02/06/2026
https://www.facebook.com/share/p/17qP8PaSaL/
๐๐๐๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Barangay Lower Bicutan, handa ba kayo para sa muling pagbabalik?
Isa sa pinakahinihintay ng bawat beteranong manlalaro sa Barangay Lower Bicutan. Ito na ang muling pagbubukas ng ๐๐๐๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐.
Inaanyayahan ng Sangguniang Barangay ng Lower Bicutan ang lahat ng manlalaro para sa Senior Division at Balik Laro Division na magparehistro para sa nalalapit na ๐๐๐๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐.
๐
๐๐ฎ๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐
โฐ ๐๐:๐๐ ๐๐-๐:๐๐ ๐๐
๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐ง๐ง๐๐ฑ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ , ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ ๐๐ข๐๐ฎ๐ญ๐๐ง
Siguraduhing dala ang lahat ng kinakailangang requirements upang maging opisyal na kalahok sa ๐๐๐๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐.
Muling buhayin ang diwa ng pagkakaibigan, sportsmanship, at pagmamahal sa laro. Sama-sama nating ipagdiwang ang pagbabalik ng ating mga beteranong manlalaro sa hardcourt.
Kita-kits beteranong manlalaro ng Lower Bicutan!
02/06/2026
โLaunching of 120-Days Feeding Programโ
Sa tulong ninyong lahat unti-unti nating binabago ang kwento ng bawat bata mula sa pagiging underweight tungo sa mas malusog na kinabukasan.
Layunin ng Programa:
-Mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa barangay.
-Mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga bata sa critical growth period.
-Turuan ang mga magulang ng tamang meal planning at nutrition practices.
Tuloy-tuloy lang tayo. Dahil ang bawat bata, karapat-dapat sa tamang nutrisyon.
Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa programa na ito:
โขHON. MAYOR LAARNI L. CAYETANO
โขHON. COUNCILOR RODIL โTIKBOYโ MARCELINO
โขHON. CONGRESSMAN RICARDO โADINGโ CRUZ
โขMS. JULIE BERNABE & N.D MS. ANGELINE RELONA
โขDRA. SUSANA AMISCUA & DRA. FRANCO
โขKAP. ROEL O. PACAYRA
โขSEC. GEMMA LAARNI JUANA BAYLON
โขTREAS. EUFRECENIA BERNARDO
Sa mga kapwa ko na Kagawad na buong pusong sumusuporta at naka alalay sa bawat programa:
โขKag. Goma Cruz
โขKag. Lester Padilla
โขKag. Denong Adriano
โขKag. Geronimo โBokโ Baquiran
โขKag. Oscar Norbe
โขKag. Maricar Bernal
โขSK Chairwoman Junelyn Tabanao
Maraming salamat din po sa mga:
PARENTS
BARANGAY HEALTH WORKER (BHW)
BARANGAY NUTRITION SCHOLAR (BNS)
BARANGAY NUTRITION ACTION OFFICER (BNAO)
BARANGAY STAFF
ANIMAL RESCUE TEAM
Hindi magiging matagumpay ang lahat ng ito kung hindi dahil sa lahat ng tulong at suporta ninyo.
Muli maraming salamat po โค๏ธ
01/06/2026
PAGTATAAS NG WATAWAT,
SA IKA-1 NG HUNYO, 2026
โ(Unang Lunes)
โIsang mapagpala at produktibong umaga sa ating lahat.
โNgayong unang Lunes ng Hunyo 2026, muli tayong nagbubuklod sa ilalim ng ating pambansang watawat upang simulan ang isang bagong buwan ng tapat na paglilingkod at dedikasyon sa bayan.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Roel O. Pacayra, at ng buong konseho. patuloy ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa ating nasasakupan.
Maraming salamat po!
31/05/2026
Isang Taos-pusong Pasasalamat para kay Ms. Xhunliex Ortiz!
Ang Pamahalaang Barangay ng Lower Bicutan ay taos-pusong nagpapasalamat kay Ms. Xhunliex Ortiz sa kanyang mahusay at marangal na pagrepresenta sa ating barangay sa katatapos lamang na Mutya ng Taguig 2026.
Ipinakita mo ang kagandahan, talino, kumpiyansa, at mabuting puso na tunay na maipagmamalaki ng bawat residente ng Lower Bicutan.
