People's Law Enforcement Board-Tanza Cavite

People's Law Enforcement Board-Tanza Cavite

Share

Official page of PLEB Tanza

Photos from Tanza Community Scouting's post 21/04/2026
Photos from Municipal Government of Tanza's post 09/04/2026
04/04/2026

Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, ginugunita ang tagumpay ng muling pagkabuhay ni Hesus na nagbigay liwanag at pag-asa sa sangkatauhan, matapos ang mga araw ng sakripisyo at pagninilay.

Hangad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro na magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang tuloy-tuloy na isabuhay ang pananampalataya at malasakit sa isa’t isa.



04/04/2026

Ngayong Sabado de Gloria, gunitain ito at magnilay habang inaalala ang pananatili ni Hesus sa libingan matapos ang Kanyang pagpapakasakit.

Inaanyayahan ang mga Tanzeño na maglaan ng oras para sa taimtim na panalangin at pagninilay bilang paghahanda sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng Panginoon.



02/04/2026

Alalahanin ngayong Biyernes Santo ang sakripisyo at walang hanggang pagmamahal ng Panginoong Hesus para sa sangkatauhan. Inaanyayahan ang mga Tanzeño na maglaan ng oras para sa panalangin at pagninilay bilang bahagi ng paggunita ng Semana Santa.

Asahan na buong pwersang nakaantabay ang Task Force Malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro, upang matiyak ang kaayusan sa Mahal na Araw.



02/04/2026

Bilang bahagi ng paggunita ng Huwebes Santo, hinihikayat ang mga Tanzeño na maglaan ng oras para sa panalangin at pagninilay.

Hangad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza na magsilbing paalala ang araw na ito upang lalo pang patatagin ang ating pananampalataya.



02/04/2026

Inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza, alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro, ang Libreng WiFi sa mga pangunahing simbahan bilang bahagi ng Task Force Malasakit upang maging konektado ang mga Tanzeño sa paggunita ng Semana Santa 2026.

Maaaring kumonekta gamit ang WiFi network na nakapangalan sa bawat simbahan at gamitin ang password na SEMANASANTA2026.

Bahagi ito ng pagsisikap ng LGU-Tanza na maghatid ng karagdagang serbisyo at kaginhawaan sa mga mananampalataya habang ginugunita ang Mahal na Araw.



01/04/2026

TANONG NG BAYAN | Ano-anong emergency ang maaaring itawag sa 911 Hotline?

Maaaring ireport ang mga insidenteng nangangailangan ng agarang aksyon, tulad ng:

🚨 Krimen o banta sa seguridad (nakawan, gulo, karahasan)
🔥 Sunog o aksidente
🚑 Medical (aksidente, biglaang pagkakasakit, atbp.)
🧠 Mental health emergencies

Sinisigurado ng Kagawaran na kahit ngayong Semana Santa, agarang tutugon ang mga pulis, bumbero, coast guard, at LGU sa anumang emergency.

Photos from DILG Cavite's post 31/03/2026
31/03/2026

Gunitain ang Miyerkules Santo bilang araw ng pagninilay at pag-alala sa mga pangyayaring nagdala sa sakripisyo ng Panginoong Hesus.

Hangad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro na magsilbing gabay ang araw na ito upang lalo pang patatagin ang ating ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa.



31/03/2026

ALAM N’YO BA? | Ngayong Semana Santa, anumang emergency, tumawag sa Unified 911 Hotline. 🚨

Huwag mag-atubili, araw man o gabi, maaaring itawag ang mga emergency tulad ng krimen, sunog o medical. Mayroon tayong nakaantabay na mga responder 24/7. Ang BFP, PNP, at mga LGU ay handang tumugon at maghatid ng tulong anumang oras ngayong Semana Santa.

30/03/2026

Gunitain ang mga aral ni Hesus ngayong Martes Santo. Maglaan ng oras para sa pagninilay at panalangin bilang bahagi ng paggunita ng Semana Santa.

Sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro, asahang nakaantabay ang Task Force Malasakit upang masiguro ang maayos na daloy ng mga aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng bayan.



Want your business to be the top-listed Government Service in Tanza?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


2nd Floor DILG Building, Municipal Compound, Brgy. Daang Amaya III, Cavite
Tanza
4108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm