20/04/2026
A week full of meaningful activities ❤️
April 13 (Monday) to April 19 (Sunday)
• Barangay Flag Ceremony 🇵🇭
May temang selebrasyon para sa National Solo Parents Week 2026
• 7th Regular Barangay Session 📑🖋️
Tinalakay at inayos ang mga Procurement Resolutions bago ito inaprubahan ng konseho
• Earth Day 2026 Celebration🍃🌏
Sama-samang pagkilos ng Barangay Officials, employees, at community leaders para sa isang clean-up drive, alinsunod sa abiso ng CENRO
• Culminating Activity of Basketball and Volleyball Clinic 🏀 🏐
Pagbibigay-pugay sa mga kabataang aktibong lumahok at matagumpay na nagtapos ng 10-day training sa basketball at volleyball, kasama ang awarding ng certificates
• Taguig Regional Fest 2026 🥗🧳
Isang makulay na programa ng Lungsod ng Taguig na tampok ang iba’t ibang produkto at pagkain mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas
• Finals and Awarding Ceremony of the Barangay League 2026🏆🥇
Ang pinakahihintay na laban sa basketball at volleyball, kasabay ng pagkilala sa mga natatanging teams at players na nangibabaw sa ating paliga
Isang linggo ng serbisyo, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng komunidad. 💪
06/04/2026
Barangay Central Signal Village
Barangay Assembly | 1st Semester CY 2026
March 29, 2026
“Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan, at Kaunlaran”
God Bless Barangay Central Signal Village
“Taong-bayan ang dapat mag-benepisyo”
25/03/2026
Ngayong buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang National Women’s Month—isang selebrasyon na nagbibigay-pugay sa lakas, karapatan, at boses ng kababaihan.
Bilang pakikiisa, nagsagawa ang Pamahalaang Barangay ng Central Signal Village ng isang makabuluhang programa na nagbigay ng pagkakataon sa mga ina ng tahanan na maipakita ang kanilang angking ganda, galing, talento, at talino sa larangan ng patimpalak.
Ang “Reyna-Nay” ay nagbigay-kulay at inspirasyon sa labinlimang (15) kandidata na hindi lamang mahusay sa kanilang papel bilang ina, kundi tunay na maituturing ding mga reyna ng ating barangay. Sa entablado, pinatunayan nila na ang pagiging isang ina ay hindi hadlang, kundi isang lakas upang higit pang umangat at magningning.
Isang pagpupugay sa bawat ilaw ng tahanan—kayo ang tunay na Reyna!
13/03/2026
March Regular Session of the Sangguniang Barangay Members of Central Signal Village.
23/02/2026
“Ngipin ay Protektado para sa Batang Taguigeño”
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2026 National Oral Health Month para sa Ngiting 70/20, nagsagawa ng libreng dental check-up at fluoride application para sa mga mag-aaral ng ating Kapit-Bahay Aralan ang Barangay Health Center – Dental Section.
Ang gawaing ito ay pinangunahan ni Dr. Rowena Hernandez, kasama ang masisipag nating Barangay Health Workers, upang masiguro ang maayos na kalusugan ng ngipin ng ating mga kabataan at maiwasan ang pagkakaroon ng dental problems sa murang edad.
Bukod dito, kinilala at ginawaran ng “Orally Fit Child – Bright Child Award” ang ilang mag-aaral na nagpamalas ng mahusay na pangangalaga sa kanilang mga ngipin — walang dental caries, walang gingivitis, malinis ang ngipin, at walang dentofacial anomaly.
Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa patuloy na suporta at pagpapahalaga sa kalusugan ng mga batang Taguigeño. Ang ganitong mga programa ay patunay ng malasakit sa kinabukasan ng ating kabataan.
Sama-sama nating itaguyod ang malusog na ngiti para sa mas maliwanag na bukas! 😁🦷
“Ngiting 70/20” – Layunin nito na sa edad na 70 taong gulang, ang isang tao ay mayroon pa ring hindi bababa sa 20 pirasaong malulusog at matitibay na ngipin.
18/02/2026
Public Consultation at Signal Village National High School (SVNHS)
Philippine Seismic Risk Reduction and Resilience Project (PSRRRP) under IBRD Loan No. 9251-PH
This project is being implemented by the Department of Public Works and Highways - Buildings and Special Projects Management Cluster - Unified Project Management Office (DPWH - BSPMC - UPMO) and commissioned Consultant Kyong-Ho Engineering and Architects Co., Ltd.
