09/10/2026
Nagsimula noong Oktubre 5, 2026 sa OPAg South Cotabato Demo Farm, Banga, South Cotabato ang Training on Sustainable Community Vegetable Value Chain and Introduction to New Varieties under the Gulayan sa Bayan (GSB) Project β Batch 2, na nilahukan ng mga GSB beneficiaries mula sa probinsya ng Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat.
Pinangunahan ni Ms. Kissciel Arao-Arao, Alternate Focal Person ng HVCD Program, ang expectation setting at talakayan sa Overview of the GSB Project at Market-Driven Enhancement of Vegetable Value Chain (MV2C), na nagsilbing pundasyon ng training.
Tinalakay ni Ms. Donna D. Cabahug, Agricultural Technologist mula sa OMAg Surallah, ang Basic Market Survey, habang sina Ms. Katherine May V. Morandante, Agricultural Technician II, at Mr. Reynan H. Dumaraog, Senior Agriculturist, kapwa mula sa DA-RFO XII Regional Soils Laboratory, ay nagbahagi ng kaalaman sa Soil Nutrient Management at nagsagawa ng aktuwal na soil testing and analysis kasama ang mga kalahok.
Samantala, ibinahagi ni Mr. John Phillip C. Hechanova, Agriculturist I ng OPAg South Cotabato, ang mga teknolohiya sa grafted seedlings at bagong vegetable varieties para sa off-season production.
Sa pamamagitan ng pagsasanib ng market assessment, soil testing, at makabagong teknolohiya sa produksyon, layunin ng training na higit pang mapalakas ang kakayahan ng GSB beneficiaries na pamahalaan ang kanilang community gardens tungo sa mas produktibo, sustenable, at market-oriented na produksyon ng gulay.
For further details, kindly visit our website at https://ati2.da.gov.ph/ati-12/content/.
Do you also want to learn various agri-fishery technologies? Visit our YouTube channel through this link: https://www.youtube.com/.