
• Ususan Health Center
• Bambang Health Center
• Palingon Health Center
• Calzada Health Center
• Old Lower Bicutan Health Center
• Wawa Health Center
District 2
• Katuparan Health Center
• San Sitio Imelda Health Center
• Palar Health Center
• North Daang Hari Health Center
• South Signal Health Center
• Pinagsama Health Center
• South Daang Hari Health Center
• Bagong Tanyag Health Center
• Central Signal Health Center
Lahat ng health centers sa Taguig ay accredited PhilHealth Yakap Clinics, maliban sa mga health centers sa EMBO barangays na kasalukuyang sumasailalim sa accreditation process.
Maghintay sa listahan ng iba pang PhilHealth Yakap Clinics habang patuloy na pinoproseso ng PhilHealth ang registration ng mga doktor para sa PhilHealth GAMOT.
Salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

10/04/2026

PAALALA AT ABISO SA ATING MGA KABARANGAY

Patunay lamang po ito na patuloy na pinapaigting ng ating Barangay ang pagpapatupad ng Curfew Ordinance para sa mga menor de edad, alinsunod sa inilabas ng DILG Safe City Initiatives.

Layunin po ng hakbang na ito na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa ating komunidad, at matiyak na ang ating mga kabataan ay nasa ligtas na lugar sa tamang oras ng gabi.

Inaanyayahan din po namin ang pakikiisa ng mga magulang at guardians na gabayan ang kanilang mga anak at tiyaking sumusunod sa ipinatutupad na curfew.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon para sa mas ligtas at maayos na barangay. 🤝

10/04/2026

BSF Roving

10/04/2026

📢 OPISYAL NA PAHAYAG NG BARANGAY

Nagbigay ng opisyal na pahayag ang ating Kapt. Ricardo T. Jordan Jr., kaugnay sa kumakalat na video sa social media na nagpapakita ng umano’y pananakit ng isang barangay tanod sa isang menor de edad.

Sa opisyal na pahayag , ipinaliwanag ang buong pangyayari, ang panig ng barangay, at ang agarang aksyon na isinagawa ng barangay kaugnay sa insidente upang masig**o ang maayos na imbestigasyon at mapanatili ang kaayusan at hustisya sa komunidad.

Patuloy po nating pairalin ang katotohanan, disiplina, at malasakit para sa ating komunidad.

10/04/2026

PAUNAWA: REGISTRATION AT PAGKUHA NG NATIONAL ID 🪪🇵🇭

​Mga Kapitbahay! Inaanyayahan po ang lahat na wala pa o nais kumuha ng kanilang National ID.

​Narito ang mahalagang schedule na dapat tandaan:

​📍 SA LAKESHORE HALL:
Mula April 13 hanggang April 24, ang National ID registration at services ay pansamantalang gaganapin sa Lakeshore.

​🏠 SA ATING BARANGAY:
Matapos ang schedule sa Lakeshore (simula April 25), ay muling babalik ang serbisyo dito sa ating barangay hall para sa mas madaling pag-access ng lahat.

​Siguraduhing dalhin ang mga kinakailangang dokumento (gaya ng Birth Certificate o valid ID). Huwag palampasin ang pagkakataong ito para magkaroon ng opisyal na pagkakakilanlan!

​Mangyaring i-share ang post na ito para sa kaalaman ng ating mga ka-barangay. Maraming salamat po!

Photos from Brgy. North Signal Village's post 10/04/2026

PARA SA MAS MAAYOS NA DALOY NG TUBIG SA SAMPALOC ST.! 🌿💧

Isang produktibong araw po para sa ating komunidad! Isinagawa ang clearing operation sa creek ng Sampaloc St. upang alisin ang mga natumbang kawayan na humaharang sa daluyan ng tubig.

Ang operasyong ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng ating masisipag na Bantay Lawa Environmental Team. 👷‍♂️🧤

🌊 Smooth Water Flow: Upang masiguradong walang bara at tuluy-tuloy ang daloy ng tubig sa ating creek.

🚫 Baha-Free: Maiwasan ang pag-apaw ng tubig lalo na sa mga panahon ng pag-ulan.

✨ Environmental Care: Mapangalagaan ang ating mga anyong tubig laban sa mga debris na nagdudulot ng polusyon.

Maraming salamat, Bantay Lawa, sa inyong walang sawang pagbabantay at pagkalinga sa ating kapaligiran! Kayo ang ating katuwang sa pagpapanatili ng isang maayos at ligtas na barangay.

Muli, paalala sa lahat: Ang kalinisan ng ating mga creek ay responsibilidad nating lahat. Huwag po tayong magtapon ng basura sa ating mga daluyan ng tubig. 🤝



Photos from Brgy. North Signal Village's post 10/04/2026

7 TAONG MAPAGKALINGA PARA SA ATING MGA LOLO AT LOLA! 👵👴✨

​Happy 7th Anniversary sa ating Center for the Elderly! Pitong taon na nating katuwang ang sentrong ito sa pagbibigay ng saya, kalinga, at pagpapahalaga sa ating mga minamahal na senior citizens sa Taguig.

​Isang malaking pasasalamat sa ating masipag na Mayora Lani Cayetano sa kanyang walang sawang pagmamahal at programa para sa ating mga nakatatanda. Gayundin sa ating mga City Councilors ng District 2 na laging nakasuporta sa ating mga adhikain.

​Saludo rin tayo sa dedikasyon ni Kapitan Ric Jordan Jr. at ng ating mga Kagawad sa patuloy na pag-agapay at pagtiyak na ang bawat lolo at lola ay nakatatanggap ng serbisyong nararapat para sa kanila.

​Dahil sa Taguig, ang ating mga senior citizens ay laging bida! ❤️





09/04/2026

PAALALA SA MGA RESIDENTE 🚨

Sa lahat po ng nakatira sa Manga Rd. Near BFP SUBSTATION (NORTH SIGNAL) ipinapaalala po ng ating Barangay na mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada ng sasakyan sa kalsada anumang oras.

Ang lugar na ito ay daan ng Bureau of Fire Protection (BFP) fire truck, na kailangang makadaan agad sakaling may sunog o iba pang emergency.

Ang maling pagparada ay maaaring magdulot ng delay sa pagresponde ng mga emergency responders na maaaring maglagay sa panganib sa buhay at ari-arian ng ating mga kabarangay.

⚠️ Panatilihing maluwag at walang nakaparadang sasakyan ang kalsada sa lahat ng oras .

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa para sa kaligtasan ng ating komunidad. 🙏

Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Ipil/Ipil Street North Signal Village
Taguig
1636