19/08/2026
Magandang gabi po, mga mahal kong kababayan, mga magulang, g**o, at students.
Muli pong naglabas ang Malacañang ng 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗖𝗶𝗿𝗰𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗡𝗼. 𝟭𝟯𝟭, kung saan inaatasan ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Probinsya ng Batangas na gumamit ng naaangkop na alternative work arrangements, gayundin ang pagkonsidera sa alternative learning modes at learning continuity measures para sa lahat ng antas sa public at private schools.
Dahil dito, napagdesisyunan nating muling ilipat muna ang face-to-face classes sa 𝗮𝗹𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗼𝗱𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 sa lahat ng antas ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan, bukas, araw ng Huwebes, ika-20 ng Agosto, 2026.
Kaligtasan ng ating mga mag-aaral ang una nating konsiderasyon, ngunit mahalaga rin sa akin na tuloy ang kanilang pag-aaral. Hinihikayat ko ang ating mga paaralan at g**o na patuloy na gamitin ang mga learning continuity measures upang magamit nang makabuluhan ng ating mga estudyante ang kanilang oras sa tahanan at hindi sila mapag-iwanan sa kanilang lessons at school requirements.
Para naman sa ating Pamahalaang Lungsod, mananatiling bukas at operational ang City Hall sa ilalim ng hybrid work arrangement. Ang bawat Department Head ang magtatakda ng kinakailangang personnel na physically present, batay sa pangangailangan ng kanilang tanggapan at kalagayan ng kanilang mga kawani.
Sa panahon ng masamang panahon, ayaw nating dumating ang ating mga kababayan sa City Hall na sarado ang pintuan ng pamahalaan kapag kailangan nila ng serbisyo. Kasabay nito, bibigyan natin ng tamang konsiderasyon ang kaligtasan ng ating mga empleyado, partikular ang mga maaaring mahirapang bumiyahe.
Kaligtasan ang una, edukasyon ay dapat magpatuloy, at ang serbisyo ng pamahalaan ay mananatiling abot-kamay ng bawat Tanaueño.
Mag-ingat po tayong lahat at maraming salamat.
Sonny Perez Collantes
City Mayor, Tanauan City