Kabataan Partylist Tarlac

Kabataan Partylist Tarlac

Share

Tarlac Chapter of the First and Sole Youth Representative in the Philippine Congress.

25/07/2025

SARA, LITISIN, NOW NA! KABATAANG TARLAKENYO, MAGKAISA PARA SA HUSTISYA AT PANANAGUTAN! โœŠ

Mariing kinukundena ng kabataang Tarlakenyo ang lantarang pagharang sa hustisya at ang patuloy na mga tangkang patagalin, harangin at tuluyang hindi mapanagot ang waldaserang si Sara Duterte sa pagtawag ng Korte Suprema sa mga isinampang kaso bilang isang โ€œunconstitutionalโ€ sa proseso.

Habang tumitindi ang krisis sa sunod-sunod na kalamidad, sa edukasyon, lupa, sahod at trabaho, at iba pang serbisyong panlipunang tinatapyasan ng pondo habang walang habas na winaldas ni Sara Duterte ang pera ng taumbayan.

โ€ŽHindi titigil sa pagkilos ang taumbayan hangga't hindi nangyayari ang dapat! Kumilos dapat ang Senado at iba pang kawanian ng pamahalaan para sa interes ng mamamayan at hindi ng iilan!


15/07/2025

KABATAANG TARLAKENYO, SUMAMA SA PRODWORK PARA SA SONA NG BAYAN 2025! ๐Ÿคฉ๐Ÿ–Œ

Sa July 19, sa syudad ng Tarlac, aarangkada ang Kabataan Partylist Tarlac at iba pang pangmasang organisasyon upang isagawa ang taunang prodwork para sa SONA ng Bayan sa July 28!

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Samahan niyo kaming gumawa ng placards, streamers, at ipanawagan ang interes ng mga kabataan at mamamayang Tarlakenyo! Hep, hep, hooray, lezgow at ibuhos ang pintura, iwasiwas ang paintbrush, at makibaka! For further details, just message our page or comment in the comment section below!

ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN! MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT! KARAPATAN NG MAMAMAYAN, IPAGLABAN! โœŠ๐Ÿซถ


Photos from Alliance of Concerned Students in Tarlac's post 11/06/2025
10/06/2025

AVP FOR LUZON: IMPEACHMENT TRIAL LONG OVERDUE, CONVICT SARA NOW!

Nasaan ang integridad ng Senado kung tinataguan nito ang nakasaad na gampanin nito sa Konstitusyon na litisin ang isang tulad ni Sara Duterte? Isa itong malaking pagkakasala sa mamamayan!

Tungkulin ng mga iniluklok na agarang panagutin ang sinomang opisyal na lumalabag sa karapatan ng mamamayan tulad ng waldasera at berdugong si Sara.

If the Senate wants to hide from accountability, the youth of Luzon, together with the whole nation will not stand idly by. We will unite and mobilize to serve the justice we deserve.

The impeachment trial is long overdue. Enough is enough. No more excuses. Convict Sara now!


04/06/2025

OPISYAL NA PAHAYAG NG KABATAAN PARTYLIST TARLAC UKOL SA MGA ALEGASYON NG SEKSWAL NA PANG-AABUSONG KASANGKOT ANG PAMBANSANG OPISINA

Bilang isa sa mga mahigpit na nagsusulong at nagtataguyod ng ligtas na espasyo para sa lahat ng kabataan, kababaihan, at mamamayan sa Probinsya ng Tarlacโ€” kinikilala at nakikiisa ang Kabataan Partylist Tarlac sa paglaban sa anumang abuso sa pambansang saklaw ng Kabataan Partylist kabilang ang Pambansang Opisina.

Sa bigat ng mga nailantad na insidente ng sekswal na abuso sa kabilaang panig ng social media, mahigpit na nakikiisa ang balangay ng Kabataan Partylist sa Tarlac sa agarang pagresolba at patuloy na pagbibigay ng assistance sa biktima, ligal man at pisolohikal.

Naniniwala ang Kabataan Partylist Tarlac na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang mga ganitong kaso ng abuso sa panahong lumalala ang krisis ng macho-pyudal na pang-aapi sa kababaihan.

Bilang parte ng batayang prinsipyo kung saan pinahahalagahan ang boses ng mga inaapi at pinagsasamantalahan, mariin tayong mananawagan para sa kagyat na hustisya at pananagutan.

Sa patuloy na pakikipagkoordina sa Pambansang Opisina, makikiisa at tutulong ang Kabataan Partylist Tarlac sa paglikha ng mas mabilis at komprehensibong mga polisiya at proseso sa pagharap sa lahat ng porma ng abuso sa pambansang saklaw.

Muli, walang puwang sa Kabataan Partylist Tarlac ang lahat ng porma at pamamaraan ng abuso at sa gayon ay mahigpit tayong makikipagtulungan na maibahagi ang mga mas mauunlad na praktika at pamamaraan ng pagharap sa ganitong mga kaso. Laban, kababaihan! Laban, kabataan!

23/05/2025

KABATAAN PARTYLIST TARLAC OFFICIALLY ENDORSES THE 9-POINT STUDENT AGENDA OF THE SANDIGAN COALITION - TSU ๐Ÿ’™โœŠ๏ธ

Bilang una, tunay, at natatanging boses ng mga kabataan sa Kongreso, ang balangay ng Kabataan Partylist Tarlac ay malugod binibitbit ang adyenda ng kabataan at sambayanan na siyang dala-dala ng tunay, palaban, at makabayang Koalisyong Sandigan sa Tarlac State University.

