11/09/2026
1st Board Meeting ng PCCIโTanauan City Chapter, pinangunahan ni PCCI Tanauan City President Atty. Cristine Collantes katuwang ang LEDIPO Tanauan
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang mas matatag at business-friendly na lokal na ekonomiya, isinagawa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)โTanauan City Chapter sa pangunguna ni PCCI Tanauan City President Atty Cristine Collantes, katuwang ang Local Economic Development and Investment Promotion Office Tanauan City sa pangunguna ni Mr. Marco Amurao ang 1st Board Meeting nito.
Kabilang sa mga dumalo ay sina:
โข EXTERNAL VICE PRESIDENT: Mr. Ricky A. Carandang - First Philippine Industrial Park
โข INTERNAL VICE PRESIDENT: Mr. Marcial V. Goguanco Jr. - Plantacion Del Socorro Resort
โข SECRETARY: Atty. Janine Jimena-Perez - Happy Leasing Services
โข TREASURER: Ms. Minerva A. Matibag - Prime Solar Solutions Corp.
BOARD MEMBERS
โข TMO Garden Shuttle Service
โข AXS Prints and Signs
โข Healthway Daniel O. Mercado Medical Center
โข Boss D Restaurant
โข M.S. Liwanag Construction Inc.
Kabilang sa mga tinalakay ang kasalukuyang SEC registration ng samahan, ang matagumpay na Business Survival and Recovery Seminar para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), aplikasyon ng Lungsod ng Tanauan bilang Most Business-Friendly LGU ng PCCI, at ang pagbibigay ng online business application orientation at assistance para sa mga negosyanteng nais magtayo o magpalawak ng negosyo sa lungsod.
Binigyang-pansin din ang mga panukalang aktibidad para sa pagpapalawak ng kaalaman ng kabataan tungkol sa entrepreneurship at business resilience, kabilang ang proposed Campus Seminar Tour on Business Survival para sa mga mag-aaral ng BS Entrepreneurship, na isasagawa sa koordinasyon ng Department of Trade and Industry (DTI).
Samantala, kabilang sa mga inihahandang hakbang ng PCCI Tanauan City Chapter ang pormal na panunumpa sa katungkulan ng Board of Directors, kasama ang mga kinatawan mula sa PCCI, gayundin ang pagbuo ng Code of Operations at mga programang nakatuon sa pagbibigay ng suporta, kaalaman, at oportunidad sa mga negosyante at mga nagnanais mamuhunan sa Lungsod ng Tanauan.
Sa patuloy na pagtutulungan ng PCCI Tanauan City Chapter at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang LEDIPO, isinusulong ang mga konkretong hakbang upang mapalakas ang suporta sa mga lokal na negosyo, mahikayat ang pamumuhunan, at higit pang mapaunlad ang business environment at lokal na ekonomiya ng Tanauan.