04/09/2026
๐๐ ๐ ๐จ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ข๐ ๐ง๐๐๐๐ก๐ข๐๐ข๐๐ฌ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ฅ ๐๐ง ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐จ๐๐ง ๐๐๐จ๐ก๐๐๐๐ก๐, ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ช๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐จ๐๐ฉ๐ ๐๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka โ Gitnang Luzon (DA-Central Luzon), katuwang ang Bureau of Agricultural Research (BAR), ang Technology Transfer Ceremony at Product Launching para sa proyektong โTechnology Transfer of Oyster Mushroom-based (Pleurotus ostreatus) Products to Processors in Nueva Ecija for Enterprise Developmentโ noong ika-3 ng Setyembre 2026 sa Barangay Cabisuculan, Science City of Muรฑoz, Nueva Ecija.
Naging benepisyaryo ng proyekto ang Cabisuculan Mushroom Growers and Farmers Association (CMGFA), na layuning mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kasapi sa pagproseso at pagbuo ng mga produktong mula sa oyster mushroom, bilang hakbang tungo sa karagdagang kabuhayan at pagpapaunlad ng kanilang enterprise.
Kabilang sa mga produktong inilunsad ang Mushroom Bulgogi, Mushroom Tocino, at Mushroom Tapaโmga produktong binuo mula sa oyster mushroom na naglalayong magbigay ng dagdag na halaga sa lokal na ani at makalikha ng mga bagong oportunidad sa merkado para sa mga mushroom growers at processors.
Sa pamamagitan ng technology transfer, inaasahang higit pang mapalalakas ang kakayahan ng CMGFA sa value-adding at food processing, habang binubuksan ang mas maraming oportunidad para sa sustainable livelihood, enterprise development, at dagdag na kita ng mga benepisyaryo.
Ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DA-Central Luzon at BAR na maihatid ang mga makabagong teknolohiya at kaalaman sa mga magsasaka at organisasyon upang mapalakas ang kanilang produksyon, pagproseso, at kakayahang makipagsabayan sa merkado.