23/09/2026
35th Regular Session ng Tarlac City Council, tinalakay ang 75 MTOP applications at WAH digital health system
Naging abala ang 35th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Tarlac sa iba’t ibang usapin kaugnay ng transportasyon, barangay budgets, health services, scholarship assistance at iba pang panukala.
Kabilang sa tinalakay ang 75 MTOP applications na binubuo ng 29 renewals, 1 new issuance, 1 transfer at 4 amendments, gayundin ang 40 applications na binubuo ng 34 renewals, 3 transfers at 3 amendments. Ang mga ito ay inirefer sa Committee on Transportation.
Inaprubahan din ang FY 2026 Annual Budget ng Barangay Sapang Maragul na ₱19,906,103 at SK Annual Budget ng Barangay Buhilit na ₱550,500, matapos ang review ng Local Finance Committee. Kasama rin sa mga inaprubahan ang ₱300,000 Barangay Supplemental Budget ng Barangay Sta. Cruz.
Tinanggap at in-adopt ng konseho ang committee report kaugnay ng adoption at implementation ng Wireless Access for Health (WAH) Digital Health Platform/Electronic Medical Records (EMR) System sa city government-operated health facilities. Layunin nitong makatulong sa submission, tracking at management ng PhilHealth claims at reimbursements.
Pinagtibay rin ang Academic Excellence Assistance para sa mga kwalipikadong graduates na may Latin Honors sa ilalim ng City of Tarlac Integrated Scholarship and Incentive Program (CTISIP), gayundin ang resolusyong kumikilala kay Paige Ingrid De Ocampo-Alovera, RSW, na nag-Top 9 sa September 2026 Social Workers Licensure Examination na may rating na 91.60%.
Samantala, pinagtibay din ang resolusyong nagpapahayag ng pasasalamat sa mga opisyal ng national at local government para sa suporta at koordinasyon sa pagkumpleto ng Agana Bailey Bridge, na nagbalik ng mahalagang access sa mga apektadong komunidad.
Nabanggit din sa session ang DILG Memorandum Circular Nos. 2026-051 at 2026-052 kaugnay ng Change Makers Fellowship at Local Youth Development Councils.
Bago ang regular session, nagsagawa rin ng Committee of the Whole Meeting kung saan tinalakay ang ilang concerns kaugnay ng procurement process ng Bids and Awards Committee (BAC).