06/09/2026
𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐖𝐒 - ISANG BABAE NASAWI, PITONG TRIPULANTE NAKALIGTAS MATAPOS TUMAOB ANG BANGKANG MB SAN AGUSTIN-IV*
CALUYA, ANTIQUE — Isang babae ang nasawi habang pitong tripulante ang nakaligtas matapos tumaob ang bangkang *MB San Agustin-IV* malapit sa *Liwagao Island sa Caluya, Antique, dakong alas-5 ng umaga ngayong Linggo, *Setyembre 6, 2026.
Ayon sa ulat, nagsimulang hanapin ng Philippine Coast Guard ang bangka simula pa kahapon, Sabado, matapos itong hindi dumating sa nakatakdang oras ng pagdaong sa Caminawit Port sa San Jose, Occidental Mindoro.
Bumiyahe ang motor banca mula
Semirara Island sa Caluya, Antique bandang alas-2 ng hapon noong Sabado. Tumaob umano ang bangka matapos hampasin ng malalakas na alon.
Patuloy ang imbestigasyon ng Coast Guard sa insidente.
Condolence sa pamilya ng nasawi.
Source: Dennis Datu, ABS-CBN News
𝙵𝚘𝚛 𝙼𝚘𝚛𝚎 𝙽𝚎𝚠𝚜 & 𝚁𝚎𝚊𝚕 𝚄𝚙𝚍𝚊𝚝𝚎𝚜
𝙿𝚕𝚎𝚊𝚜𝚎 𝙵𝚘𝚕𝚕𝚘𝚠 𝚄𝚜..
https://www.facebook.com/share/1F1W5Zhbeb/