26/07/2026
๐ฅ BASIC FIREFIGHTING TRAINING 2026 ๐ฅ
Sa bawat patak ng pawis sa pagsasanay ay katumbas ng mas mataas na antas ng kahandaan sa oras ng sakuna. Ang pagsasanay na ito ay hindi lamang tungkol sa tamang pamamaraan ng pag-apula ng sunog, kundi pati na rin sa paghubog ng disiplina, pagkakaisa, malasakit, at dedikasyon sa paglilingkod sa ating komunidad.
Taos-pusong pasasalamat kay Jan Ebrada sa pangunguna ng Basic Firefighting Training, sa pamumuno ng Barangay Pitogo Fire Rescue, at sa ating In-House Trainer, Mr. Ravir Cochico, sa walang sawang pagbabahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at gabay upang mas lalo pang mapaunlad ang kakayahan ng bawat fire volunteer.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga grupong nakiisa at nagpakita ng tunay na diwa ng bayanihan at pagkakapatiran:
๐ Barangay South Cembo
๐ Barangay Ibayo
๐ Drager Fire Volunteer
๐ Orveen Fire Volunteer
๐ Invictus Fire Volunteer
Isang espesyal na pasasalamat din sa Barangay Captain ng Pitogo Ives M. Ebrada sa kanyang
walang sawang suporta, tiwala, at pagmamalasakit sa ating mga fire volunteer. Ang inyong patuloy na pagsuporta ang nagsisilbing inspirasyon at lakas upang maipagpatuloy namin ang aming misyon na maglingkod at magligtas ng buhay nang buong puso.
Ang ating pagkakaisa ngayon ang magiging sandigan ng isang mas ligtas, mas handa, at mas matatag na komunidad sa hinaharap.
"Isang Puso. Isang Misyon. Isang LayuninโMaglingkod at Magligtas." ๐๐ฅ