Mula sa libre, aksesable, at dekalidad na edukasyon, karapatang pantao at ligtas na espasyo, mabuting pamamahala, pagsugpo sa diskriminasyon at inklusibong pamantasan, batayang serbisyong panlipunan, kalusugang pangkatawan at pangkaisipan, malayang pamamahayag, aksyong pangklima, at ugnayang pangkomunidad, naniniwala ang Kabataan Partylist Tarlac na ito ay malalim na nakaugat sa masang estudyante at kabataan at siyang magpapanalo sa mga batayang karapatang pantao at interes ng kabataang Tarlakenyo at bawat TSUian!

Tayo ang lakas, sandigan ng bukas!
Kabataan, pag-asa ng bayan!



19/05/2025

AVP FOR LUZON: LET THERE BE A 20TH CONGRESS WITHOUT THE FAKE PARTYLIST, DUTERTE YOUTH!

Ngayong araw ng proklamasyon ng mga partylist, ang sigaw ng mga kabataan ng Luson: !

Malinaw na hindi representante ng mga kabataan at mamamayan ang huwad at redtagger na Duterte Youth Partylist na walang ibang ginawa kundi magpakatuta sa mga berdugong Duterte, habang pilit din nitong tinatanggalan ng tunay na representasyon ang mamamayan tulad ng Gabriela Wome'ns Party na siyang kinatawan ng mga kababaihan, bata, at LGBTQ+ sa loob ng Kongreso.

Cardema, out! Duterte, out!

Defend genuine people's representation in Congress!


13/05/2025

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜, ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ!
Hindi tayo nagpakasapat. Hindi tayo nanahimik. Sa bawat araw ng pangangampanya, bitbit natin ang paninindigan para sa masaโ€”hindi para sa pangalan, hindi para sa sariling ambisyon. Sa harap ng makinarya ng kapangyarihan, paninira, at pananakot ng estado, tumindig tayo. Sa laban ng uring pinagsasamantalahan laban sa bulok na sistema, hindi tayo umurongโ€”sapagkat sa puso ng tunay na kabataan, ang laban ay tungkulin, hindi opsyon.

๐—ก๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป
Hindi kailanman ang halalan ang sukatan ng tagumpayโ€”dahil ang tunay na pagbabago ay hindi inihahalal, kundi ipinaglalaban. Sa pagkatalo sa balota, muling umigting ang apoy ng kolektibong pagkilos. Sapagkat ang kabataan ay hindi lamang pinagpalaโ€”itinakda sila ng kasaysayan bilang tagapagdala ng liwanag at lakas ng masa. Sa gitna ng disimpormasyon, red-tagging, propaganda ng estado, at tuloy-tuloy na pag-atake sa karapatan, ang kilusang kabataan ang patuloy na mag-aalab at magtutulak ng maka-uring pakikibaka para sa manggagawa, mangingisda, magsasaka, maralita, at para sa kinabukasan ng bayan.

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป.
Sa Paaralan.
Sa Sakahan.
Sa Pabrika.
Sa Kalsada.
Sa Palaisdaan.
Sa Simbahan.
Sa mga Unyon, Organisasyon, at Publikasyon.
Sa puso ng bawat kabataan na patuloy na lumalaban para sa kinabukasan ng inang-bayan.

Photos from Kabataan Partylist Tarlac's post 09/05/2025

REDTAGGING ALERT!

Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist Tarlac ang sagad-sagarang redtagging sa mga progresibong partylist ng Makabayan dalawang araw bago ang Halalan 2025.

Isang kabaong na walang laman ang namataan ng mga residente ng San Isidro, Tarlac City kaninang madaling araw malapit sa tulay at may nakapaskil na "Huwag Iboto!" sa mga progresibong partylist ng Makabayan Coalition.

Malinaw na walang ibang gagawa nito kun'di ang NTF-ELCAC kasama ang iba pang makinarya ng estado na sumusupil sa karapatan ng mga aktibista at organisador na ipinaglalaban lamang ang interes at karapatan ng mamamayan. Naninindigan ang Kabataan Partylist Tarlac na ang ating 10-Point Youth Agenda na komprehensibong tumutugon sa krisis panlipunan ng mamamayan ay lehitimo at fdapat kilalanin ng estado kasama ang iba pang partylist ng Makabayan.

Lumalala ang pasismo at panunupil sa mga progresibong organisasyon at indibidwal dahil lumalakas ang paglaban ng mamamayang Tarlakenyo sa paglaban sa lumalalang kagutuman at kahirapan. Kaya naman ganiyan na lamang kung takutin ng mga pwersa ng estado ni Marcos Jr. ang taumbayan.

Ngunit hindi tayo matatakot dahil tunay at lehitimo ang ating bawat panawagan! Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!


06/05/2025

KABATAANG TARLAKENYO, HANDA NA BA KAYO?! TAUMBAYAN SA SENADO, MAKABAYAN SA KONGRESO, ITODO NA NATIN 'TO! โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅโœŠ๏ธ

Malugod na inaanyayaan ng Kabataan Partylist Tarlac ang mga kabataang Tarlakenyo sa Miting de Avance ng Makabayan Tarlac sa Mayo 10 sa Tarlac City!

Matagal nang naghihintay ang mamamayan ng Tarlac ng mga tunay na boses nila sa Senado at Kongreso kaya naman, get-get-aw na tayo sa pagpapakilala ng ating mga Makabayan Senatoriables at Partylists sa nalalabing araw ng kampanyahan!

Dahil ang deserve na kinabukasan, keri ng kabataan! Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Dumalo na at magpadalo!

Mag-sign up lang sa link para sa mga karagdagang detalye:
tinyurl.com/MakTarlacMDA
tinyurl.com/MakTarlacMDA
tinyurl.com/MakTarlacMDA



Want your business to be the top-listed Government Service in Tarlac?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Tarlac