Alliance of Concerned Students - TSU

Directions

Alliance of Concerned Students - TSU ✊

YOU MATTER: SA LIKOD NG MGA PAGSUBOK AT PAGOD, MAHALAGA KA AT HINDI KA NAG-IISAIsang mahigpit na yakap para sa bawat kab...
27/10/2026

YOU MATTER: SA LIKOD NG MGA PAGSUBOK AT PAGOD, MAHALAGA KA AT HINDI KA NAG-IISA

Isang mahigpit na yakap para sa bawat kabataan at estudyante ngayong 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐌𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐈𝐒𝐈𝐏𝐀𝐍. Para sa mga gabing tahimik kang lumalaban mag-isa, sa bigat ng mga alalahaning pilit mong kinakaya, at sa mga sandaling tinatanong mo kung kaya mo pa—nais naming marinig mo nang paulit-ulit: 𝐘𝐨𝐮 𝐝𝐨 𝐦𝐚𝐭𝐭𝐞𝐫. 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐤𝐚.

Hindi biro ang pasanin ng bawat estudyante. Totoo na para sa marami, ang simpleng paalalang ito ay sapat na upang magbigay-lakas at magpaalala na hindi sila nag-iisa. Sa mundong madalas tayong pilit na pinatitigas, karapat-dapat ding marinig ng bawat isa na ligtas silang huminga, magpahinga, at maging mahina minsan.

Ngunit alam din nating ang mga "gusot" at pagod sa iyong isip ay hindi basta-bastang mawawala dahil lamang sa payo o self-care. Bunga ito ng totoong reyalidad na kinakaharap ng kabataan araw-araw, ang matinding panggigipit ng sistema, ang pangamba sa kinabukasan, at ang hirap ng buhay. Valid ang bawat pagod at luha mo, at hinding-hindi mo kasalanan kung nahihirapan ka na.

Kaya habang inaalagaan natin ang ating sarili, ipaglaban din natin ang isang lipunang tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng lahat. Huwag kang susuko; mahalaga ang iyong buhay, at kasama mo kaming lalaban para sa mas ligtas at makataong bukas.

𝐘𝐎𝐔 𝐃𝐎 𝐌𝐀𝐓𝐓𝐄𝐑. 𝐘𝐎𝐔 𝐌𝐀𝐓𝐓𝐄𝐑! 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐈𝐒𝐈𝐏𝐀𝐍, 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍!



‎
‎
‎ '27

‎𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨,
[email protected]

𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚, 𝗧𝗦𝗨𝗜𝗔𝗡𝗦! 𝗝𝗢𝗜𝗡 𝗔𝗖𝗦 𝗡𝗢𝗪! ✊‎‎Sa loob at labas ng pamantasan, samu’t saring usapin ang direktang nakaaapekto sa buha...
23/10/2026

𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚, 𝗧𝗦𝗨𝗜𝗔𝗡𝗦! 𝗝𝗢𝗜𝗡 𝗔𝗖𝗦 𝗡𝗢𝗪! ✊
‎
‎Sa loob at labas ng pamantasan, samu’t saring usapin ang direktang nakaaapekto sa buhay ng bawat estudyante at mamamayan. Mula sa edukasyon, kabuhayan, at demokratikong karapatan hanggang sa mga suliraning kinahaharap ng ating mga komunidad, malinaw na ang mga hamong ito ay hindi malulutas sa pamamagitan ng katahimikan at indibidwal na pagkilos lamang.
‎
‎Higit kailanman, kailangan natin ang isang organisadong hanay ng mga estudyanteng handang makialam, manindigan, at kumilos para sa kapakanan ng sambayanan. Bilang isang organisasyong sosyo-politikal, patuloy na pinagkakaisa ng 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝗲𝗱 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 (𝗔𝗖𝗦) - 𝗧𝗦𝗨 ang mga kabataang handang ipaglaban ang karapatan ng mga estudyante at ang interes ng mamamayan.
‎
‎Sa pamamagitan ng sama-samang pag-aaral, mga kampanya, programa, at pagkilos, hinuhubog ng alyansa ang mga kabataang mulat sa kalagayan ng lipunan at handang makibahagi sa pagsusulong ng pagbabago. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay hindi lamang ipinapangarap—ito ay sama-samang ipinaglalaban at isinasakatuparan.
‎
‎Kaya naman, inaanyayahan namin ang bawat TSUian na maging bahagi ng alyansa! Palawakin natin ang ating kaalaman, palakasin ang ating pagkakaisa, at sama-samang isulong ang isang lipunang makatarungan at tunay na naglilingkod sa mamamayan.
‎
‎Pag-aralan ang lipunan. Sumapi sa alyansa. Sama-samang kumilos para sa pagbabago!
‎
‎𝗝𝗼𝗶𝗻 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲. 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀. 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲 𝗧𝗵𝗲 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲.
‎
‎📌Mag-register dito:
‎https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe4DQeQlvdgMMHqyYE6iHC6qT6DdvzRoFdh6zbqAEEv9aMVMQ/viewform?usp=dialog
‎
‎
‎
‎ '27

