06/10/2026
Magandang araw po sa ating lahat Barangay Marcos District! 2nd Sem Barangay Assembly po ay gaganapin sa ika-31 ngayong Oktubre 2026 sa ganap na alas 10 ng umaga sa ating Brgy. Hall. Dito po natin lubos na mauunawaan kung saan-saan po ba napupunta ang pondo ng ating Barangay. Kung ano na po ba ang mga proyektong naipatayo at patuloy pang ipinapagawa at mga programa para sa bawat mamamayan. At kung ano pa po ang mga magagandang programa na ang makikinabang ay ang bawat isang residente ng ating Barangay. Kaya tayong lahat po ay inaanyayahang dumalo, makialam, makilahok at makiisa sa darating na Barangay Assembly. Kita kits po tayong lahat! Maraming salamat po!
DUMALO. MAKIALAM. MAKILAHOK. MAKIISA.
Inaanyayahan ang lahat ng residente sa kani-kanilang barangay na dumalo at aktibong makilahok sa Barangay Assembly Day – 2nd Semester CY 2026.
📌 Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 599, s. 2018 na nagdedeklara sa mga Sabado at Linggo ng Marso at Oktubre bilang Barangay Assembly Days, at sa DILG Memorandum Circular No. 2026-012 – Current Omnibus Guidelines for Barangay Assembly Day.
Sa Barangay Assembly, pagkakataon ng bawat residente na:
✅ Malaman ang mga accomplishments, programa, proyekto, at kalagayang pinansyal ng barangay;
✅ Magtanong at maglahad ng mga saloobin, suhestiyon, at concerns;
✅ Magbigay ng mga rekomendasyon para sa ikauunlad ng ating komunidad; at
✅ Aktibong makilahok sa pamamahala at pagpapaunlad ng ating barangay.
Layunin ng Barangay Assembly na itaguyod ang transparency, accountability, at active citizen participation sa ating komunidad.
Sama-sama nating palakasin ang boses at pakikilahok ng bawat residente para sa isang mas bukas, responsable, at maunlad na barangay!