Sonny Vertulfo

Sonny Vertulfo

Share

Public Servant

10/11/2025

Kamusta po kayo mga kabarangay?

Patuloy lang tayong magdasal at siguraduhing safe kasama ang ating pamilya. πŸ™πŸΌ

10/11/2025

Atin pong ipanalangin ang ating proteksyon mula sa Panginoon. πŸ™πŸΌ

Sa ating pagharap sa panibagong pagsubok, buong kababaan nating ipagdasal ang ating bansa na nawa’y protektahan tayo ng ating Panginoon sa Bagyong Uwan.

Ang panalanging ito ay para sa bawat Pilipino sa ating bansa. πŸ™πŸΌ



Photos from Sonny Vertulfo's post 07/11/2025

Maraming salamat sa ating Panginoon sa pagbibigay sa akin ng bagong taon upang mapagsilbihan pa ang ating mga kabarangay. Sa mga kasamahan ko sa Konseho, maraming salamat sa pag-organisa ng simpleng salo-salo para sa selebrasyon ng aking kaarawan. At sa mga kawani, mga mamamayan at mga kaibigan na nagpaabot ng pagbati, maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa’y ang lahat ng pagpapala ng ating Panginoon ay suma ating lahat.

07/11/2025

Maraming Salamat po Cong. Jorge Bocobo sa iyong pagbati. πŸ™πŸΌ

Happy Birthday, Kap. Sonny Vertulfo ng Brgy. Fort Bonifacio!

Maaasahang leader, kaibigan, at kasama sa pagsisilbi. We wish you good health at ang patuloy na paggabay ng Diyos sa β€˜yong buhay. More birthdays to come, Kap!

Photos from Barangay Fort Bonifacio's post 22/10/2025

Maraming salamat sa Diyos at sa tiwala ng mga mamamayan na pinagsisilbihan ng Konseho.

13/10/2025

Mga dapat tandaan sakaling maganap ang pag-lindol. Nawa’y ating ipanalangin na protektahan tayo ng ating Panginoon. πŸ™πŸΌ

π„π€π‘π“π‡ππ”π€πŠπ„ π’π€π…π„π“π˜ π“πˆππ’

π˜Ώπ™π™Šπ™‹, π˜Ύπ™Šπ™‘π™€π™ 𝙖𝙣𝙙 π™ƒπ™Šπ™‡π˜Ώ
β€’ Protect your head and neck under sturdy furniture.

π™Žπ™π˜Όπ™” π˜Ύπ˜Όπ™‡π™ˆ
β€’ Avoid panic and stay alert from falling objects.
β€’ Avoid elevators. Use stairs when evacuating.

π™ˆπ™Šπ™‘π™€ π™π™Š π™Šπ™‹π™€π™‰ π™Žπ™‹π˜Όπ˜Ύπ™€
β€’ If outiside, stay away from buildings, trees and power lines.

Let’s pray for our protection and safety. As we face numerous and significant dangers, may the Lord hold us in His arms. πŸ™πŸΌ



Photos from Sonny Vertulfo's post 28/08/2025

Lubos po kaming nakikiramay sa pamilya ng ating Senior Citizen at Zone 3 Home Owners Association President, Mr. Wilfredo Baula. πŸ•ŠοΈ

Dalangin namin kasama ng Konseho ng Barangay Fort Bonifacio ang iyong kapayapaan at kapanatagan. Baunin mo ang aming pagmamahal sa iyong paglalakbay.

Mapayapang Paghimlay. πŸ™πŸΌ

27/07/2025

PANAWAGAN SA MGA MAMAMAYAN
NG FORT BONIFACIO.

Ang kalinisan ng ating kapaligiran ay salamin ng ating disiplina at pagkakaisa bilang isang komunidad. Sa panahon ngayon na madalas ang pagbaha, lalo na tuwing tag-ulan, napakahalaga ng pagtutulungan ng barangay at ng mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan, lalo na sa tamang pagtatapon ng basura. Ang simpleng kampanyang β€œTapat Mo, Linis Mo” ay hindi lamang panawagan kundi isang responsibilidad na dapat gampanan ng bawat isa para maiwasan ang mga suliraning dulot ng basura at pagbaha.

