Sangguniang Barangay ng Talaga

Directions

Sangguniang Barangay ng Talaga OFFICIAL PAGE!! Barangay Talaga Information

FYI!!
21/10/2026

FYI!!

19/10/2026

📢 PAALALA

Magkakaroon po ng KADIWA sa darating na Oktubre 23, 2026 (Biyernes), mula 1:00 PM hanggang 3:00 PM sa Outpost, Crossing

Samantalahin ang pagkakataong makabili ng mga sariwa at abot-kayang produkto para sa inyong pamilya! 🥬🧅🍅

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa. Maraming salamat po!

– Sangguniang Barangay ng Talaga

📢 PAUNAWA | BARANGAY TALAGAAng Pamahalaang Barangay ng Talaga, Tanauan City, Batangas ay nagpapaabot ng impormasyon tung...
16/10/2026

📢 PAUNAWA | BARANGAY TALAGA

Ang Pamahalaang Barangay ng Talaga, Tanauan City, Batangas ay nagpapaabot ng impormasyon tungkol sa planong pagsasagawa ng Exhibit Caravan ng FC Home Center Tanauan 1 sa Barangay Hall ng Talaga sa darating na Oktubre 21–23, 2026, mula 9:00 AM hanggang 6:00 PM.

Layunin ng aktibidad na maipakita sa mga residente ang iba't ibang produkto tulad ng appliances, furniture, mobile phones, e-bikes, at iba pang kagamitan sa bahay, kasama ang mga available na financing options.

Ang nasabing aktibidad ay nakabinbin sa pag-apruba at pahintulot ng kinauukulang tanggapan ng barangay.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa!



10/10/2026

📢 PSA CARAVAN SA BARANGAY TALAGA!

Magandang araw, mga Ka-Barangay! 💙

Hatid ng SM Store Sto. Tomas ang PSA Caravan dito mismo sa Barangay Talaga upang gawing mas mabilis at mas convenient ang pagkuha ng mahahalagang dokumento ng ating mga residente.

📅 October 16, 2026 (Friday)
📍 Barangay Talaga, Barangay Hall
⏰ 10:00 AM – 3:00 PM

📄 MGA SERBISYONG AVAILABLE:
• PSA Birth Certificate
• PSA Death Certificate
• PSA Marriage Certificate
• CENOMAR

⏳ Processing Time: 7 working days

📌 MGA KAILANGAN DALHIN:
• 1 Valid ID

👤 Kung representative ang kukuha:
• Authorization Letter
• Valid ID ng may-ari ng dokumento
• Valid ID ng representative

✨ Samantalahin ang pagkakataong ito upang makapag-request ng inyong mahahalagang dokumento nang hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo.

See you, mga Ka-Barangay! 💙

05/10/2026

📢 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓

Magandang araw po sa ating lahat.

Nais po naming ipabatid na ang kalahating bahagi ng Purok 2 at Purok 3 ay 𝐩𝐚𝐧𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐭𝐫𝐞𝐞𝐭𝐥𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐬𝐮𝐧𝐨𝐠/𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐬𝐢𝐫𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞.

Sa kasalukuyan, inaasahang maaaring tumagal ng hanggang isang linggo o higit pa ang pagkukumpuni, depende sa proseso ng pag-aayos at availability ng mga kinakailangang materyales. Gayunpaman, kung magiging maayos at mabilis ang pagkukumpuni, posible rin namang mas maaga itong maibalik.

Humihingi po kami ng pang-unawa at pasensya sa lahat ng maaapektuhan. Hinihikayat po ang mga residente na maging mas maingat sa gabi at, kung kinakailangan, gumamit muna ng sariling ilaw para sa kaligtasan.

Patuloy po nating susubaybayan ang sitwasyon at magbibigay ng abiso kapag may update tungkol sa pagkukumpuni at pagbabalik ng streetlights.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa. 🙏

Mag-ingat po tayong lahat!

