Local Housing Office - Taguig City

Directions Contact the organization

Local Housing Office - Taguig City Ang Taguig Local Housing Office ay ang tanggapang nangangasiwa sa programang pabahay ng Probinsyudad ng Taguig.

WE ARE HIRING!An Office in The City Government of Taguig is looking for:- Policy ResearchersJoin our dynamic team!Intere...
28/09/2026

WE ARE HIRING!

An Office in The City Government of Taguig is looking for:

- Policy Researchers

Join our dynamic team!

Interested applicants may send their CV and Cover Letter to:
[email protected]
CC: [email protected]

Fresh Graduates are welcome to apply!

Kasama ang Taguig Local Housing Office, pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang 3rd Quarter Local Housing Board Meeting ...
28/09/2026

Kasama ang Taguig Local Housing Office, pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang 3rd Quarter Local Housing Board Meeting noong September 24, 2026.

Kasama sa naturang pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng Taguig, National Government Agencies, at Civil Society Organization.

Layunin ng pagpupulong na suriin ang mga mahahalagang usapin at mga kasalukuyang kaganapan na nakaaapekto sa pabahay, komunidad, at kapaligiran upang matukoy ang mga naaangkop na hakbang at solusyon para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Taguig.



Sa pangunguna ng Local Housing Office (LHO), matagumpay na naisagawa ang paglagda ng Contract to Sell (CTS) sa pagitan n...
01/07/2026

Sa pangunguna ng Local Housing Office (LHO), matagumpay na naisagawa ang paglagda ng Contract to Sell (CTS) sa pagitan ng mga tagapagmana ng Labao Property sa Ibayo Tipas at ang 36 na kasapi ng Labao Compound Neighborhood Association, Inc. na kwalipikadong benepisyaryo.

Ang mga benepisyaryo, na dati ay kabilang sa mga informal settlers ng compound, ay nabigyan ng pagkakataong maging pormal na may-ari ng lupa sa tulong ng LHO. Ang opisina ay nagbigay ng libreng serbisyo kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga landowners, pagsasagawa ng General Assemblies, paghahanda ng mga legal na dokumento, at pagtulong sa pagkalkula ng loan at buwanang amortization.

Ang proyektong ito ay isang makabuluhang hakbang para sa komunidad, na nagbibigay ng mas matatag na pundasyon para sa mga pamilya at nag-aambag sa pangmatagalang kaunlaran ng Taguig.


Nagsagawa ng Updating of Family Profile ang mga benepisyaryo ng GK Poveda noong June 13, 2026 upang masiguro ang tama at...
25/06/2026

Nagsagawa ng Updating of Family Profile ang mga benepisyaryo ng GK Poveda noong June 13, 2026 upang masiguro ang tama at napapanahong datos ng bawat pamilya. Ang aktibidad na ito ay mahalaga para sa mas maayos na pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa para sa komunidad.



Pagbati sa Newly-Elected Officers ng GK Poveda Neighborhood Association Inc. at GK Fuji Xerox Neighborhood Association I...
24/06/2026

Pagbati sa Newly-Elected Officers ng GK Poveda Neighborhood Association Inc. at GK Fuji Xerox Neighborhood Association Inc.!

Noong June 7, 2026, pinangunahan ni Engr. Generoso G. Ignacio, OIC ng Local Housing Office, ang isinagawang General Assembly at Oath Taking Ceremony ng mga nasabing asosasyon. Sa pagpupulong ay nagkaroon ng talakayan upang tugunan ang mga usaping may kinalaman sa pabahay at komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa mga nakiisa, lalo na sa mga residente at opisyales na patuloy na nakikipagtulungan at nakikibahagi sa mga programa ng ating probinsyudad.



Paalala sa lahat ng HOA sa mga subdibisyon, housing projects at dating rehistrado sa SEC o HIGC, obligadong magpa-re-reg...
17/06/2026

Paalala sa lahat ng HOA sa mga subdibisyon, housing projects at dating rehistrado sa SEC o HIGC, obligadong magpa-re-register sa DHSUD alinsunod sa 2024 Revised IRR ng RA 9904.

Epektibo sa Hunyo 17, 2026, pinalawig ang deadline ng HOA re-registration hanggang Disyembre 18, 2026.

Iwasan ang pagka-suspinde, pagkawala ng legal na pagkakakilanlan, at pagkawala ng mga benepisyo bilang HOA. Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DHSUD Regional Office o i-scan ang QR code sa pub mat para sa kumpletong detalye.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pinalawig na deadline ng HOA re-registration ayon sa Department Circular No. 2026-007, bisitahin ang:
https://tinyurl.com/DC2026007

Ang Taguig Local Housing Office ay kaisa ng buong sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Ka...
12/06/2026

Ang Taguig Local Housing Office ay kaisa ng buong sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ang makasaysayang araw na ito ay paalala sa bawat isa na patuloy na pahalagahan ang ating kalayaan, pagkakaisa, at pananagutan bilang mamamayan sa pagtataguyod ng isang mas maunlad, makatarungan, at masaganang Pilipinas para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.


Address

Gen Luna Street Tuktukan
Taguig
1637

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Housing Office - Taguig City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Local Housing Office - Taguig City:

Shortcuts

Share