Hindi maikakaila na ang mga basurang nakasuksok sa estero, kanal, at kalsada ang pangunahing sanhi ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig. Dahil dito, kapag umuulan, mabilis na bumabaha at naapektuhan ang maraming pamilya. Ngunit kung ang bawat mamamayan ay magiging responsable sa kanilang basura, at tutulungan ng barangay sa pagbibigay ng maayos na sistema ng koleksyon at kaalaman tungkol sa tamang pagtatapon, tiyak na mababawasan ang mga ganitong problema.

Mahalaga ang papel ng barangay sa kampanyang ito. Sila ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga clean-up drive, pagbibigay ng babala at impormasyon, at pagpapatupad ng mga ordinansa ukol sa kalinisan. Ngunit hindi sapat ang kanilang pagsisikap kung ang mga mamamayan mismo ay hindi makikiisa. Ang simpleng pagwawalis sa harap ng bahay, paglalagay ng basura sa tamang lalagyan, at pagsunod sa iskedyul ng basura ay mga hakbang na malaki ang epekto sa kabuuan.

Ang β€œTapat Mo, Linis Mo” ay higit pa sa paglilinis ng sariling bakuranβ€”ito ay isang uri ng malasakit sa buong komunidad. Kapag nagkaisa ang barangay at ang mamamayan sa layuning panatilihin ang kalinisan, tiyak na mas ligtas at mas maayos ang pamumuhay ng lahat.

Sa huli, tandaan natin: walang maliit na ambag kung sama-sama ang pagkilos. Sa pagtutulungan ng barangay at mamamayan, makakamit natin ang isang malinis, ligtas, at maayos na pamayanan. Iwas baha, kalinisan ay gawing gawi ng bawat isa dahil mas ligtas ang mga mamamayan sa pagkakaisa at pagtutulungan.

24/07/2025

β€œKap, anong ulam?”

Tanong ng bata kanina sa labas. πŸ˜…

22/07/2025

Tagpo sa evacuation center kanina.

Nanay: Kap, salamat at inilikas mo na kami. Lubog na ng baha ang bahay namin.

Ako: Di bale nay, ang mahalaga ligtas at may masisilungan ka na. Patuloy lang tayong magdasal, may awa ang Diyos. πŸ™πŸΌ

Yakap ng pasasalamat. ❀️

Photos from Barangay Fort Bonifacio's post 22/07/2025

Maraming Salamat sa patuloy na pagmamalasakit Cong. Jorge Bocobo. πŸ™πŸΌ

Photos from Sonny Vertulfo's post 21/07/2025

Parte ng aking tungkulin ay personal na tingnan at bisitahin ang ating mga kabarangay na nasasakupan. Alamin kung ang kanilang lagay ay maayos at ligtas.

Bumisita tayo sa Zone 1 at Zone 2. Ating ding napag-alaman na ang ilang parte ng ating barangay ay lubog na sa baha partikular ang Zone 3. Kaya naman sinikap nating sila’y hikayatin na lumikas at magtungo sa ating Sports Complex na magsisilbing kanilang Evacuation Center. Nakikipag ugnayan din tayo sa mga kasama natin sa paglilingkod upang malaman ang sitwasyon sa Consular, Minipark at iba pang parte ng ating barangay.

Maraming salamat sa mga nakasama natin sa serbisyo mula sa BFB Rescue Team at Peace and Order na nakasama nating nag-ikot.

Patuloy pa rin ang pag-ulan kaya naman hinihikayat po natin ang iba na kung sakaling lubog na ang inyong tinitirhan ay magtungo na sa ating evacuation center. Para na rin sa kaligtasan ng inyong mga pamilya.

Tayo rin ay nakikipag ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Taguig upang ang mga tulong na atin ding kinakailangan ay mabigyang daan.

Ating ipagdasal ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa loob man o labas ng Taguig. πŸ™πŸΌ

Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Taguig