04/05/2026
Happy Birthday, Mayor Sonny Perez Collantes!๐
Taos-pusong pagbati mula sa Traffic Management Office (TMO). Maraming salamat po sa inyong patuloy na pamumuno at suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga kalsada.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan at lakas upang makapaglingkod pa nang mas matagal sa ating lungsod.
14/04/2026
Happy Birthday, Mrs. Liza Sangalang! Wishing you joy and blessings always. โ TMO Family
13/04/2026
๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ | ๐๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฃ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ญ๐ผ๐ป๐ฒ๐ ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐ง๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Alinsunod sa City Ordinance No. 2026-06 o "An Ordinance Designating Certain Streets in the City of Tanauan as Pay Parking Zones," ipinagbibigay-alam ng Traffic Management Office na simula Huwebes, April 16, 2026, ay opisyal nang ipatutupad ang ๐ฃ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ญ๐ผ๐ป๐ฒ sa kahabaan ng Burgos Street (Mcdonalds) hanggang Castillo Street (Barangay Gym , Poblacion 5) mula 06:00 am - 07:00 pm.
Ang lahat ng sasakyang magpa-park sa nasabing lugar ay kinakailangang magbayad ng kaukulang parking fee.
Mangyaring sundin ang mga itatalagang parking area at oras ng operasyon.
Paalala:
โข Iwasan ang illegal parking upang hindi mapatawan ng multa.
โข Ang lahat ng magdo-double parking ay mahigpit na ipinagbabawal at sasailalim sa towing o clamping.
โข Sumunod sa mga alituntunin at karatula na ilalagay sa lugar.
Maraming Salamat sa inyong kooperasyon.
18/03/2026
Mula sa Traffic Management Office, taos-puso naming binabati si Mr. Allan S. De Oro bilang CORE VALUE CHAMPION (Professionalism) para sa buwan ng Pebrero 2026.
Maraming salamat sa iyong ipinapakitang husay at propesyonalismo na nagsisilbing inspirasyon sa lahat.
17/03/2026
Matagumpay na narecover ang isang e-bike na itinakas noong March 15, 2026 habang nakakabit ang wheel clamp device. Ang sasakyan ay natagpuan sa Plain Crest Subdivision, Barangay Pagaspas, sa tulong nina Mr. Jorge Mendoza Jr. (HOA President) at Ms. Mary Rose Ann Tenoreo (Admin staff). Taos-puso kaming nagpapasalamat sa kanilang agarang kooperasyon.
Paalala sa lahat:
Ang pagtakas o pag-alis ng sasakyan na may nakakabit na wheel clamp ay isang seryosong paglabag at maaaring magresulta sa kaukulang parusa ayon sa batas at lokal na ordinansa. Hinihikayat namin ang lahat na sumunod sa mga batas trapiko upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating komunidad.
16/03/2026
Magandang araw po. Baka may nakapulot po ng susi (Toyota) noong March 10, 2026 habang ginaganap ang Tan-a-we Festival.
ito po ay nalaglag sa may crossing, tapat ng Mama's Chicken (dating KFC).
Kung sakaling may nakapulot o nakakita nito, hinihiling po na makipag-ugnayan, magmessage o magcomment sa post na ito upang maibalik sa may-ari.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pakikipagtulungan. Handa rin po kaming magbigay ng 1,000.00 sa sinumang makakapagbalik ng nawawalang susi.
Maraming salamat po.
06/03/2026
ROAD CLOSURE ADVISORY
Inaabisuhan ang lahat na magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng kalsada bilang bahagi ng Tan-A-We Festival at Land Float Parade.
-MARCH 10, 2026
-MULA ALAS-TRES NG HAPON HANGGANG SA MATAPOS ANG PARADA
Sakop ng road closure ang mga sumusunod na lugar:
โขSimula Bernardo Lirio hanggang Water District
โขSimula JPL Crossing Hanggang McDonald's (Burgos St.)
Paunawa sa mga motorista:
โขGamitin ang alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa biyahe.
โขLahat ng sasakyan na makikitang naka-illegally parked sa dadaanan ng parada ay subject sa towing.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pang-unawa.
02/02/2026
PAALALA SA PUBLIKO
Simula ngayong araw, Pebrero 2, 2026, ay mahigpit nang ipinatutupad ang Towing at Wheel Clamping Ordinance.
Oras ng Towing at Wheel Clamping:
โข 06:00 AM โ 09:00 AM
โข 04:00 PM โ 07:00 PM
Sakop na Lugar:
โข Mula Boundary ng Malvar hanggang Boundary ng Sto. Tomas
โข Mula JPL Crossing hanggang sa may Laurel Memorial District Hospital.
PAALALA:
Iwasan po ang pagpaparada sa mga nabanggit na oras at lugar upang maiwasan ang towing o wheel clamping.
07/01/2026
PABATID SA PUBLIKO | NO ENTRY OF DUMP TRUCKS AND LOADED TEN WHEELERS (Along Sambat-Trapiche road up to pagaspas street (Poblaciรณn 4))
Ipinagbibigay-alam po ng Traffic Management Office Tanauan Cityna simula January 15, 2026, ay mahigpit nang ipatutupad ang NO ENTRY OF DUMP TRUCKS AND LOADED TEN-WHEELERS sa bahagi ng SambatโTrapiche Road hanggang Pagaspas Street (Poblaciรณn 4).
Ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay papatawan ng kaukulang multa at parusa alinsunod sa umiiral na mga alituntunin.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.