10/06/2026
Ngayong araw, buong-pusong binabati ng buong partido ng ALON ang bagong halal na Senator on Audit sa pinakamataas na konseho ng mag-aaral ng Tarlac State University, ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ๐ถ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ถ๐ฎ! ๐
โMaraming salamat sa iyong dedikasyon sa integridad at tapat na pamumuno na siyang tunay na nagpapatatag sa ating samahan. Ang iyong husay at talino ang nagsisilbing gabay upang masiguro na ang bawat hakbang at adhikain ng ALON ay patungo sa tamang direksyon para sa mas malawak na sektor na ating pinaglilingkuran.
โHangad namin ang iyong tagumpay, mabuting kalusugan, talas ng isip, at pusong patuloy na nag-aalab para sa serbisyo. Kasama mo kami sa bawat alon ng pagbabago!
โ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐น๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ฆ๐ฒ๐ป. ๐ฅ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ๐ถ๐ฟ! ๐
31/05/2026
๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐๐ข๐ก! ๐
Isang malaking hakbang ang ating naitala para sa naging matagumpay na pagpupulong sa nagdaang kampanya ng partidong ALON kasama ang IDIMSS at ang Office of the University President ng Tarlac State University!
โAng pagkakaisang ito ay patunay na lumalawak ang alon ng ating positibong pagbabago at kolaborasyon para sa komunidad. Maraming salamat sa mga opisina at kinatawan ng TSU sa inyong suporta at tiwala sa ating mga inisyatibo at adhikain.
โSamahan niyo kaming saksihan ang mga susunod pang yugto ng ating kwento. Sabay-sabay nating palakihin ang ALON! ๐
31/05/2026
๐๐ก๐ ๐๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐ฌ ๐ก๐๐๐ง๐๐ก๐๐ ๐๐ง ๐ก๐๐ก๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐! ๐
Sa buong komunidad ng Tarlac State Universityโmula sa ๐๐๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ ๐๐จ๐๐๐ง๐ค, ๐๐ช๐๐๐ฃ๐๐, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ก๐ก๐๐ฉ๐ ๐พ๐๐ข๐ฅ๐ช๐จ๐๐จ ๐จ๐ ๐พ๐๐ฅ๐๐จ, ๐พ๐ค๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐๐ค๐ฃ, ๐๐ฉ ๐๐ ๐๐๐ฏโisang dambuhala at rumaragasang pagbati sa inyong lahat!
Ang inyong boses ay narinig, ang inyong paninindigan ay nagmarka, at ang alon ng tunay, makatao, at pantay na serbisyo ay tuluyan nang dumaong sa ating pinakamataas na konseho ng mag-aaral!
Higit sa lahat, ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa mga kandidatong nag-alay ng kanilang pagod, puyat, at talino sa gitna ng laban. ๐๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก๐ ๐ง๐ฆ๐จ๐ถ๐ฎ๐ป! ๐
Taos-pusong pasasalamat sa bawat mag-aaral na naglaan ng oras, nagbukas ng kanilang mga portal, at nagtiwala sa plataporma at kakayahan ng ALON Partylist upang maging bahagi ng pagtatatag ng isang unibersidad na walang naiiwanโisang "One-TSU" na nagkakaisa at nagtutulungan para sa kapakanan ng lahat, lalo na ng ating mga marhinalisadong sektor na matagal nang naghihintay ng sapat na pansin at serbisyo.
Ang tagumpay na ito ay hindi dulo ng laban, kundi simula pa lamang ng mas mabigat na responsibilidad. Bitbit namin ang pangarap ng bawat estudyanteng naghahangad ng maayos na sistema, malayang pamamahayag, at pantay na distribusyon ng oportunidad sa ating pamantasan.
Panahon na para itindig ang mga ipinangakong polisiya at panindigan ang tiwalang ipinagkaloob. ๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ, ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด! ๐ฆโ
31/05/2026
๐ ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ต๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐ธ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ผ๐ธ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฎ! ๐
Isang malikhain at mapagpalayang pagbati sa bagong halal na ๐พ๐ค๐ก๐ก๐๐๐ ๐ค๐ ๐ผ๐ง๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฉ๐ช๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐ฉ๐จ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐พ๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ก sa ilalim ng ALON Partylist! ๐ด
Ipinakita ng CAFA na ang sining ay hindi lamang nagpapaganda ng paligid, kundi may kapangyarihan ding magdisenyo ng isang mas maliwanag at maayos na kinabukasan para sa buong kolehiyo.
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐-๐ฝ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐๐๐๐ na naging kabahagi ng tagumpay na ito. Salamat sa pagtitiwala sa sining ng tunay na paglilingkod na bitbit ng ALON Partylist.
