24/09/2026
Ready na po natin ang ating mga pamaypay, generator, para maibsan ng init ng panahon kailyan!
SCHEDULED POWER INTERRUPTION
Ipinagbibigay-alam sa publiko na magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala ng serbisyo ng kuryente sa darating na BIYERNES, Setyembre 25, 2026, mula 6:00 AM hanggang 5:00 PM. Ito ay upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng naantalang trabaho para sa pagkumpleto ng Camiling Substation Upgrade Project.
Mga Apektadong Lugar mula 6:00 AM hanggang 5:00 PM:
Buong Bayan ng San Clemente
Buong Bayan ng Camiling
(Maliban sa: Ilang bahagi ng Cacamilingan Sur, Surgui 1st, 2nd, 3rd, Tuec, Telbang, Malacampa, Sta. Maria, at Cabanabaan)
Maaaring maibalik ang serbisyo ng kuryente nang mas maaga o maaaring tumagal ang interruption depende sa aktuwal na kondisyon ng pasilidad at mga sitwasyong maaaring maranasan habang isinasagawa ang mga gawain.
Hinihiling ang malawakang pagbabahagi ng impormasyong ito sa lahat ng mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na maapektuhan. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.