15/04/2026
Goodluck Tanauan City Bravehitters!
Good luck TCBH X TCIHS
NATIONAL GRASS ROOTS VOLLEYBALL LEAGUE SOUTH LUZON FINALS.
Sports Development
15/04/2026
Goodluck Tanauan City Bravehitters!
Good luck TCBH X TCIHS
NATIONAL GRASS ROOTS VOLLEYBALL LEAGUE SOUTH LUZON FINALS.
Mga kababayan, sama-sama nating suportahan ang laban ng ating koponan sa Little League Philippines National Finals 2026 sa darating na April 17–25, 2026 na gaganapin sa Lalawigan ng Ilocos Norte.
Ipakita natin ang buong lakas, sigla, at pagkakaisa para sa ating mga atleta na buong pusong lalaban para sa panibagong karangalan ng ating Lungsod.
Good luck, Tanauan City Baseball and Softball Team! Ipamalas ang lakas at galing ng Atletang Tanaueño! ⚾🥎
10/04/2026
Bring Home the Trophy, Team Tanauan City!🏆
Bilang paghahanda sa nalalapit na Little League Philippines National Finals 2026, siniguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, ang sapat na suporta at kagamitan para sa ating mga kabataang atletang lalahok sa kompetisyon.
Sa ginanap na Send-Off Ceremony, ipinagkaloob nina Mayor Sonny Perez Collantes, kasama si Konsehal Macky Leus Gonzales at Tanauan City Sports Development Office sa pamumuno ni Mr. Max Andrew Mercado, ang mga kinakailangang athletic equipments tulad ng Baseball and softball balls, bats, catchers gear, helmets, uniform at cash allowance para sa mga atleta.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Sonny ang taos-pusong suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga atletang kabataan ng Tanauan. Hinikayat niya rin ang mga ito na dalhin ang dangal ng lungsod sa bawat laban at ipakita hindi lamang ang talento sa sports, kundi ang malasakit, disiplina at determinasyon ng isang Tanaueño.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, taos-pusong pagbati at suporta ang ipinapaabot sa ating mga atleta. Good luck Athletes! Go bring home the Gold!
18/03/2026
18/03/2026
PADDLES UP FOR Mayor SPC 2026 – Leg 1 PDBF Philippine Dragon Boat Regatta! 🐉
Bilang bahagi ng Month-long Celebration ng ating 25th Tanauan Cityhood Anniversary, hatid ng Pamahalaang Lungsod, Philippine Dragon Boat Federation at Strength Project ang kapanapanabik na Mayor SPC 2026 – Leg 1 PDBF Philippine Dragon Boat Regatta!
Kaya't mga Tanaueños, saksihan ang banggaan ng lakas, disiplina, at pagkakaisa sa isang makasaysayang dragon boat competition ng iba't ibang koponan sa Bansa, sa darating na Marso 22, 2026, ganap na Alas-6 ng umaga (simula ng unang karera) na gaganapin sa Ambulong-Bañadero Baywalk.
Kitakits!
Pagkilala at mensahe sa mga kabataang tanaueño wagi sa 2026 RAAM!
16/03/2026
Mga Kabataang Tanaueño, wagi sa Iba’t Ibang Kategorya sa 2026 RAAM!
Personal na binigyang-pagkilala nina Mayor Sonny Perez Collantes at Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao, kasama ang Sangguniang Panlungsod at DepEd Tayo - DepEd Tanauan City sa pamumuno ni SDS Dr. Nicolas Burgos, ang mga kabataang nagsilbing kinatawan ng Lungsod at nag-uwi ng karangalan sa katatapos lamang na 2026 Regional Athletic Association Meet (RAAM).
Sa mensahe ni Mayor Sonny, ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pagbati at paghanga sa ipinamalas na galing at dedikasyon ng mga atleta ng Tanauan City Braves, at tiniyak din niya na patuloy na susuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang kanilang potensyal sa iba't ibang aspeto, mula sa pagsasanay, edukasyon, hanggang sa personal na pag-unlad upang matiyak ang mas maliwanag at matagumpay na hinaharap ng bawat batang atleta.
