29/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐๐๐ฆ & ๐๐ข๐๐๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐พ
Kasunod ng launching ng distribution noong May 20, 2026 ay tuloy tuloy na ang pamamahagi ng hybrid at in**ed seeds kasama ang foliar fertilizer sa ibaโt ibang barangay sa Tarlac City bilang suporta sa ating mga magsasaka ngayong panahon ng pagtatanim.
Layunin ng programang ito na makatulong sa pagpapataas ng produksyon ng ating mga rice farmers sa pamamagitan ng dekalidad na binhi at pataba.
Sa kasalukuyan ay nakapamahagi na sa labingsiyam (19) na barangay ang tanggapan. Narito ang mga barangay na nakatanggap na ng nasabing inputs:
๐๏ธ May 20, 2026
โพ๏ธBalibago I
โพ๏ธBurot
โพ๏ธTariji
๐๏ธ May 25, 2026
โพ๏ธBanaba
๐๏ธ May 26, 2026
โพ๏ธUngot
โพ๏ธBatang-Batang
โพ๏ธDalayap
โพ๏ธSanta Cruz
๐๏ธ May 27, 2026
โพ๏ธCare (Batch 1)
โพ๏ธBora
โพ๏ธSapang Tagalog
โพ๏ธAmucao
โพ๏ธAguso
โพ๏ธCulipat
๐๏ธ May 28, 2026
โพ๏ธBalete
โพ๏ธLourdes
โพ๏ธSan Pascual
โพ๏ธMaliwalo
๐๏ธ May 29, 2026
โพ๏ธCare (Batch 2)
โพ๏ธMatatalaib
โพ๏ธSan Jose
โพ๏ธSan Carlos
Asahan ang patuloy na pamamahagi sa iba pang barangay upang mas maraming magsasaka ang mabigyan ng kaukulang suporta para sa kasalukuyang cropping season.
27/05/2026
๐๐๐ฅ๐ ๐๐ก๐ฃ๐จ๐ง๐ฆ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ข๐ข๐ฃ๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฆ ๐ก๐ ๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ | May 27, 2026
Patuloy na isinusulong ng Tarlac City Agriculture Office ang pagpapaunlad ng produksyon ng palay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Hybrid Rice Model Farm Project sa Barangay Amucao at ilang karatig barangay.
Bilang bahagi nito, pinangunahan ni Acting City Agriculturist Mr. Ronald Allan M. Reyes katuwang ang farmer-cooperator na si Mr. Michael Calilung ang pamamahagi ng mga agricultural interventions tulad ng Longping hybrid seeds, Folistim Humi-N+, at Humus sa mga cooperators ng programa. Ang mga intervention na ito ay inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng pananim, pagpapabuti ng kalidad ng lupa, at pagpapataas ng produksyon upang mas maging produktibo at matatag ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng technical briefing si Mr. Ardee F. Dayag, Field Specialist ng ProAgri Seed Corp., hinggil sa tamang pagtatanim at pamamahala ng Longping upang mabigyan ang mga cooperators ng karagdagang kaalaman.
Lubos ding nagpapasalamat ang City Agriculture Office kay Ms. Gina Sadaba, Rice Report Officer ng La Paz, sa kanyang maagap na pagtulong at pakikipag-ugnayan upang masiguro ang maayos na validation ng mga benepisyaryo at maiwasan ang duplication ng interventions, lalo naโt may ilang magsasaka mula sa Amucao na mayroon ding mga sakahang nasasakupan ng La Paz.
Patuloy ang suporta para sa kabuhayan ng ating mga magsasaka. โจ
21/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ง๐๐ ๐ฏ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐ง ๐๐๐ก๐ง๐๐ฅ
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang pay-out ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) Batch 3 para sa mga kwalipikadong magsasaka ng Tarlac City.
Sa ilalim ng programa, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng โฑ2,325 na tulong pinansyal na magagamit bilang dagdag-suporta sa kanilang pagsasaka at iba pang pangangailangan sa kabuhayan.
Kabuuang 1,976 farmer-beneficiaries ang nabigyan ng ayuda sa isinagawang aktibidad.
Ang naturang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na makatulong sa mga magsasaka sa gitna ng tumataas na gastusin sa produksyon at iba pang hamon sa sektor ng agrikultura.
20/05/2026
๐๐๐จ๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐ง ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฆ, ๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฆ, ๐๐ง ๐๐ข๐๐๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐ญ๐๐ฅ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐ | May 20, 2026
Opisyal nang inilunsad sa Barangay Balibago I ang pamamahagi ng certified at hybrid rice seeds, Folimac, at Humi-N na pinangunahan ng City Agriculture Office sa ilalim ng pamumuno ni Acting City Agriculturist Mr. Ronald Allan M. Reyes. Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan upang masuportahan ang mga magsasaka sa pagpapataas ng produksyon at pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Kasabay ng launching ay nagsagawa rin ng technical briefing ang Syngenta upang mabigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang mga benepisyaryong magsasaka hinggil sa wastong pagtatanim at pamamahala ng kanilang hybrid rice varieties, kabilang ang S6003 na siyang ipinamahagi sa mga magsasaka ng Balibago I.
