Barangay San Miguel

Directions

Barangay San Miguel Welcome to Bagong Barangay San Miguel Page, from here you will see updates of what's happenning.

๐Ÿฉธโค๏ธ PAGPUPUGAY AT PASASALAMAT SA SERBISYO! โค๏ธ๐ŸฉธNgayong araw, pinarangalan at pinagkalooban ng Certificate of Appreciation...
06/10/2026

๐Ÿฉธโค๏ธ PAGPUPUGAY AT PASASALAMAT SA SERBISYO! โค๏ธ๐Ÿฉธ

Ngayong araw, pinarangalan at pinagkalooban ng Certificate of Appreciation si Kap. Arnold M. Fabian, bilang pagkilala sa kanyang pakikiisa at suporta sa isinagawang Bloodletting Activity noong September 20, 2026.

Ang certificate ay ipinagkaloob ng One Planet One Earth Foundation Inc., sa pangunguna ng kanilang CEO/President na si Mr. Ryan Paul G. Pillas.

Ang nasabing bloodletting activity, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at ng One Planet One Earth Foundation Inc., ay naging daan upang maisulong ang diwa ng bayanihan, malasakit, at pagtulong sa kapwa.

Maraming salamat sa One Planet One Earth Foundation Inc., Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, mga volunteers, donors, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito. โค๏ธ

Patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong makatulong, makapagbigay ng pag-asa, at makapagligtas ng buhay.

๐Ÿฉธ GIVE BLOOD, GIVE LIFE!
โค๏ธ BE A HERO. DONATE BLOOD. SAVE LIVES.






04/10/2026
๐Ÿš‘ PAALALA SA ATING MGA RESIDENTEIpinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay San Miguel na ang ating Barangay Ambula...
30/09/2026

๐Ÿš‘ PAALALA SA ATING MGA RESIDENTE

Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay San Miguel na ang ating Barangay Ambulance ay kasalukuyang sumasailalim sa maintenance at kinakailangang pagkukumpuni upang matiyak ang kaligtasan at maayos na kondisyon nito.

Sa panahon ng maintenance, maaaring magkaroon ng limitasyon sa paggamit ng ating ambulance. Hinihiling po ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang kinakailangang maintenance.

๐Ÿ“Œ Magbibigay po ang Barangay ng kaukulang abiso sa sandaling ito ay muling maging operational.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

โš–๏ธ LIBRENG LEGAL ADVISE / KONSULTASYON PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY SAN MIGUEL! โš–๏ธHandog ni Kap. Arnold M. Fabian p...
29/09/2026

โš–๏ธ LIBRENG LEGAL ADVISE / KONSULTASYON PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY SAN MIGUEL! โš–๏ธ

Handog ni Kap. Arnold M. Fabian para sa mga kababayan natin sa Barangay San Miguel ang libreng legal advice at consultation. ๐Ÿง‘โ€โš–๏ธ

๐Ÿ“… October 4 at October 11, 2026
โฐ 9:00 AM โ€“ 12:00 NN

Kung mayroon kayong legal na katanungan o nais na kumonsulta, halina at magpalista!

๐Ÿ“ Para sa registration, hanapin lamang si Secretary Amiel Espanillo sa Barangay San Miguel at magpalista.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makakuha ng paunang gabay at legal na konsultasyon.




๐ŸŽ‰๐ŸŽ MASAYANG FAMILY DAY, BARANGAY SAN MIGUEL! ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆโค๏ธIsang masayang selebrasyon ng Family Day ang ating ipinagdiwang ka...
28/09/2026

๐ŸŽ‰๐ŸŽ MASAYANG FAMILY DAY, BARANGAY SAN MIGUEL! ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆโค๏ธ

Isang masayang selebrasyon ng Family Day ang ating ipinagdiwang kasama ang ating mga minamahal na Kinder students ng Barangay San Miguel! ๐Ÿฅฐ

Bilang munting handog at pagpapakita ng pagmamahal sa ating mga kabataan, namahagi sina Kap. Arnold M. Fabian at Kapitana Marie ng mga regalo para sa ating mga Kinder students. ๐ŸŽโœจ

Ang simpleng regalong ito ay simbolo ng ating patuloy na suporta at pagmamalasakit sa ating mga anak, na siyang pag-asa at kinabukasan ng ating barangay. ๐Ÿ’™