Kabilang sa mga nasungkit na medalya ng Tanauan City Braves ay ang mga sumusunod:
🥇 GOLD MEDALS
• Softball Secondary Category
• Table Tennis (Khian Ryan Madriaga)
• Baseball Secondary Category
• Baseball Elementary Category
🥈 SILVER MEDALS
• Football Secondary Category
• Volleyball Secondary – Boys Category
• Paragame s4x100 Relay Junior
🥉 BRONZE MEDALS
• Singles A Table Tennis Elementary (Kurt Keiron Panghulan)
• Singles A Table Tennis Secondary (Angelica Jan Navarro)
• Singles A Table Tennis Secondary (Red Matthew Opulencia
• Taekwondo Kyurogi – Category 2 (Renz Jacob Terrible)
• Taekwondo Kyurogi – Category 7 (Sofia Nathalie De Villa)
• Bandminton ALS (Raben Sareta)
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at Vice Mayor Dodong Ablao, at ng buong Lungsod ng Tanauan, taos-pusong pagbati sa inyong mga karangalan at tagumpay!
10/03/2026
Happy 25th Cityhood Anniversary Tanauan City! ✨☝🏻
07/03/2026
PADDLES UP FOR ! 🐉
Strength, tradition, and celebration collide! Strength Project is honored to bring the thunder of the dragon boat to the 25th Cityhood Anniversary of Tanauan City, Batangas . Get ready for an explosive day on the water as we kick off the first leg of the season amidst the festivities of Tan-A-We!
Mayor SPC 2026
Leg 1 PDBF Philippine Dragon Boat Regatta
Celebrate 25 years of Tanauan’s progress by witnessing the ultimate display of teamwork and endurance. The dragons are coming to the Baywalk!
📅 EVENT HIGHLIGHTS
● Date: March 22, 2026
● Time: 6:00 AM (Gun start for early heats)
● Location: Baywalk Bañadero 📍
● The Event: Mayor SPC 2026 Leg 1 PDBF Philippine Dragon Boat Regatta ( Part of the Tan-A-We: 25th
Cityhood Anniversary celebrations!)
🔥 WHY BE THERE?
● Silver Anniversary Vibes: Experience the unique "Tan-A-We" festival atmosphere—celebrating the culture, people, and spirit of Tanauan.
● Elite Competition: Watch the top PDBF teams battle for glory in the season's opening leg.
● Scenic Action: The Bańadero Baywalk provides the perfect vantage point for every heart-pounding finish.
See you at the Bay! 🐲🇵🇭
02/03/2026
Bring Home the Trophy, Tanauan City Braves!🏆
Bilang paghahanda sa nalalapit na 2026 Regional Athletic Association Meet (RAAM), siniguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa pakikipagtulungan sa DepEd Tayo - DepEd Tanauan City, ang sapat na suporta at kagamitan para sa ating mga kabataang atletang lalahok sa kompetisyon.
Sa ginanap na Send-Off Ceremony, sabayang ipinagkaloob nina Mayor Sonny Perez Collantes, Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao, TCWCC President Atty Cristine Collantes, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang mga kinakailangang athletic equipment tulad ng athletic bags, caps, sapatos, at tumblers, pati na rin ang cash allowance para sa mga atleta. Isinagawa ito katuwang ang DepEd Tanauan City sa pamumuno ni SDS Dr. Nicolas Burgos at ASDS Dr. John Carlo Paita.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Sonny ang taos-pusong suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga atletang kabataan ng Tanauan. Hinikayat niya rin ang mga ito na dalhin ang dangal ng lungsod sa bawat laban at ipakita hindi lamang ang talento sa sports, kundi ang malasakit, disiplina at determinasyon ng isang Tanaueño.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, taos-pusong pagbati at suporta ang ipinapaabot sa ating mga atleta. Good luck Athletes! Go bring home the Gold!
01/02/2026
Granting Sponsorship to Tanauan Baseball Team
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |