DAR Quezon I Provincial Office

Call Directions Website Contact the organization

DAR Quezon I Provincial Office DAR Quezon I Provincial Office is the lead implementing agency of the agrarian reform program in the 1st and 2nd congressional districts of Quezon.

The Department of Agrarian Reform (DAR) leads the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through land tenure improvement, agrarian justice, and coordinated delivery of essential support services to client-beneficiaries.

23/10/2026

Suportahan ang Pinagdanlayan Multipurpose Cooperative ng Dolores, Quezon sa Quezon Coffee and Cacao Summit 2026 ๐ŸŒฑ

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ข ๐—œ๐—ก๐—”!๐ŸŒทTaos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan kay PARPO II Karolina Erika A. Buted ng DAR ...
22/10/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ข ๐—œ๐—ก๐—”!๐ŸŒท

Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan kay PARPO II Karolina Erika A. Buted ng DAR Quezon I Provincial Office!

Nawaโ€™y mapuno ng kalusugan, kaligayahan, at mga biyaya ang inyong bagong taon ng buhay. Hangad namin ang patuloy ninyong tagumpay sa pamumuno at paglilingkod sa mga magsasaka at benepisyaryo ng repormang agraryo.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na paggabay sa pamilya ng DAR Quezon I tungo sa mas maunlad na sektor ng agrikultura at mas matatag na komunidad.

Muli, maligayang kaarawan, PARO Ina! Nawaโ€™y patuloy kayong maging inspirasyon sa bawat isa sa inyong tapat na paglilingkod. ๐Ÿ’š๐ŸŒพ

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pinangunahan ni DAR CALABARZON Assistant Regional Director Atty. John Erick M. Sawal ang pagbisita sa isang de...
22/10/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pinangunahan ni DAR CALABARZON Assistant Regional Director Atty. John Erick M. Sawal ang pagbisita sa isang demo farm sa Tagaytay City, Cavite, bilang bahagi ng paghahanda para sa pagtatayo ng mga Greenhouse Facilities sa mga bayan ng Sampaloc at Real, Quezon.

Katuwang ang mga opisyal at kawani ng DAR Quezon I Provincial Office, sinuri ng grupo ang mga pasilidad at pamamaraan sa pagpapatakbo ng naturang demo farm upang makakuha ng mahahalagang kaalaman at gabay na magagamit sa pagtatayo at maayos na operasyon ng mga greenhouse facilities sa Quezon.

Inaasahang makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagbuo ng mas angkop at episyenteng pasilidad na susuporta sa pagpapalago ng agrikultura at pagpapalakas ng kabuhayan ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo.

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Nagsagawa ng courtesy call ang mga opisyal at kawani ng Quezon Provincial Gender and Development (PGAD) sa tan...
21/10/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Nagsagawa ng courtesy call ang mga opisyal at kawani ng Quezon Provincial Gender and Development (PGAD) sa tanggapan ni DAR Quezon I Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO II) Karolina Erika A. Buted bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at pagsusulong ng mga layunin sa gender and development.

Sa maikling pag-uusap, tinalakay nina PARPO Buted at Assistant Department Head Sedfrey Potestades ang nakatakdang pagsasanay ng Kagawaran ng Repormang Agraryo hinggil sa Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG), na naglalayong higit na mapalalim ang pag-unawa at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa mga usapin ng kasarian at kaunlaran.

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Pinangunahan ni DAR Quezon I Chief Legal Atty. Jose Enrico V. Corona ang pagsasagawa ng ๐—™๐—ฎ๐˜€๐˜-๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€...
21/10/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Pinangunahan ni DAR Quezon I Chief Legal Atty. Jose Enrico V. Corona ang pagsasagawa ng ๐—™๐—ฎ๐˜€๐˜-๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ upang masuri ang kalagayan ng mga nakabinbing kaso, matukoy ang mga kailangang aksyunan, at mapabilis ang pagresolba sa mga ito.

Layunin ng aktibidad na mapahusay ang paghawak sa mga kasong agraryo at matiyak ang maagap at mahusay na pagbibigay ng serbisyong legal sa mga benepisyaryo at iba pang kliyente ng Kagawaran.

20/10/2026

ARBO Category

Danlay
CEFI Creatives
Calayan Educational Foundation Inc.

Mula sa isang simpleng pangarap, nagkaisa ang isang pangkat ng kababaihan upang itatag ang PRIC-MPC. At sa kanilang sipag at tiyaga, nabuo ang isang pamana ng pagkakaisa, pag-asa, at pagbabago para sa kanilang komunidad.

20/10/2026
๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ!Pinangunahan ni ARPT/Development Facilitator Harlene M....
20/10/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ!

Pinangunahan ni ARPT/Development Facilitator Harlene M. Adornado ang Training on Good Governance for Cooperatives upang higit na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal at miyembro ng kooperatiba sa maayos, tapat, at responsableng pamamahala.

Tinalakay sa pagsasanay, kalahok ang mga miyembro ng Umiray Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (UMARBEMPCO), ang kahalagahan ng transparency, accountability, at aktibong pakikilahok ng mga miyembro sa pagpaplano at pagdedesisyon para sa ikauunlad ng kanilang kooperatiba.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na sinusuportahan ng DAR Quezon I Provincial Office ang pagpapatatag ng mga kooperatiba tungo sa mas maayos na pamamahala, mas matibay na organisasyon, at mas napapanatiling kabuhayan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Address

Sitio Fori, Barangay Talipan
Talipan
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639218844438

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAR Quezon I Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAR Quezon I Provincial Office:

Shortcuts

Share