Bagama't hindi man ikaw ang kinoronahang Mutya ng Taguig ngayong taon, para sa amin ay isa ka nang tunay na inspirasyon at kampeon.
Naniniwala kami na sa iyong dalisay na puso, dedikasyon, at katalinuhan, mas marami pang oportunidad at tagumpay ang nakalaan para sa iyo. Ang Mutya ng Taguig ay isa lamang sa maraming pintuang magbubukas para sa iyong mga pangarap.
Nawa'y naging masaya, makahulugan, at hindi malilimutang karanasan para sa iyo ang iyong paglalakbay sa kompetisyong ito. Maraming salamat sa pagbibigay ng karangalan at pagmamalaki sa ating mahal na Barangay Lower Bicutan.
Maraming salamat, Ms. Xhunliex Ortiz!
Patuloy kang maging inspirasyon sa kabataang Lower Bicutan. Ang iyong barangay ay lubos na proud sa iyo! ๐๐โจ
30/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ipinapaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa lahat ng residente na ipinagbabawal ng batas ang paggamit ng ilegal na koneksyon ng kuryente o โjumperโ at ang pagtamper ng metro ng kuryente dahil sa panganib na dulot nito sa buhay at ari-arian.
Batay sa imbestigasyon ng sunog sa Barangay Sta. Ana, isang ilegal na koneksyon ng kuryente o โjumperโ ang posibleng naging sanhi ng insidente. Isang spark lamang mula sa ilegal na koneksyon ay maaari na itong magdulot ng trahedyang makaaapekto sa daan-daang pamilya.
Ang paggamit ng jumper at meter tampering ay nakadaragdag din sa system losses na sa huli ay pinapasan ng mga konsumer na tapat na nagbabayad ng kanilang kuryente.
Nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Meralco at iba pang kinauukulang ahensya upang agad na matugunan ang mga naiuulat na kaso ng jumper at meter tampering sa mga komunidad.
Hinihikayat ang lahat na makiisa sa pagpapanatili ng ligtas na mga komunidad sa pamamagitan ng hindi paggamit ng mga ilegal na koneksyon ng kuryente at pag-uulat ng anumang nalalamang kaso ng jumper o meter tampering sa Taguig Command Center sa numerong (02) 8789-3200.
Bawal ang jumper. Delikado. Ilegal. Maaari itong magdulot ng sunog at panganib sa buong komunidad.
30/05/2026
Best of luck to our barangay candidate, Ortiz, on tonightโs Mutya ng Taguig Coronation Night! ๐
May you shine on stage, enjoy every moment, and make our barangay proud. We are all rooting for you! โจ
29/05/2026
๐ข PABATID MULA SA BARANGAY LOWER BICUTAN ๐ข
Ngayong araw ay natanggap ng ating Barangay ang certificate mula sa Sangguniang Panlungsod ng Taguig na magpapatunay na PINAGTIBAY at APRUBADO na ang Barangay Ordinance No. 04, Serye ng 2025 na may pamagat na:
โAn Ordinance Prohibiting Illegal Parking in Covered and Open Courts within the Territorial Jurisdiction of Barangay Lower Bicutan, Taguig City, and Imposing Penalties for Violation Thereof.โ
Layunin ng ordinansang ito na mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at malayang paggamit ng ating mga covered court at open court para sa kapakinabangan ng buong komunidad.
Inaasahan po namin na kayo ay makikiisa at susunod sa nasabing ordinansa upang mapanatili ang disiplina at kaayusan sa ating barangay.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!
๐ข PABATID MULA SA BARANGAY LOWER BICUTAN ๐ข
Ngayong araw ay natanggap ng ating Barangay ang certificate mula sa Sangguniang Panlungsod ng Taguig na magpapatunay na PINAGTIBAY at APRUBADO na ang Barangay Ordinance No. 04, Serye ng 2025 na may pamagat na:
โAn Ordinance Prohibiting Illegal Parking in Covered and Open Courts within the Territorial Jurisdiction of Barangay Lower Bicutan, Taguig City, and Imposing Penalties for Violation Thereof.โ
Layunin ng ordinansang ito na mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at malayang paggamit ng ating mga covered court at open court para sa kapakinabangan ng buong komunidad.
Inaasahan po namin na kayo ay makikiisa at susunod sa nasabing ordinansa upang mapanatili ang disiplina at kaayusan sa ating barangay.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!