‎𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 | 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀! ‎‎𝐆𝐑𝐀 𝐈𝐒 𝐁𝐄, ’𝐃𝐈 𝐁𝐀𝐇?! ‎‎Silipin ang mga naging eksena sa naganap na talakayan at pani...
21/10/2026

‎𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 | 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀!
‎
‎𝐆𝐑𝐀 𝐈𝐒 𝐁𝐄, ’𝐃𝐈 𝐁𝐀𝐇?!
‎
‎Silipin ang mga naging eksena sa naganap na talakayan at paninindigan sa “PAX SILLY KA!” kung saan sama-samang nagsuri, nagtanong, at nagkaisa ang ating mga mag-aaral at komunidad laban sa banta ng Pax Silica! 🌾⚡
‎
‎Muling napatunayan na hindi simpleng “bakanteng lupa” ang mga sakahang pilit na inagaw, at hindi kailanman dapat ipagpalit ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at katutubong pamayanan para lamang sa interes ng dayuhang kapital.
‎
‎Salamat sa lahat ng nakiisa, naking, at nagpalakas ng boses para sa ating soberanya at kalikasan! Hindi rito nagtatapos ang ating pakikibaka—patuloy tayong magmumulat at maninindigan!
‎
𝐋𝐔𝐏𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐁𝐎, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍! 𝐑𝐄𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐈𝐂𝐀!
‎




’27

‎𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨,
[email protected]

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng organisasyon, student council, at kabataan na nakiisa at nagpaabot ng suporta sa ati...
21/10/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng organisasyon, student council, at kabataan na nakiisa at nagpaabot ng suporta sa atin online campaign at panawagan laban sa Pax Silica.

Ang inyong pakikisangkot ay patunay na ang sektor ng kabataan at estudyante ay handang tumindig para sa lupang agrikultural, sa mga magsasaka, sa mga katutubong pamayanan, at sa pambansang soberanya.

Maraming salamat sa mga sumusunod na nakiisa:

