01/10/2026
A Meaningful Teachers’ Day Celebration at San Jacinto Elementary School
Isang makabuluhan at masayang Teachers’ Day Celebration para sa ating mga g**o ng San Jacinto Elementary School—Mahusay, Marangal, at Matatag!
Taos-pusong pasasalamat sa ating SPTA officials, sa pangunguna ni Sir Jesus O. Bautista Jr., sa kanilang walang sawang suporta, oras, effort, at malasakit upang maging espesyal ang araw na ito para sa ating mga g**o.
Maraming salamat din sa ating SELG at YES-O, kasama ang kanilang masisipag na adviser Sir Gemmil Austria , sa inyong pakikiisa at sa mga munting paraan ng pagpapakita ng appreciation sa ating teachers. Your thoughtfulness truly made this celebration more meaningful.
Isang espesyal na pasasalamat din sa ating masisipag na Practice Teachers ng St Paul College na hinabol ang programa at nagsikap na makapagbigay pa ng kanilang munting token para sa ating mga g**o. Simple man, ngunit ramdam na ramdam ang inyong effort, thoughtfulness, at desire na maging bahagi ng selebrasyong ito.
At higit sa lahat, maraming salamat po sa ating Punong Barangay Hon.Rex Rex Sarmiento Agliam , na hindi kailanman nawawala sa mga mahahalagang aktibidad ng ating paaralan. Ang inyong presensya, suporta, at patuloy na pakikiisa ay isang malaking pagpapakita na ang paaralan at komunidad ay tunay na magkatuwang sa paghubog at pag-aalaga sa ating mga mag-aaral.
Sa bawat oras na inilaan, bawat tulong na ibinigay, bawat munting regalo, at bawat presensyang ipinakita—maraming salamat po. Hindi man nasusukat sa halaga ang isang token, ang effort at malasakit sa likod nito ay tunay na mahalaga at mananatiling alaala.
Dahil sa San Jacinto Elementary School, hindi lamang tayo nagdiriwang; sabay-sabay nating ipinapakita kung paano maging Mahusay sa paglilingkod, Marangal sa puso, at Matatag bilang isang komunidad.
Happy Teachers’ Day to our amazing SJES teachers!
You are valued. You are appreciated. You are loved. ❤️