JUAN Kabataan

JUAN Kabataan

Share

makaMASang serbisyo for everyJUAN

Photos from JUAN Kabataan's post 03/06/2026

𝗧𝗕𝗦 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆

Naimbitahan ang JUAN Kabataan sa General Assembly ng True Brown Style Staging Hood sa kanilang simpleng pagdiriwang at makabuluhang talakayan.

Nagkaroon din ng pagkakataon na mapag-usapan ang iisang adhikain na wakasan ang stigma at negatibong pananaw sa mga grupo at samahan, at sa halip ay hikayatin ang mas aktibong pakikilahok sa mga programang pangkomunidad at makabuluhang gawain.

Patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, pag-uusap, at pagtutulungan, mas marami tayong magagawang positibong pagbabago 𝘧𝘰𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘑𝘜𝘈𝘕 ♥️💙💛

𝙅𝙐𝘼𝙉 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡
Lagi’t lagi para sa Kabataan!
Lagi’t lagi para sa Bayan!




Photos from JUAN Kabataan's post 03/06/2026

𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘀 𝗠𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻

Nakiisa ang JUAN Kabataan sa Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela 2026 ng Western Bicutan National High School nitong nakaraang Lunes bilang suporta sa paghahanda para sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.

Bilang katuwang ng Pamunuang Barangay ng Western Bicutan sa pamumuno ni Kap Pedrito B. Bermas, mga Kagawad, at Admin Matt Bermas, tumulong ang JUAN Kabataan sa paghahatid ng mga donasyong cleaning materials at iba pang kagamitang ipinagkaloob para sa paaralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela.

Naging bahagi rin ng programa ang Commitment Wall bilang simbolo ng sama-samang pangako ng iba’t ibang sektor na makiisa para sa mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Sa bawat donasyon, oras, at serbisyong iniaalay, patuloy na pinatutunayan na buhay ang diwa ng bayanihan para sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan.

𝙅𝙐𝘼𝙉 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡
Lagi’t lagi para sa Kabataan!
Lagi’t lagi para sa Bayan!




Photos from JUAN Kabataan's post 02/06/2026

🏀🏐 𝗕𝗹𝗼𝗰𝗸 𝗧𝗲𝗻 𝗼𝘂𝘁 𝗼𝗳 𝟭𝟬!

Patuloy ang pag-ikot ng JUAN-Day Basketball & Volleyball League 2026 sa iba’t ibang komunidad ng Barangay Western Bicutan, at sa pagkakataong ito ay dinala nito ang sigla, pagkakaisa, at sportsmanship sa Block 10 Covered Court!

Sa pangunguna ng Pamunuang Barangay ng Western Bicutan sa pamumuno ni Kap Pedrito B. Bermas, mga Kagawad, at Admin Matt Bermas, katuwang ang JUAN Kabataan, matagumpay na naisagawa ang isa na namang araw ng palaro para sa kabataan at komunidad.

Lubos din ang aming pasasalamat sa pakikipagtulungan ng The Choice of Generation Association, Block Ten Youth Club, Sampaloc Youth Organization, Dayap Youth Organization, at Dita Youth Organization sa pagsasakatuparan ng programang ito.

Hindi lamang laro ang hatid ng One Day League kundi pagkakataon para sa pagkakaibigan, pagkakaisa, at aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa ating barangay.

Tuloy-tuloy ang ikot ng liga sa iba pang mga lugar kaya abangan kung kailan ito darating sa inyong komunidad!

𝙅𝙐𝘼𝙉 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡
Lagi’t lagi para sa Kabataan!
Lagi’t lagi para sa Bayan!




Photos from JUAN Kabataan's post 02/06/2026

𝗗𝗔𝗬 𝙅𝙐𝘼𝙉 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗡𝗘 🇵🇭

Sa pagsisimula ng buwan ng Hunyo, nakiisa ang Juan Kabataan sa regular na Flag Raising Ceremony ng Pamunuang Barangay ng Western Bicutan nitong unang Lunes ng buwan.

Nawa’y magsilbi itong paalala na ang bawat bagong buwan ay panibagong pagkakataon upang maglingkod, makibahagi, at magbigay ng positibong ambag sa ating komunidad.

