Brgy. Bagumbayan

Directions Website

Brgy. Bagumbayan OFFICIAL PAGE OF BARANGAY BAGUMBAYAN
TAGUIG CITY

Punong Barangay:
Kgg. Rovina "Jane" M. Santos

Mga kabarangay!Halina’t magkaisa at iparamdam ang ating buong suporta kay Melinda Kristiana Relucio Pagdanganan sa kanya...
08/10/2026

Mga kabarangay!

Halina’t magkaisa at iparamdam ang ating buong suporta kay Melinda Kristiana Relucio Pagdanganan sa kanyang paglaban bilang Gandang Mamita ng Barangay Bagumbayan!

Sa ating mga residente, magkakaroon po ng temporary water interruption sa ilang bahagi ng Barangay Bagumbayan dahil sa m...
08/10/2026

Sa ating mga residente, magkakaroon po ng temporary water interruption sa ilang bahagi ng Barangay Bagumbayan dahil sa maintenance activity ng Manila Water sa Mauling Creek, ML Quezon, Lower Bicutan, Taguig.

📅 October 8–9, 2026
🕙 10:00 PM–4:00 AM

Mga apektadong lugar:
• ML Quezon (Adia hanggang Sucat Bridge)
• Severina
• Holy Family Village
• Villa Fer Flor
• St. Martin Subdivision
• Mahogany 1–2
• Batisan
• Cocohills
• Rockyside
• Paso
• Kalaw Compound

Pinapayuhan po ang lahat ng maaapektuhang residente na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang itinakdang oras ng interruption.

Humihingi po ng inyong pang-unawa at paumanhin sa anumang abalang maaaring idulot nito. Ayon sa Manila Water, imo-monitor nila ang water pressure pagkatapos ng aktibidad upang matiyak ang maayos na serbisyo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Sa ating mga residente, magkakaroon po ng temporary water interruption sa ilang bahagi ng Barangay Bagumbayan dahil sa m...
07/10/2026

Sa ating mga residente, magkakaroon po ng temporary water interruption sa ilang bahagi ng Barangay Bagumbayan dahil sa maintenance activity ng Manila Water sa Mauling Creek, ML Quezon, Lower Bicutan, Taguig.

Mga apektadong lugar:
• ML Quezon (Adia hanggang Sucat Bridge)
• Severina
• Holy Family Village
• Villa Fer Flor
• St. Martin Subdivision
• Mahogany 1–2
• Batisan
• Cocohills
• Rockyside
• Paso
• Kalaw Compound

Pinapayuhan po ang lahat ng maaapektuhang residente na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang itinakdang oras ng interruption.

Humihingi po ng inyong pang-unawa at paumanhin sa anumang abalang maaaring idulot nito. Ayon sa Manila Water, imo-monitor nila ang water pressure pagkatapos ng aktibidad upang matiyak ang maayos na serbisyo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

ANUNSYO BAGUMBAYAN | TEMPORARY ROAD CLOSURE – 3RD AVENUE/JOSEPH SITTMga ka-barangay, magkakaroon ng temporary road closu...
06/10/2026

ANUNSYO BAGUMBAYAN | TEMPORARY ROAD CLOSURE – 3RD AVENUE/JOSEPH SITT

Mga ka-barangay, magkakaroon ng temporary road closure sa 3rd Avenue ngayong Oktubre 6, 2026, mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM bilang bahagi ng maintenance activity ng MERALCO, kabilang ang er****on ng concrete pole sa lugar.

Pagkatapos nito, kinakailangan namang clear ang parking area sa 3rd Avenue mula 6:00 AM hanggang 2:00 PM sa Oktubre 7, 2026 upang maituloy nang maayos at ligtas ang kanilang trabaho.

Pinapayuhan ang mga motorista at residente na iwasang magparada sa apektadong bahagi at gumamit muna ng alternatibong ruta habang nagpapatuloy ang maintenance.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa, mga ka-barangay.

19TH REGULAR SESSION | SANGGUNIANG BARANGAY NG BAGUMBAYANSa isinagawang 19th Regular Session ng Sangguniang Barangay, ti...
06/10/2026

19TH REGULAR SESSION | SANGGUNIANG BARANGAY NG BAGUMBAYAN

Sa isinagawang 19th Regular Session ng Sangguniang Barangay, tinalakay ang mga paghahanda para sa nalalapit na Araw ng Bagumbayan, kabilang ang mga aktibidad at koordinasyon sa Sagrada Familia Parish upang maging maayos at mas makabuluhan ang pagdiriwang ngayong Nobyembre.

Napag-usapan din ang mga kasalukuyang programa at proyekto ng barangay na kailangan pang palakasin, ayusin, o i-improve bilang paghahanda sa 2027 planning and budgeting. Mahalaga ang regular na assessment para makita kung alin ang epektibo, saan may gaps, at kung ano pa ang kailangang idagdag o baguhin para mas tumugon sa pangangailangan ng ating mga ka-barangay.

Patuloy na ginagamit ng Sangguniang Barangay ang bawat regular session bilang pagkakataon para sa mas maayos na pagpaplano, koordinasyon, at paghahanda ng mga susunod na programa ng Barangay Bagumbayan.

FLAG CEREMONY | OKTUBRE 2026Sinimulan natin ang buwan ng Oktubre sa pamamagitan ng regular na Flag Ceremony ng Pamahalaa...
05/10/2026

FLAG CEREMONY | OKTUBRE 2026

Sinimulan natin ang buwan ng Oktubre sa pamamagitan ng regular na Flag Ceremony ng Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan, kasama ang ating mga opisyal at kawani.

Bahagi ng programa ang pagbati mula sa ating mga Kagawad, pagkilala sa mga natatanging kawani bilang pasasalamat sa kanilang maayos at tapat na paglilingkod, at pakikiisa ng barangay sa Breast Cancer Awareness Month bilang paalala sa kahalagahan ng maagang pag-iingat, tamang impormasyon, at pangangalaga sa kalusugan.

Sa mensahe ni Kapitana Jane Santos, muli niyang pinaalala na sa bawat programa, proyekto, at araw-araw na trabaho sa barangay, ang pinakamahalaga pa rin ay ang maayos, mabilis, at may malasakit na serbisyo para sa ating mga ka-barangay.

Isang magandang simula ng buwan para muling pagtibayin ang ating commitment sa serbisyo at sa komunidad.

HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY!Nakikiisa ang Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan sa pagbati sa lahat ng ating mga g**o ngayong...
04/10/2026

HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY!

Nakikiisa ang Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan sa pagbati sa lahat ng ating mga g**o ngayong Teachers’ Day.

Maraming salamat sa inyong sipag, tiyaga, at malasakit sa paghubog ng kaalaman, pangarap, at magandang kinabukasan ng ating mga kabataan. Higit sa pagtuturo ng aralin, araw-araw din kayong nagbibigay ng gabay, inspirasyon, at tiwala sa bawat mag-aaral.

Sa lahat ng teachers sa ating mga paaralan at learning centers sa Bagumbayan, saludo kami sa inyong serbisyo at dedikasyon.

Happy World Teachers’ Day!

BNC QUARTERLY MEETINGNagsagawa ng quarterly meeting ang Barangay Nutrition Committee (BNC) sa pangunguna ni Kagawad Lexa...
04/10/2026

BNC QUARTERLY MEETING

Nagsagawa ng quarterly meeting ang Barangay Nutrition Committee (BNC) sa pangunguna ni Kagawad Lexan Aquino, Committee Chairman on Health, kasama ang mga miyembro ng komite, mga doktor mula sa Barangay Health Center, mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), at ng ating Barangay Nutritionist.

Pangunahing tinalakay ang mga kasalukuyan at planong programa ng Health Committee, lalo na ang mga kailangang ihanda at isama sa annual budget planning para sa 2027. Kabilang dito ang mga programang nakatuon sa nutrition, maternal and child health, community wellness, at iba pang serbisyong direktang tumutugon sa pangangailangan ng ating mga ka-barangay.

Sa pamamagitan ng maagang pagpaplano at maayos na koordinasyon ng BNC, mas natitiyak na ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon ng barangay ay may malinaw na direksiyon at sapat na suporta para sa susunod na taon.

BESWMC QUARTERLY MEETINGNagsagawa ng quarterly meeting ang Barangay Ecological Solid Waste Management Committee (BESWMC)...
03/10/2026

BESWMC QUARTERLY MEETING

Nagsagawa ng quarterly meeting ang Barangay Ecological Solid Waste Management Committee (BESWMC) sa pangunguna ni Kagawad Arnold Caldozo, Committee Chairman on Environment, kasama ang mga miyembro ng komite at mga kinatawan mula sa CENRO.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga kasalukuyan at susunod na environmental projects ng barangay, kabilang ang mga hakbang para mas mapalakas ang waste management, cleanliness, at community participation sa iba’t ibang lugar ng Bagumbayan.

Isa rin sa mga pinag-usapan ang pagbuo ng sistema para sa pagkilala sa cleanest purok o sitio, bilang paraan para mahikayat ang bawat komunidad na mas maging aktibo sa pagpapanatili ng kalinisan at maayos na pangangalaga sa kapaligiran.

Sa tuloy-tuloy na koordinasyon ng barangay, lungsod, at komunidad, mas nagiging organisado at mas napapalapit sa bawat residente ang mga programang pangkalinisan at pangkapaligiran.

HAPPY ELDERLY FILIPINO WEEK 2026!Nakikiisa ang Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Wee...
03/10/2026

HAPPY ELDERLY FILIPINO WEEK 2026!

Nakikiisa ang Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week ngayong Oktubre 1–7, 2026, na may temang: “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”

Ngayong linggo, binibigyang-pugay natin ang ating mga senior citizen—ang kanilang karanasan, karunungan, at patuloy na ambag sa pamilya at komunidad.

Sa ating mga lolo, lola, nanay, tatay, at lahat ng nakatatandang ka-barangay, maraming salamat sa inyong mga kuwento, aral, at pagmamahal na patuloy na gumagabay sa susunod na henerasyon.

Maligayang Elderly Filipino Week, mga ka-barangay!

Address

Purok 3 MLQ Street Barangay Bagumbayan Taguig City
Taguig
1630

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Bagumbayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share