12/12/2024
Magandang umaga po...
On going po ang libreng bakuna para po sa mga alaga ninyong a*o at pusa...
Ito po ay nasa covered court sa aplaya...
Hanggang alas dose lamang po ito kaya sa mga nais pong pabakunahan ang inyo pong a*o at pusa, magtungo na po kayo sa aplaya ngayon.
Maraming salamat po.
18/11/2024
Serbisyo Publiko po....
Isang Concern Citizen ang nagbalik ng bag na napulot umano sa daan sa kahabaan ng Daang Amaya Road sa may Nunez Scaf and hardware front.Naglalaman ng mahalagang I'd at dokumento ang nasabing bag . Ito ay agad ipinagbigay alam sa nagmamay ari at agad namang tumugon at nagpasalamat .
16/11/2024
Magandang gabi po...
Ang paalala po ng buong Sangguniang Barangay, sa pangunguna po ng ating butihing Kapitan Ronie Soriño...
Sa lahat po ng mga residente ng ating barangay na maaaring maapektohan ng bagyong "Pepito," at kailangan nyong lumikas, bukas po ang ating Barangay Hall na pwede nyo pong matuluyan hangga't kailangan...
Maging handa po tayo sa maaaring maging paganib na dulot ng padating ng bagyo...
Lumikas na po tayo kung kinakailangan...
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at hangad po namin ang kaligtasan ng lahat...
SB/SK
16/11/2024
Ang ganap -up
Salamat sa mga kasama .Ang Diyos na ang bahalang magbalik ng pagpapala
Sa kaalaman ng butihing Punong Barangay Kgg.Ronaldo P. Soriño at sa pangunguna ni Kgg.Eric Reyes .Mabuhay po kayo!!!
14/11/2024
Magandang hapon po sa lahat...
Ang lahat po ay inaanyayahan na dumalo sa banal na misa na gaganapin mamaya, ika-3 ng hapon sa tahanan po ng ating dating Kapitan, Kap. Cherrie Ardina.
Maraming salamat po
24/06/2024
PABATID po sa mga nais sumali o isali ang inyong anak edad 4hanggang 7 taong gulang.
Sumadya na lamang po kayo dito po sa ating barangay at hanapin ang ating VAWC Officer na si Lilibeth Arendela para po sa talaan ng nais sumali.
Good luck po sa lahat ng nais sumali.
Maraming salamat po...
07/05/2024
Magandang tanghali po...
Magkakaroon po ng Medical Mission sa Huebes, ika-9 ng Mayo, 2024, mula ika-8 ng umaga hanggang hapon. Prioridad po ang mga Pediatrics at Senior Citizens.
Sa mga nais pong magpa-konsulta, magtungo lamang pp kayo sa Arveemar Homes, Julugan VI, Tanza, Cavite.
Maraming salamat po.
25/04/2024
Magandang araw po...
Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa Banal na Misa na gaganapin dito po sa ating Barangay Hall, ngayong araw, ika-25 ng Abril, sa ganap na ika-5 ng hapon...
Maraming salamat po.
SB/SK
23/04/2024
Magandang hapon po..
Bukas po, April 24, 2024, susunduin po ng mga barangay tanod ang imahe ni Sta. Monica sa Resurrection Parish. Ito po ay ikakarakol mula sa Main Rd.(7-11) patungong Pacumio Cmpd/Sta. Cecilia II/Chateau Ville/Arko-boundary at pabalik patungo sa barangay Hall, kung saan ito ay ititigil hanggang sa kinabukasan, April 25, 2024 at mimisahan sa ganap na ika-5 ng hapon. Pagkatapos ng misa ay magkakaroon muli ng munting karakol para sa paghahatid sa imahe ng ating Patrona Sta. Monica patungong Julugan VII.
Umaasa po ang buong Sangguniang Barangay/SK sa inyong pakikiisa
Maramiing salamat po at mapa sa inyo nawa ang biyaya ng Panginoon...