06/04/2022
Maraming-maraming salamat po sa Don Bosco Tarlac Past Pupils Association para sa natatanging parangal at pagkilala sa . Ang hangad lamang namin ay makatulong sa mga nangangailangan sa ating lalawigan.
Salamat rin po sa mga nagbigay ng tulong upang maging matagumpay ang inisyatibong ito. Ito ay para rin sa inyo.
09/12/2021
Tayo po ay nakapagbahagi ng mahigit kumulang sa 600 na personal hygiene kits at mga pagkain sa inmates ng Tarlac City Jail.
Ang inisyatibong ito ay naging posible sa pagtutulungan ng at ng Association of the Salesian Cooperators (ASC) ng Don Bosco Tarlac upang mapanatili ang proper hygiene sa loob ng nasabing correctional facility.
Muli, kami po ay nagpapasalamat sa lahat nang nag-abot ng mga donasyon.
21/11/2021
Sa ika-40 anibersayo ng Rehoboth Children's Home, Inc sa Camiling, Tarlac, ang ay nakapag-abot ng kaunting tulong upang mas lalong maging masaya ang kanilang kaganapan.
Maraming-maraming salamat rin po kina Dra. Mary Garcia, Dra. Virna Obillos, Red De Leon ng The Red Chocolate at kay Ms. Garet Guevarra sa kanilang mga ibinigay na mga pagkain at hygiene kits para sa mga bata.
Nakakatuwang tingnan na sila ay masaya dahil sa kanilang natanggap na tulong. Pero laging tandaan na ang tulong na ito ay mula sa komunidad, para sa komunidad.
10/09/2021
Ang ay nagbigay ng agahan sa ating mga medical frontliners sa iba't-ibang vaccination centers at sa iilang mga kapus-palad nating kababayan sa probinsya ng Tarlac. Ang hapag na ito ay isang paggunita sa kaarawan ng isa sa mga pinakamamahal na Salesiano ng Don Bosco Tarlac na si Bro Nick Aguila, SDB.
Maraming-maraming salamat po sa mga nag-abot ng kanilang mga tulong pinansyal upang maging posible ang hapag na ito.
Kami po ay patuloy na tumatanggap ng donasyon upang makapagbahagi pa rin tayo sa ating mga kababayan.
16/08/2021
Sa ika-206 na kaarawan ni Don Bosco, ang ay nagbahagi ng almusal (eggcaldo) sa ating mga frontliners — street sweepers, medical personnel ng Tibag RHU, at Kaisa frontliners.
Muli, maraming salamat sa mga taong nag-abot ng kanilang mga donasyon upang ito ay maging posible.
17/07/2021
Mahigit kumulang sa 100 pamilya ang nabahaginan ng sa komunidad ng Dumagat sa Gabaldon, Nueva Ecija ngayong araw na ito. Sa pakikipagtulungan sa St. Paul the Apostle Parish Church, ang hapag na ito ay naging posible.
Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nag-abot ng kanilang mga donasyon. Sila po ay labis na natuwa sa kanilang mga natanggap.
Muli, ang tulong na ito ay mula sa komunidad, para sa komunidad.
15/07/2021
Muli, kami po ay humihingi ng tulong upang tayo ay makapagbahagi sa komunidad ng Dumagat sa Gabaldon sa probinsya ng Nueva Ecija. Ang hapag ay magaganap ngayong Sabado, ika-17 ng Hulyo 2021.
Para sa tulong pinansyal, ang mga detalye ay nasa larawan sa ibaba. Para naman sa mga in-kind na mga donasyon, maaari lamang po na magpadala muna ng mensahe sa aming inbox bago magtungo sa Don Bosco Tarlac para sa ilang mga tagubilin.
26/06/2021
Isang malaking karangalan po ng ang makapagbahagi sa komunidad ng Gawad Kalinga sa San Clemente ngayong araw na ito. Nakakatuwang isipin na sa munting paraan na ito ay nakapag-abot tayo ng tulong at ngiti sa kanilang mga labi.
Taos-puso rin po ang pasasalamat ng Hapag sa Norlyn's Bakery sa pagbibigay ng mga tinapay para sa mga miyembro ng Gawad Kalinga.
Lagi po nating tatandaan na ang mga tulong na ito ay galing sa komunidad, para sa komunidad.
Maraming-maraming salamat po!
24/06/2021
Ngayong Sabado, ang ay tutungo sa San Clemente upang magbahagi sa komunidad ng Gawad Kalinga. Kami po ay kumakatok sa inyong mga mabubuting puso para sa mga donasyon na ating maibabahagi sa ating mga kababayan doon.
Para sa pinansyal na donasyon, ang mga detalye ay nasa larawan sa ibaba. Para sa mga in-kind na mga donasyon, maaari lamang po magpadala ng mensahe dito sa aming page bago magtungo sa Don Bosco para sa ilang mga tagubilin.
Maraming-maraming salamat po!
19/06/2021
Ang ay nagtungo sa iba't-ibang mga lugar upang makapagbahagi ng iilang mga pagkain gaya ng mga tinapay at itlog sa ating mga kababayan dito sa Tarlac. Ang ilan sa mga lugar ay ang mga sumusunod — Tarlac City Jail, Sitio Bora, Sitio Marawi at San Nicolas Block 9.
Maraming salamat po sa Jollibee Group Foundation para sa kanilang handog na mga tinapay para sa ating mga kapatid dito sa ating siyudad.
Patuloy ang pagtanggap ng hapag ng mga donasyon, mapa-pinansyal man o in kind, para tuloy-tuloy ang ating pagbabahagi sa komunidad.
11/06/2021
Nakapagbahagi ang sa tatlong komunidad kaninang umaga: ang mga magsasaka ng Sitio Barbon sa Tibag, mga residente ng Sitio Paulo Segundo sa Matatalaib at ang mga estudyante at kawani ng Don Bosco Training Center sa San Jose, Nueva Ecija. Mahigit kumulang sa 300 pamilya ang ating natulungan.
Lubos ang aming pasasalamat sa WalterMart Supermarket para sa kanilang handog na vegetable packs at sa MDS Distributors INC. sa mga itlog na ating naibahagi ngayon, at sa mga estudyante ng Grade 12-Schwarz (Batch 2020) ng Don Bosco Tarlac sa kanilang donasyong pinansyal, dagdag sa ating pondo upang mas marami pang maibahagi ang ating pantry sa mga nangangailangan.
Walang sawa po ang aming pasasalamat sa inyo na patuloy ang pagtulong sa ating hapag. Muli, kami lamang ay instrumento dahil ang tulong na ito ay mula sa komunidad, para sa komunidad.