𝙋ag𝙎ibol

Directions

𝙋ag𝙎ibol Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija

14/09/2026

A month filled with compassion, unity, and service.🫶🏻🙏🏻

Sa pangunguna ni Mr. Joel Delos Santos kasama ang mga katuwang, naging posible ang pagbibigay ng tulong at suporta sa ating komunidad sa bawat purok sa Poblacion Sur Talavera, Nueva Ecija

Maraming salamat sa lahat ng naglaan ng oras, nagluto, naghanda, nagsakripisyo at nagbigay tulong pinansyal para maisakatuparan and programang ito. Saludo rin kami sa ating mga kabataang volunteers na buong puso na tumulong at naging bahagi ng programa.

Small acts of kindness create a bigger impact. Kapag sama-sama, mas malayo ang ating mararating.

Sulong lang! Bawat hakbang ay hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan. 🌱



Maraming salamat po sa lahat ng ating mga kabarangay na nag-abang, tumanggap, at naging bahagi ng aming munting handog p...
14/09/2026

Maraming salamat po sa lahat ng ating mga kabarangay na nag-abang, tumanggap, at naging bahagi ng aming munting handog para sa ating komunidad.

Hindi namin malilimutan ang inyong mga ngiti, pasasalamat, at masayang pagtanggap sa aming grupo, sa bawat pagsikat ng araw at pagpatak ng ulan. Ang simpleng pagbabahagi ng pagkain ay naging simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal sa kapwa.

Sa bawat hakbang ng aming grupo tungo sa paglilingkod, patuloy naming isusulong ang layuning makatulong at makapaghatid ng kabutihan sa ating mga kabarangay. Sa simpleng paraan, nawa’y maipakita natin na ang isang maliit na gawa ng kabutihan ay maaaring magbigay ng malaking inspirasyon at pag-asa sa komunidad.

Sama-sama tayong UUSAD tungo sa pagkamit ng mas maraming layunin, mas malusog na pamumuhay, at mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Maraming salamat po sa programang pinangunahan ni Mr. Joel Delos Santos, kasama ang kanyang mga katuwang, na naging daan upang maisakatuparan ang adhikaing ito ng pagbabahagi at pagmamalasakit.

Taos-pusong pasasalamat din po sa ating masisipag na katuwang sa kusina, sa pangunguna ni Mrs. Maya Delos Santos, kasama ang kanyang mga katuwang at ang iba pang tumulong upang maging matagumpay ang ating Community Feeding Program.

Maraming salamat din po sa lahat ng ating mga sponsor na nagbahagi ng kanilang tulong at suporta upang mabuo ang ating munting handog na “Lugaw ng Pagkakaisa.”

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, patuloy nating ipakita na ang bawat munting kabutihan ay may malaking epekto sa ating komunidad.

Maraming salamat po, at sama-sama tayong UUSAD!

Magkita-kita po tayong muli, mga ka-barangay. 🍲

14/09/2026

“What makes you happy?”🤍

Minsan, ang tunay na saya ay makikita sa simpleng bagay sa isang ngiti, sa pagbabahagi, at sa pagkakataong makapagbigay ng tulong sa iba. ✨

Through this feeding program, we witnessed the joy that a simple act of kindness can bring. Ang mga ngiti ng mga bata at ang saya nila habang nakakatanggap ng pagkain ay nagpapaalala sa atin na ang pagbabahagi ng kung anong mayroon tayo ay isa sa pinakamagandang biyaya. đź«¶

Seeing the kids happy and full reminds us that sharing what we have is one of the greatest blessings. Thankful for the chance to make a difference and be part of creating moments filled with hope, kindness, and big smiles. đź’›

Together, let us continue spreading compassion and making a positive impact in our community. 🤍 ,UsadTayo

Noong Miyerkules, September 9, 2026, patuloy natin sinuyod ang bawat sulok ng ating komunidad upang ihatid ang nutrisyon...
12/09/2026

Noong Miyerkules, September 9, 2026, patuloy natin sinuyod ang bawat sulok ng ating komunidad upang ihatid ang nutrisyon sa ating mga ka barangay.

Sa pangunguna ni Mr. Joel Delos Santos at ng kaniyang mga kasama, tayo ay muling umikot sa ilang bahagi ng Purok 3, 4, at 5 ng Barangay Poblacion Sur.

Sa simpleng handog ng "Lugaw ng Pagkakaisa", patuloy natin ISUSULONG ang nutrisyon at masustansyang kalusugan ng ating mga ka-barangay.

Ang kakayahan ay hindi nasusukat sa kasikatan ng pangalan. Maraming salamat Poblacion Sur Elementary School sa pagkakata...
10/09/2026

Ang kakayahan ay hindi nasusukat sa kasikatan ng pangalan.

Maraming salamat Poblacion Sur Elementary School sa pagkakataon na makapag bahagi sa ating mga young leaders sa ating komunidad sa pangunguna ng ating tagapagsalita na si Mr. Andrew Aquino. 💛💚


"LUGAW NG PAGKAKAISA"Matapos ang sunod-sunod na ulan, may sumisibol sa kalangitan 🌞Noong September 5, 2026, araw ng saba...
08/09/2026

"LUGAW NG PAGKAKAISA"

Matapos ang sunod-sunod na ulan, may sumisibol sa kalangitan 🌞

Noong September 5, 2026, araw ng sabado, patuloy natin sinuyod ang mga purok sa ating komunidad upang maghatid ng sustansya at kalusugan bago simulan ang bagong umaga.

Maraming salamat Mr. Joel Delos Santos sa buong pamilya at mga kasama na naghandog ng masustansyang lugaw sa ating mga ka-barangay.

Sa mga natitirang sulok ng ating komunidad, malapit na kami SUMULONG sa inyong mga eskenita. Kita-kits, mga ka barangay. đź’šđź’›

September 3, 2026 || HUWEBESKatuwang ang ating tropa, sa pangunguna ni Ginoong Joel Delos Santos, tayo ay naging bahagi ...
04/09/2026

September 3, 2026 || HUWEBES

Katuwang ang ating tropa, sa pangunguna ni Ginoong Joel Delos Santos, tayo ay naging bahagi ng "Kusina ni Nana Maria" sa Barangay Monthly Mass na ginanap sa Barangay Poblacion Sur Chapel.

Sa kabila ng malamig na panahon, panatilihin nating mainit ang ating pananampalataya sa Panginoon.
Ipagkatiwala ang magandang bukas sa Diyos na lumikha nang lahat. đź’š

Isang mataimtim na paalala na hangga't ang Panginoon ang sentro ng bawat pangarap at layunin, hinding-hindi tayo mabibigo sa magagandang hangarin. đź’›

Mabuhay ang diwa ng Diyos sa ating komunidad, at sa bawat pamilyang PobSureños! 🤍🙌🏻

Address

Poblacion Sur
Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝙋ag𝙎ibol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share