Dumalo din bilang panauhing pandangal si City Councilor at Committee Chair on Agriculture Hon. Jerome โDoc Jโ Lapeรฑa bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa mga programa at inisyatibo para sa sektor ng agrikultura at sa kapakanan ng mga magsasaka ng Tarlac City.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Susan A. Yap, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac katuwang ang City Agriculture Office ang mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura para sa mas masagana at maunlad na Tarlac City.
16/05/2026
๐ช๐๐๐ ๐ด: ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ฆ ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ | ๐๐๐ง๐๐ก๐-๐๐๐ง๐๐ก๐, ๐ง๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ ๐พ
โ
โMatagumpay na nairaos ang Ika-walong Linggo ng Farmer Field School (FFS) sa Brgy. Batang-Batang nitong nakaraang Mayo 14, 2026. Naging sentro ng talakayan at aktibidad ang pag-aaral tungkol sa Diagnostic Tools on Rice, partikular ang paggamit ng Soil Test Kit (STK) at Minus One Element Technique (MOET).
โ
โSa unang bahagi ng pagsasanay, masusing ibinahagi ni Ms. Christina U. Domingo ang tamang pamamaraan ng pagkuha ng sample ng lupa na isasailalim sa pagsusuri gamit ang STK. Sinundan ito ng isang aktwal na demonstrasyon upang mas maunawaan ng mga magsasaka ang tamang proseso ng pag-analisa sa kalidad ng kanilang lupa.
โ
โNaging mataas din ang interes ng mga kalahok sa pagtalakay kay Mr. Joel S. Transfiguracion hinggil sa MOET. Sa pamamagitan ng teknikong ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na aktwal na masubukan ang paggaya sa tunay na estado ng kanilang bukirin upang matukoy kung anong partikular na elemento o sustansya ang kulang o sagad na sa kanilang lupa.
โ
โAng mga ganitong uri ng makabagong kaalaman ay naglalayong tulungan ang ating mga lokal na magsasaka na makatipid sa abono at mapataas ang antas ng kanilang ani sa pamamagitan ng siyentipikong pagsasaka.
โ
โAng tagumpay ng gawaing ito ay katuwang ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Susan A. Yap, na patuloy na naglalaan ng suporta para sa kapakanan ng ating mga lokal na magsasaka. ๐จโ๐พ๐ฉโ๐พ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
15/05/2026
๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ง๐๐ ๐ฎ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ฅ๐๐๐
Kasalukuyang isinasagawa sa SM Tarlac ang distribusyon ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) Batch 2 para sa mga kuwalipikadong magsasaka ng Tarlac City.
Sa ilalim ng nasabing programa, tumatanggap ang bawat benepisyaryo ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng โฑ2,325 bilang suporta sa kanilang kabuhayan.
Layunin ng programa na mabigyan ng agarang tulong ang mga magsasaka upang makatulong sa pagharap sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa produksyon at iba pang pangangailangan sa sektor ng agrikultura.
Kabuuang 2,260 benepisyaryo ang inaasahang mabibigyan ng ayuda ngayong araw sa isinagawang distribution activity.
09/05/2026
๐ฆ๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐ ๐๐ก๐ง๐ฆ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | April 29-May 6, 2026
Patuloy pa din ang distribution ng V-Hybrid Soil Conditioner, Vigormax Organic Soil Amendment, at Sulfate sa iba't ibang barangay:
โ
Tibagan
โ
Ungot
โ
Buenavista
โ
Balanti
โ
San Juan de Mata
โ
Trinidad
Layunin nitong mapabuti ang kalidad ng lupa at mapataas ang ani ng ating mga magsasaka.
Tuloy-tuloy ang serbisyong pang-agrikultura para sa mas maunlad na pagsasaka. โจ
08/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐จ๐ก๐ฆ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ก๐ฆ๐ข ๐ฃ๐๐จ๐ฆ ๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ | May 8, 2026
Nakiisa ang humigit-kumulang 1,000 na magsasaka sa isinagawang orientation ng Landbank of the Philippines Agrisenso Plus Lending Program. Kasabay nito ay ipinakilala din ang Agri-Fishery Support thru Capability Enhancement for Nationwide Development (ASCEND) Program.
Layunin ng programang ito na mabigyan ang mga magsasaka ng mas accessible at abot-kayang pautang upang masuportahan ang kanilang kabuhayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa produksyon at krisis sa enerhiya.
Patuloy ang pagbibigay ng suporta at oportunidad para sa mas matatag na sektor ng agrikultura sa Tarlac City. ๐พโจ