04/06/2026
📅 June 4, 2026 | Huwebes
📍 Mayor’s Lobby
Patuloy ang ating pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng tulong at serbisyo para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Distribution of Local AICS, Mortuary Assistance, at Tulong Dunong Program (TCC).
Dumalo at nakiisa ang inyong lingkod, Konsehal Rene “Eboy” Pia Alcantara, sa programang pinangunahan ng ating butihing Mayor Nelson “Sonny” Perez Collantes at Vice Mayor Wilfredo “Dodong” Ablao.
✅ Local AICS – 191 benepisyaryo
✅ Mortuary Assistance – 69 benepisyaryo
✅ Tulong Dunong Program (TCC) – 94 estudyante
Patunay ang mga programang ito na ang malasakit at serbisyo ay patuloy na umaabot sa bawat sektor ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas marami pa tayong matutulungan at mabibigyan ng pag-asa para sa mas maayos na kinabukasan.
❤️ Serbisyong Subok at Maaasahan
🏛️ Sama-sama para sa mas maunlad na Tanauan
04/06/2026
June 4, 2026
🎉 Maligayang Kapistahan, Barangay Maria Paz!
Isang marangal at taos-pusong pagbati sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Mahal na Patron ng Mary Mediatrix of all Graces!
Sa okasyong ito, nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang banal na pamumuhay at mga aral sa higit pang pagpapatibay ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa isa’t isa.
Nawa’y patuloy nating pangalagaan ang diwa ng pagkakabuklod at sama-samang pagkilos tungo sa isang mas maunlad, maayos, at mapayapang pamayanan.
Dalangin ko ang patuloy na paggabay at pagpapala sa bawat mamamayan ng Barangay Maria Paz.
Maligayang Kapistahan sa ating lahat.
Pagbati mula sa inyong lingkod, Konsehal Rene “Eboy” Pia Alcantara ❤️
03/06/2026
📅June 4, 2026
Happy Birthday! 🎂🎉
A warm happy birthday to a hardworking and faithful servant!
Hon. Francheska Mae Azucena- SK Kagawad (Poblacion V, Tanauan City)
May you continue to be blessed with health, happiness, and success in all your endeavors for our city. We salute your dedication and genuine concern for others.
From the bottom of the heart, a special greeting from Councilor Rene "Eboy" Pia Alcantara and the whole family. ❤️
03/06/2026
📅 June 3, 2026 | Miyerkules
Nagsagawa ng Joint Commitee Hearing ang Committee on Games and Amusement at Committee on Laws, Rules and Privileges upang talakayin ang mga panukalang ordinansa na may kaugnayan sa pag-amyenda ng mga prangkisa at lisensya ng mga cockpit sa Lungsod ng Tanauan.
Bilang Chairperson ng Committee on Games and Amusement, pinangunahan ng inyong lingkod, Konsehal Rene “Eboy” Pia Alcantara, ang pagdinig upang mabigyang pagkakataon ang lahat ng kinauukulan na maipahayag ang kanilang mga pananaw at rekomendasyon hinggil sa:
✅ Pag-amyenda sa ordinansang nagbibigay ng lisensya sa Darasa Tanauan Sports Complex Corporation (DATASCO) para sa operasyon ng cockpit sa Barangay Darasa.
✅ Pag-amyenda sa ordinansang nagbibigay ng prangkisa para sa operasyon ng Tinurik Cockpit sa Barangay Tinurik.
Layunin ng pagdinig na ito na matiyak na ang lahat ng hakbang ng Sangguniang Panlungsod ay naaayon sa umiiral na batas, makatarungan, at nakatuon sa kapakanan ng ating mga mamamayan.
Patuloy po nating isusulong ang mahusay, responsable, at makataong pamamahala para sa ikauunlad ng ating lungsod.
03/06/2026
June 3, 2026
🎉 Maligayang Kapistahan, Barangay Bagbag II!
Isang marangal at taos-pusong pagbati sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Mahal na Patron ng Mary Mediatrix of all Graces!