🌿🧹  𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 🧹🌿Nakikiisa ang 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚, 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬...
20/09/2026

🌿🧹 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 🧹🌿

Nakikiisa ang 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚, 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 sa 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭𝐚𝐥 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 (𝐈𝐂𝐂) 𝐃𝐚𝐲, 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧𝐮𝐩 𝐃𝐚𝐲 – 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬, 𝐚𝐭 𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Kahapon, 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔, nagsagawa ang ating barangay ng 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 sa 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥𝐬, 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐇𝐖, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐧𝐨𝐝𝐬. 🤝💚

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐚𝐲𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢𝐫𝐚𝐧, gayundin ang paghikayat sa bawat isa na maging responsable sa pangangalaga ng ating komunidad. 🌏✨

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras para sa ating 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬, 𝐦𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚! 💚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧! 🌱






📚 𝐆𝐀𝐃 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐨𝐧 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫-𝐅𝐚𝐢𝐫 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐮𝐚𝐠𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐂𝐏𝐂The 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 successfully conducted a 𝐭𝐰𝐨-𝐝𝐚𝐲 𝐆𝐀𝐃 𝐒𝐞...
28/08/2026

📚 𝐆𝐀𝐃 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐨𝐧 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫-𝐅𝐚𝐢𝐫 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐮𝐚𝐠𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐂𝐏𝐂

The 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 successfully conducted a 𝐭𝐰𝐨-𝐝𝐚𝐲 𝐆𝐀𝐃 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐨𝐧 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫-𝐅𝐚𝐢𝐫 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐮𝐚𝐠𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 (𝐁𝐂𝐏𝐂) on 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟓–𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔, held at 𝐉𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧 𝐝𝐞 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨.

The activity provided an opportunity for participants to gain knowledge and strengthen their understanding of 𝐠𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫-𝐟𝐚𝐢𝐫, 𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐬𝐢𝐯𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐟𝐮𝐥 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐮𝐚𝐠𝐞, as well as the importance of promoting and protecting the 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬, 𝐰𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 in the community.

Through meaningful discussions and learning sessions, the seminar encouraged everyone to become more aware, responsible, and proactive in creating a 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬, 𝐰𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧.

The Sangguniang Barangay of Talaga extends its sincere appreciation to the 𝐬𝐩𝐞𝐚𝐤𝐞𝐫𝐬, 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐧𝐭𝐬, 𝐨𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐞𝐫𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐞𝐝 to the success of this meaningful and informative activity. 💜🤝

Together, let us continue to promote 𝐠𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐞𝐪𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲, 𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐬𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲, 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 for a stronger and more caring community.

Tanauan

💉 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐄𝐀𝐒𝐋𝐄𝐒-𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀 𝐒𝐈𝐀Nakikiisa ang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 at ating mga 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒆𝒓𝒔 (𝑩𝑯𝑾𝒔) sa L...
07/08/2026

💉 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐄𝐀𝐒𝐋𝐄𝐒-𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀 𝐒𝐈𝐀

Nakikiisa ang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 at ating mga 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒆𝒓𝒔 (𝑩𝑯𝑾𝒔) sa Ligtas Tigdas Campaign para sa kalusugan at proteksyon ng ating mga anak. 💙

📅 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟎–𝟐𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝑴𝒂𝒌𝒊𝒊𝒔𝒂. 𝑴𝒂𝒈𝒑𝒂𝒃𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂. 𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔! ❤️

📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT📢❗On the Spot Result Live Blood Analysis🩸🩸❗️(Actual makikita ang Result, Actual Babasahin madadala ...
05/08/2026

📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT📢

❗On the Spot Result Live Blood Analysis🩸🩸❗️

(Actual makikita ang Result, Actual Babasahin madadala kaagad ang Result)

For Only 350 pesos!

August 8, 2026 ganap na 8:AM-3PM
sa BARANGAY TALAGA TANAUAN BATANGAS gaganapin.

📌 1st 100 Patients Only!
🔑 PM/DM your NAME, AGE and CONTACT NUMBER for willing to avail the medical check-up!

FOR RESERVATIONS PLS CONTACT:
GIOVANI BINADAY ZEPEDA
Cp #: 09217421627

What can be Detected, For Details See the picture below👇👇👇



Address

Purok 1 Talaga
Tanauan
4232

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Talaga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share