28/09/2026
đź“» Tumutok ngayong hapon sa Impormasyon at Aksyon!
Makakasama sa programa sina FTI Vice President for Operations Atty. Mark Christopher A. Babor at Rice-for-All Program Assistant Project Manager Mr. Ron Timothy D. Borja upang talakayin ang mga hakbang ng FTI para mas mailapit ang abot-kayang bigas sa mga Pilipino.
🗓 Setyembre 28, 2026 | 3:00–4:00 PM
Pakinggan nang LIVE sa Radyo Pilipinas 104.3 FM at panoorin sa pages ng Philippine Information Agency at Radyo Pilipinas.
P20/KILO NA BIGAS—PERO PAANO NGA BA ITO NAKARARATING KAY JUAN AT JUANA?
Sa upcoming episode ng Impormasyon at Aksyon, tututukan natin ang “Benteng Bigas, Meron Na!” Program at alamin kung paano nito naihahatid ang mas abot-kayang bigas sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.
Kasama sina Regional Head Emver P. Cortez at Bb. Jenny Rose Red ng PIA–National Capital Region, makakasama natin sina Atty. Mark Christopher A. Babor, Vice President for Operations at Mr. Ron Timothy D. Borja, Assistant Project Manager, Rice-For-All Program, Project Management Team (RFA-PMT) mula sa Food Terminal Inc. (FTI) para talakayin ang proseso ng programa at kung paano nakararating ang abot-kayang bigas sa mga target na komunidad at benepisyaryo.
Pakinggan nang LIVE sa Radyo Pilipinas via 104.3 FM, panoorin sa Affordabox Channels 45–49 at TV Plus Channel 3, at PIA at Radyo Pilipinas pages sa Lunes, 3:00–4:00 PM.