Sa okasyong ito, nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang banal na pamumuhay at mga aral sa higit pang pagpapatibay ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa isa’t isa.
Nawa’y patuloy nating pangalagaan ang diwa ng pagkakabuklod at sama-samang pagkilos tungo sa isang mas maunlad, maayos, at mapayapang pamayanan.
Dalangin ko ang patuloy na paggabay at pagpapala sa bawat mamamayan ng Barangay Bagbag II.
Maligayang Kapistahan sa ating lahat.
Pagbati mula sa inyong lingkod, Konsehal Rene “Eboy” Pia Alcantara ❤️
02/06/2026
📅June 3, 2026
Happy Birthday! 🎂🎉
A warm happy birthday to a hardworking and faithful servant!
Hon. Isaac Moncayo- Barangay Kagawad (Brgy. Bagumbayan, Tanauan City)
Jenifer De Paz- SK Secretary (Brgy. Bañadero, Tanauan City)
Marie Bernadeth Labing- SK Treasurer (Brgy. Sala, Tanauan City)
May you continue to be blessed with health, happiness, and success in all your endeavors for our city. We salute your dedication and genuine concern for others.
From the bottom of the heart, a special greeting from Councilor Rene "Eboy" Pia Alcantara and the whole family. ❤️
02/06/2026
📅June 3, 2026
Happy Birthday! 🎂🎉
A warm happy birthday to a hardworking and faithful servant!
Hon. Candido Terrones- Barangay Chairperson (Brgy. Sala, Tanauan City)
May you continue to be blessed with health, happiness, and success in all your endeavors for our city. We salute your dedication and genuine concern for others.
From the bottom of the heart, a special greeting from Councilor Rene "Eboy" Pia Alcantara and the whole family. ❤️
02/06/2026
📅 June 2, 2026 | Martes
📍 Mayor’s Lobby
🎓 Career Coaching for Graduating Students of Tanauan City College
Nakiisa ang inyong lingkod, Konsehal Rene “Eboy” Pia Alcantara, sa isinagawang Career Coaching para sa 590 graduating students ng Tanauan City College (TCC). Ang programang ito ay nagsisilbing mahalagang gabay at paghahanda ng ating mga kabataan sa mga oportunidad na naghihintay sa kanilang kinabukasan. ✨
Naniniwala tayo na ang tamang kaalaman, tamang pananaw, at sapat na paghahanda ay susi upang maging matagumpay ang bawat estudyante sa kanilang napiling landas. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy silang mangarap, magsikap, at maging produktibong mamamayan ng ating lungsod.
Ang programa ay pinangunahan ng ating butihing Mayor Nelson “Sonny” Perez Collantes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Wilfredo “Dodong” Ablao. Naging bahagi rin ng programa si PTCOL Atty. Caesar Ian C. Binucal na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at inspirasyon sa ating mga magtatapos na mag-aaral.
Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataang Tanaueño!❤️
02/06/2026
📅 June 2, 2026 | Martes
⏰ 10:00 AM
📍 Committee on Housing and Land Utilization
Dumalo ang inyong lingkod, Konsehal Rene “Eboy” Pia Alcantara, sa pagpupulong ng Committee on Housing and Land Utilization upang talakayin ang kahilingan para sa reclassification ng isang lupang may kabuuang lawak na 3,510 metro kuwadrado mula Agricultural patungong Commercial.
Ang nasabing kahilingan ay inihain ni G. Kyle Fariñas para sa lupang matatagpuan sa Brgy. Janopol Oriental, Lungsod ng Tanauan.
Patuloy po nating pinag-aaralan at sinusuri ang mga panukalang may kaugnayan sa wastong paggamit ng lupa upang matiyak na ang mga ito ay naaayon sa mga umiiral na batas, plano ng lungsod, at kapakanan ng ating mga mamamayan.
🏛️ Sama-sama nating isulong ang maayos, responsable, at pangmatagalang pag-unlad ng ating lungsod.