Layunin ng konsultasyong ito na ipresenta ang mga pangunahing natuklasan at resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga gusaling apektado ng proyekto sa SVNHS, gayundin ang mga inirerekomendang hakbang sa pag-iwas, pagbawas, at pagpapahusay upang matugunan ang mga posibleng epekto nito sa kapaligiran at sa komunidad.
11/02/2026
Taguig City Police Station – Community Engagement through Barangay Dialogue
Lubos po ang aming pasasalamat kina PCol. Julius Añonuevo, OIC-TCPS, at PMaj. Jefferson Sinfuego, Commander – Sub Station 6, sa kanilang personal na pagbisita sa aming barangay upang higit pang patatagin ang koordinasyon, palalimin ang pagkakaunawaan, at isulong ang mas epektibong pagtutulungan ng kapulisan at mga opisyal ng barangay.
Nakiisa rin sa mahalagang pag-uusap ang mga Opisyal ng Barangay ng South Signal Village at North Signal Village.
Inaasahan namin ang magagandang bunga ng ating pag-uusap para sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating mga nasasakupan.
12/01/2026
Barangay Central Signal Village First Flag Ceremony – 2026
National Deworming Month 2026
“Makilahok sa Oplan Goodbye Bulate para maging Malusog, Masigla at Matalino and inyong mga anak”
Layunin ng programang ito na maiwasan ang malnutrisyon, anemia, at pagkalat ng parasitic worms. Higit sa lahat, hangad nitong mapanatiling malusog at aktibo ang mga batang Pilipino sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sakit na dulot ng bulate.
Makipag-ugnayan lamang sa ating Barangay Nutrition Scholars/ Barangay Health Workers para sa schedule ng kanilang pag-iikot sa ating Barangay para sa deworming.
30/12/2025
Wrapping Up 2025: December Activities of Barangay Central Signal Village
✅ Barangay Christmas Tree Lighting Ceremony and Night Market
✅ Pamaskong Handog Distribution
✅ Barangay Flag Ceremony
✅ Sangguniang Barangay Regular Session
✅ Barangay Christmas Celebration and Thanksgiving Party
✅ Barangay Council’s Fellowship
Thank you, 2025. Welcome, 2026!
Here’s to many more successful projects, programs, and activities para sa ating mga mahal na ka-barangay ng Central Signal Village.
Happy New Year, everyone! 🎆🎇✨
16/12/2025
Yesterday’s Flag Ceremony 🇵🇭
Tradisyon na nating mga Pilipino na salubungin ang Kapaskuhan at Bagong Taon sa pamamagitan ng makukulay at maningning na dekorasyon, pati na rin ng masasayang selebrasyon. Gayunpaman, mahalagang isaisip ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na sa wastong paggamit ng mga paputok.
Kaugnay nito, isinagawa kahapon sa ating flag ceremony ang isang paalala para sa ating mga ka-barangay hinggil sa tama at ligtas na paggamit ng mga firecrackers, upang maiwasan ang anumang aksidente sa panahon ng pagdiriwang.
Kasabay nito, lubos din naming pinapasalamatan ang lahat ng kawani ng Barangay Central Signal Village sa kanilang walang sawang paglilingkod sa buong taon ng 2025, at sa patuloy na dedikasyon na kanilang ibibigay sa darating na taon, 2026.
Hangad namin ang isang masaya, ligtas, at mapayapang Kapaskuhan at Bagong Taon para sa ating lahat. ✨
God bless Barangay Central Signal Village
11/12/2025
Maligayang kaarawan, Mayor Lani Cayetano ❤️
Maraming salamat po sa patuloy ninyong malasakit at suporta sa mga Taguigeño. Nawa’y maging masaya, makulay, at puno ng biyaya ang inyong espesyal na araw. Happy birthday po, Mayor Lani 🎂 🫶🏻
04/12/2025
Ang taunan at tradisyunal na pagpapailaw at pagpaparamdam ng diwa ng Kapaskuhan sa Barangay Central Signal Village ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng sabayang pagbubukas ng mga Christmas lights at ng ating Giant Christmas Tree sa harapan at kahabaan ng Barangay Hall.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, layunin ng Sangguniang Barangay na maihatid sa bawat residente ang simbolo ng pag-ibig, pag-asa, pagbibigayan, at kapayapaan.
Mula sa puso ng inyong mga lingkod, binabati namin kayong lahat ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
God bless us all.