Team Makamasa Dala ay Pag asa

Team Makamasa Dala ay Pag asa

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team Makamasa Dala ay Pag asa, Political organisation, bucal tanza cavite, Tanza.

09/07/2025

Sa botong 6-4, tinalakay at pinagtibay sa pamamagitan ang panukala na pagsamahin sa iisang tagapangulo ang Committee on Ways and Means at ang Committee on Appropriations.

Ang Committee on Ways and Means ang nangangasiwa sa mga usapin kaugnay sa pagkukunan ng pondo ng bayan, kabilang ang mga buwis, kita, at iba pang pinansyal na pinagkakakitaan ng lokal na pamahalaan. Samantala, ang Committee on Appropriations ang responsable sa pagsusuri, pag-apruba, at paglalaan ng badyet para sa iba't ibang programa at proyekto ng bayan.

Tradisyunal na magkahiwalay ang pamumuno ng dalawang komiteng ito upang mapanatili ang check and balance sa pagitan ng pagpaplano ng kita at paglalaan ng pondo ng lokal na pamahalaan.

Sa kabila nito, ipinasa ng mayorya ang panukala, na magreresulta sa tatlong komite na pamumunuan ng itatalagang miyembro, imbes na karaniwang maximum na dalawa lamang.


09/07/2025

Sa regular session ng Ika-13 Sangguniang Bayan ng Tanza na ginanap ngayong araw, ipinasa sa botong 6-4 ang panukala na pag-isahin sa ilalim ng iisang pamumuno ang Committee on Agriculture at Committee on Environment Protection.

Ang Committee on Agriculture ay tumututok sa mga panukalang may kinalaman sa sektor ng agrikultura, tulad ng suporta sa mga magsasaka, food security, at rural livelihood programs. Samantala, ang Committee on Environment Protection ay nakatuon sa mga polisiya at ordinansa para sa pangangalaga sa kalikasan, kapaligiran, at likas-yaman ng bayan.

Karaniwan ay hindi pinagsasama ang pamumuno ng dalawang komiteng ito dahil maaaring magkaroon ng conflict of interest sa mga isyung gaya ng land use, conversion ng agricultural land, paggamit ng pestisidyo, at iba pang gawaing maaaring pabor sa agrikultura ngunit may epekto sa kalikasan.

Mahalaga rin ang hiwalay na pagtalakay upang mapanatili ang independent oversight sa pagitan ng promosyon ng produksyong agrikultural at pangangalaga sa kapaligiran.


09/07/2025

Sa naging talakayan sa unang Regular Session ng Ika-13 Sangguniang Bayan ng Tanza noong Hulyo 9, 2025, nagpahayag ng pagtutol si Vice Mayor Munding Del Rosario kaugnay ng panukalang pagsamahin sa iisang tagapangulo ang Committee on Ways and Means at Committee on Appropriations.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng check and balance sa pagitan ng komiteng nangangasiwa sa pagkukunan ng pondo at ng komiteng namamahala sa paggasta nito.

Sa kabila ng kanyang pagtutol, naipasa pa rin ang panukala sa botong 6-4.


Photos from Icel Del Rosario Morales's post 03/07/2025
03/07/2025
03/07/2025

Habang ako’y may lakas, habang ako’y binibigyan ng pagkakataon ng Diyos - mananatili po akong tagapaglingkod, kasama niyo, at para sa inyo.

💜💜💜




Want your business to be the top-listed Government Service in Tanza?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Bucal Tanza Cavite
Tanza
4108