Sa bawat gabi na inyong puyat sa paggawa ng mga plates, batid namin ang inyong mga sakripisyo, at ang inyong pagboto ay isang malinaw na hudyat na nais ninyo ng isang konseho na makikinig, aalalay, at magtatanggol sa inyong mga interes at kapakanan bilang mga malikhain at mag-aaral! โ
31/05/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ป๐ต๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐ง๐ฆ๐จ, ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ! ๐
Isang mainit at rumaragasang pagbati sa buong slate ng ALON Partylist na opisyal nang magsisilbi bilang bagong mga lider ng ๐พ๐ค๐ก๐ก๐๐๐ ๐ค๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐พ๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ก! ๐ฆ
Ang tagumpay na ito ay patunay lamang na ang mga mag-aaral ng kolehiyo ng Inhinyeriya ay hindi lamang mahusay sa kalkulasyon at disenyo, kundi matalas at mapanuri rin pagdating sa pagpili ng mga pinunong may subok na kakayahan at malinaw na direksyon para sa kolehiyo.
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐๐ข๐! Maraming salamat sa inyong tiwala, sa inyong pagtanggap sa aming mga plataporma, at sa pagpapatunay na ang tunay na pagbabago ay nakasalalay sa pagpili ng lideratong may gawa at hindi lang salita.
Ang inyong pagboto at pakikilahok ay siyang pundasyon ng bawat proyektong ating itataguyod sa susunod na akademikong taon! โ
27/05/2026
Mula sa unang sigaw, hanggang sa pinakahuling palakpak, pinatunayan ng sangkaes๐ง๐ฆ๐จdyantehan na ang kolektibong boses ay kayang yanigin hindi lamang ang ๐ง๐ฆ๐จ ๐๐๐บ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐บ kundi pati ang sistema ng lideratong hindi marunong makinig.
Maraming salamat sa bawat estudyanteng dumalo, nakinig, nakiisa, at tumindig kasama ang ๐๐๐ข๐ก sa ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐๐. Ang araw na ito ay hindi lamang naging pagtatapos ng kampanya, kundi simula ng mas malakas na panawagan para sa pamumunong may prinsipyo, malasakit, at konkretong aksyon.
Ang bawat sigaw ng suporta, bawat taas ng inyong mga kamay, at bawat estudyanteng naniwalang posible ang mas makataong konseho ang mas lalong nagpalakas sa agos ng ๐๐๐ข๐ก.
Hindi dito nagtatapos ang laban, isang bagay ang sigurado: hindi tatahimik ang boses ng estudyante.
Padayon, ๐ง๐ฆ๐จ๐ถ๐ฎ๐ป๐!
Approved by: TARLAC STATE UNIVERSITY COMMITTEE ON STUDENT ELECTIONS
27/05/2026
๐ง๐ฆ๐จ๐๐๐ก๐ฆ, ๐๐๐ฌ๐ข ๐๐ก๐ ๐๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ข! ๐
โHIndi sapat na maging boses lang sa social media; oras na para isalin ang ating mga hinaing tungo sa konkretong aksyon! โ
Sa darating na ๐ ๐ฎ๐ 29, 2026, buksan ang inyong ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐น at gamitin ang kapangyarihang magpasya.
โAng ating boto ang magdidikta sa direksyon ng ating institusyon at ng bawat sangkaesTSUdyantehan!
Huwag hayaang ang iba ang magtakda ng iyong kinabukasan. Isang click lang ang kailangan para simulan ang dambuhalang ๐๐๐ข๐ก ng pagbabago. ๐โ
๐ ๐๐๐๐๐๐๐ . ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ข๐. ๐๐จ๐ ๐ข๐ง๐ข ๐ก๐๐ก๐ ๐ง๐๐ ๐!
Approved by: TARLAC STATE UNIVERSITY COMMITTEE ON STUDENT ELECTIONS
27/05/2026
Ang bawat marka sa balota ay hindi lang basta pagpiliโito ay deklarasyon ng ating karapatan at kinabukasan. โ
Huwag nating iasa sa iba ang ating nararapat nating matamasa. Narito ang opisyal na ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฝ๐น๐ฒ ๐๐ฎ๐น๐น๐ผ๐ para sa isang organisado, matalino, at siguradong pagboto.
Siguraduhing tama ang bawat pangalan, dahil ang bawat tamang boto ay dagdag-lakas sa ๐๐๐ข๐ก ng tunay na pagbabago. ๐
Sabay-sabay nating itindig ang ating paninindigan at demokrasya!
๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ก. ๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ข๐ก.
Approved by: TARLAC STATE UNIVERSITY COMMITTEE ON STUDENT ELECTIONS