09/10/2026
SA PAGDIRIWANG NG LINGGO NG NAKATATANDANG PILIPINO 2026 | OCTOBER 1–9, 2026 💖 🎉
Sa loob ng siyam na araw, naging makulay, masaya, at makabuluhan ang pagdiriwang ng Linggo ng Nakatatandang Pilipino 2026 para sa ating minamahal na Lolo’t Lola ng Haven for the Elderly! 🥰 🌸 Sa bawat aktibidad, muling naipakita ang kanilang talento, kakayahan, pagkamalikhain, karunungan, at kagandahang taglay sa bawat yugto ng kanilang buhay. Tunay na ang pagtanda ay hindi hadlang upang patuloy na matuto, mangarap, lumikha, at magbigay-inspirasyon sa iba.
🌟 Mula sa makulay na Mr. & Ms. Granny 2026 na tampok ang Trashion at Advocacy Presentation, hanggang sa sama-samang panonood sa Handog Eksine (HE) Film Showing, naging daan ang mga gawaing ito upang maipamalas ang kanilang kumpiyansa, adbokasiya, at pakikisalamuha. Naging makabuluhan din ang Productivity and Therapeutic Materials Exhibit, Art Contest, at Awarding of SANHE Members, na nagbigay-pagkilala sa kanilang mga likha, pagsisikap, aktibong pakikilahok, at mga kontribusyon sa ating komunidad. Bawat ngiti, palakpakan, at sandaling pinagsaluhan ay patunay na ang ating mga nakatatanda ay patuloy na may kakayahang magningning at magbigay ng saya sa kapwa.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang mga aktibidad na ito. Higit sa mga paligsahan at programa, ang tunay na diwa ng pagdiriwang ay ang pagbibigay-halaga, pagmamahal, paggalang, at pagkilala sa ating mga Lolo’t Lola. Dahil sa Haven for the Elderly, bawat taon ng buhay ay mahalaga, bawat kuwento ay may saysay, at bawat nakatatanda ay karapat-dapat mahalin at pahalagahan na may pusong pagmamahal sa bawat isa. ❤️
(With reports from: D. Robles)