Kasabay ng pagtaas ng watawat ay ang ating patuloy na pangako na maging kabataang aktibo, responsable, at handang makiisa para sa ikabubuti ng Barangay Western Bicutan. ❤️💙💛

𝙅𝙐𝘼𝙉 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡
Lagi’t lagi para sa Kabataan!
Lagi’t lagi para sa Bayan!




02/06/2026

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝗿𝗷𝗼𝗿𝗶𝗲 "𝗚𝗶𝗴𝗶" 𝗕𝗲𝗿𝗺𝗮𝘀!

Pagbati sa espesyal na araw ng isa sa Taguig City Councilor mula sa Barangay Western Bicutan, Hon. Marjorie "Gigi" Bermas!

Hangad ng Juan Kabataan ang masaya at makulay mong selebrasyon. Patuloy kang magsilbing inspirasyon sa maraming kabataan tungo sa makaMASang serbisyo for everyJUAN!




Photos from JUAN Kabataan's post 31/05/2026

𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝗜𝗗𝗦 𝗖𝗮𝗻𝗱𝗹𝗲𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹

Isang makabuluhang pagtitipon ang isinagawa ng City Government of Taguig nitong Biyernes, sa pangunguna ng Taguig Social Hygiene Clinic upang alalahanin ang mga buhay na nawala dahil sa HIV/AIDS at palakasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng pag-unawa, malasakit, at pagtanggap.

Kabilang sa mga nakiisa ang mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa adbokasiya laban sa stigma at diskriminasyon at para sa mas malawak na kaalaman tungkol sa HIV/AIDS.

Sa pamamagitan ng candle-lighting ceremony at panalangin, binigyang-pugay ang mga alaalang iniwan ng mga pumanaw, habang nagbibigay rin ng pag-asa at inspirasyon para sa mas maalam, mapagmalasakit, at responsableng henerasyon.

Sa bawat kandilang sinindihan, may buhay na inalala at may mensaheng ipinapaalala, na ang pag-unawa at malasakit ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng isang mas inklusibo at mapagkalingang komunidad.




Photos from JUAN Kabataan's post 27/05/2026

🎉🤸‍♂️ 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸𝗧𝗔𝗡𝗔𝗢: 𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗬 𝗙𝗘𝗦𝗧 🤸‍♀️🎉

Muling napuno ng saya, tawanan, at sigawan ng mga bata ang PNR NAGMANA Court at Alikabokya Court sa isinagawang 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸𝗧𝗔𝗡𝗔𝗢: 𝗟𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗙𝗲𝘀𝘁 na pinangunahan ng TANAO Youth Organization sa pamumuno ni Pres. Yram Rapal katuwang ang JUAN Kabataan at sa suporta ng Pamunuang Barangay Western Bicutan.

Layunin ng programang ito na muling buhayin at ipakilala sa bagong henerasyon ang mga tradisyunal na larong Pinoy habang hinihikayat ang mga bata na maglaro, makisalamuha, magkaroon ng masasayang alaala, at makaiwas sa mga gadgets at online games.

Sa bawat takbo, tawanan, at simpleng larong kalye, muling nabubuo ang diwa ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at masayang kabataan sa ating barangay.

At hindi rito nagtatapos ang saya dahil tuloy-tuloy pang iikot ang 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸𝗧𝗔𝗡𝗔𝗢 sa iba’t ibang lugar ng Barangay Western Bicutan!

Kita-kita sa mga susunod pang pagbabalik-tanaw ng larong pinoy! ❤️💙💛

𝙅𝙐𝘼𝙉 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡
Lagi’t lagi para sa Kabataan!
Lagi’t lagi para sa Bayan!





27/05/2026

𝗘𝗶𝗱 𝗠𝘂𝗯𝗮𝗿𝗮𝗸!!

Nawa’y maging makahulugan at mapayapa ang pagdiriwang na ito na puno ng pananampalataya, pagmamahalan, sakripisyo, at pagkakaisa kasama ang inyong pamilya at komunidad.

Hangad natin ang isang ligtas, masaya, at pinagpalang Eid al-Adha 𝘧𝘰𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘑𝘜𝘈𝘕! ❤️💙💛





Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Barangay Western Bicutan
Taguig
1630