Maraming salamat kina Kap. Arnold M. Fabian at Kapitana Marie sa pagpapasaya sa ating mga kabataan! Nawaโ€™y patuloy nating mapalakas ang samahan ng bawat pamilya at makalikha ng mas maraming masasayang alaala kasama ang ating mga anak. โค๏ธ

Happy Family Day, Barangay San Miguel! ๐ŸŽŠ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ





๐Ÿ˜๏ธ 2ND QUARTER HOA MEETING | BARANGAY SAN MIGUELIsinagawa noong September 24, 2026 ang 2nd Quarter HOA Meeting sa Barang...
26/09/2026

๐Ÿ˜๏ธ 2ND QUARTER HOA MEETING | BARANGAY SAN MIGUEL

Isinagawa noong September 24, 2026 ang 2nd Quarter HOA Meeting sa Barangay San Miguel Session Hall, sa pangunguna ni Kap. Arnold M. Fabian.

Tinalakay ang mahahalagang concerns ng mga HOA tulad ng flood mitigation at drainage, waste collection, animal impounding, traffic management, CCTV, streetlights, at iba pang community concerns.

Tinalakay rin ang mga development plans ng Barangay San Miguel, kabilang ang mga bagong community facilities at infrastructure projects.

Maraming salamat sa lahat ng HOA officers at representatives sa kanilang aktibong pakikilahok at patuloy na pakikipagtulungan para sa mas maayos at ligtas na komunidad. ๐Ÿคโค๏ธ

Sama-sama para sa mas maunlad na Barangay San Miguel!

BAGONG SILID-ARALAN, BAGONG PAG-ASA PARA SA ATING ALS LEARNERS! โœจ๐Ÿ“šMasayang isinagawa ng ating Alternative Learning Syste...
25/09/2026

BAGONG SILID-ARALAN, BAGONG PAG-ASA PARA SA ATING ALS LEARNERS! โœจ๐Ÿ“š

Masayang isinagawa ng ating Alternative Learning System (ALS) Students ang kanilang learning session sa kanilang bagong classroom, kasama si Kag. Celso Arenas II. ๐Ÿซ๐Ÿ’™

Ang pagkakaroon ng mas maayos at komportableng learning space ay malaking tulong upang patuloy na mahikayat ang ating mga ALS learners na magsikap, matuto, at abutin ang kanilang mga pangarap. ๐ŸŒŸ

Maraming salamat Mayor Lani Cayetano, at Kap. Arnold M. Fabian sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa edukasyon at kapakanan ng ating mga kabarangay, lalo na sa ating mga ALS learners. ๐Ÿ™โค๏ธ

Patuloy nating susuportahan ang edukasyonโ€”dahil walang pinipiling edad ang pagkatuto at walang limitasyon ang pangarap! ๐Ÿ“–๐ŸŽ“





๐Ÿ›ฃ๏ธ MAS MAAYOS AT LIGTAS NA DAAN PARA SA ATING MGA RESIDENTE! ๐Ÿ˜๏ธIsinagawa ang asphalting ng Bagong Buhay Street sa Barang...
22/09/2026

๐Ÿ›ฃ๏ธ MAS MAAYOS AT LIGTAS NA DAAN PARA SA ATING MGA RESIDENTE! ๐Ÿ˜๏ธ

Isinagawa ang asphalting ng Bagong Buhay Street sa Barangay San Miguel upang mapabuti ang kondisyon ng kalsada at makatulong sa mas ligtas at maayos na pagdaan ng ating mga residente, motorista, at iba pang road users.

Ang aktibidad ay sinuportahan nina Kag. Ariel R. Bravo at Kag. Boyet Silvestre, katuwang ang mga kinauukulang tanggapan upang maisakatuparan ang nasabing road improvement project.

Taos-pusong pasasalamat sa City Engineerโ€™s Office sa kanilang agarang pagtugon at serbisyo para sa ating barangay, gayundin sa ating Mayor Lani Cayetano sa patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang imprastraktura, at kalidad ng serbisyo para sa mga mamamayan ng Taguig.

Patuloy ang Barangay San Miguel, sa pangunguna ni Kap. Arnold M. Fabian, sa pakikipagtulungan sa ating mga katuwang na tanggapan para sa isang mas ligtas, maayos, at maunlad na komunidad. ๐Ÿ’™






Address

Taguig
1630

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Miguel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share