‎1. 𝑲𝑨𝒀𝑨 𝑵𝑨𝑻𝑰𝑵 𝒀𝑶𝑼𝑻𝑯 - 𝑻𝑺𝑼
2. 𝑲𝑨𝒀𝑨 𝑵𝑨𝑻𝑰𝑵 𝒀𝑶𝑼𝑻𝑯 - 𝑻𝑨𝑹𝑳𝑨𝑪 𝑪𝑰𝑻𝒀
‎3. 𝑲𝑨𝑩𝑨𝑻𝑨𝑨𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑹𝑳𝑨𝑲𝑬𝑵𝒀𝑶 𝑷𝑨𝑹𝑨 𝑺𝑨 𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵
4. 𝑷𝑹𝑶-𝑷𝑬𝑶𝑷𝑳𝑬 𝑬𝑵𝑮𝑰𝑵𝑬𝑬𝑹𝑺 𝑨𝑵𝑫 𝑳𝑬𝑨𝑫𝑬𝑹𝑺 ‎
5. 𝑨𝑳𝑨𝑩 𝑨𝑮𝑨𝑰𝑵𝑺𝑻 𝑷𝑨𝑿 𝑺𝑰𝑳𝑰𝑪𝑨
‎6. 𝑷𝑨𝑵𝑮𝑨𝑺𝑰𝑵𝑨𝑵 𝑷𝑬𝑶𝑷𝑳𝑬'𝑺 𝑺𝑻𝑹𝑰𝑲𝑬 𝑭𝑶𝑹 𝑻𝑯𝑬 𝑬𝑵𝑽𝑰𝑹𝑶𝑵𝑴𝑬𝑵𝑻
‎7. 𝑽𝑬𝑺𝑺𝑬𝑳𝑺 𝑶𝑭 𝑯𝑼𝑴𝑨𝑵𝑰𝑻𝒀 - 𝑻𝑺𝑼
‎8. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑬𝑵𝑽𝑰𝑹𝑶𝑵𝑴𝑬𝑵𝑻𝑨𝑳 𝑺𝑪𝑰𝑬𝑵𝑪𝑬 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑬𝑻𝒀 ‎
9. 𝑹𝑶𝑻𝑨𝑹𝑨𝑪𝑻 𝑪𝑳𝑼𝑩 𝑶𝑭 𝑻𝑺𝑼 -
10. 𝑪𝑶𝑬𝑺𝑺𝑬 𝑻𝑺𝑼 - 𝑷𝑺𝒀𝑪𝑯𝑶𝑳𝑶𝑮𝑰𝑪𝑨𝑳 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑬𝑻𝒀
11. 𝑻𝑺𝑼 𝑪𝑶𝑴𝑴𝑼𝑵𝑰𝑪𝑨𝑻𝑶𝑹𝑺' 𝑮𝑼𝑰𝑳𝑫
12. 𝑻𝑺𝑼 𝑳𝑰𝑵𝑮𝑼𝑰𝑺𝑻𝑰𝑪 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑬𝑻𝒀 ‎
13. 𝑱𝑼𝑵𝑰𝑶𝑹 𝑭𝑰𝑵𝑨𝑵𝑪𝑰𝑨𝑳 𝑬𝑿𝑬𝑪𝑼𝑻𝑰𝑽𝑬𝑺 - 𝑻𝑺𝑼 𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹
‎14. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑱𝑼𝑵𝑰𝑶𝑹 𝑷𝑯𝑰𝑳𝑰𝑷𝑷𝑰𝑵𝑬 𝑰𝑵𝑺𝑻𝑰𝑻𝑼𝑻𝑬 𝑶𝑭 𝑨𝑪𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑨𝑵𝑻𝑺
‎15. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑱𝑼𝑵𝑰𝑶𝑹 𝑴𝑨𝑹𝑲𝑬𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑨𝑺𝑺𝑶𝑪𝑰𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 ‎
16. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑯𝑶𝑺𝑷𝑰𝑻𝑨𝑳𝑰𝑻𝒀 𝑻𝑶𝑼𝑹𝑰𝑺𝑴 𝑴𝑨𝑵𝑨𝑮𝑬𝑴𝑬𝑵𝑻 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑬𝑻𝒀
‎17. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑪𝑪𝑺 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑬𝑻𝒀 𝑭𝑶𝑹 𝑰𝑵𝑭𝑶𝑹𝑴𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑺𝒀𝑺𝑻𝑬𝑴 𝑺𝑻𝑼𝑫𝑬𝑵𝑻𝑺
‎18. 𝑱𝑼𝑵𝑰𝑶𝑹 𝑷𝑯𝑰𝑳𝑰𝑷𝑷𝑰𝑵𝑬𝑺 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑬𝑻𝒀 𝑶𝑭 𝑷𝑼𝑩𝑳𝑰𝑪 𝑨𝑫𝑴𝑰𝑵𝑰𝑺𝑻𝑹𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵- 𝑻𝑺𝑼 𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 ‎
19. 𝑷𝑯𝑰𝑳𝑰𝑷𝑷𝑰𝑵𝑬𝑺 𝑨𝑺𝑺𝑶𝑪𝑰𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑶𝑭 𝑭𝑶𝑶𝑫 𝑻𝑬𝑪𝑯𝑵𝑶𝑳𝑶𝑮𝑰𝑺𝑻, 𝑰𝒏𝒄. 𝑪𝒉𝒊 𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 ‎
20. 𝑻𝑺𝑼 𝑪𝑰𝑻 - 𝑴𝑬𝑪𝑯𝑨𝑻𝑹𝑶𝑵𝑰𝑪𝑺 𝑻𝑬𝑪𝑯𝑵𝑶𝑳𝑶𝑮𝒀 𝑶𝑹𝑮𝑨𝑵𝑰𝒁𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 ‎
21. 𝑴𝑨𝑯𝑨𝑹𝑳𝑰𝑲𝑨 𝑶𝑹𝑮𝑨𝑵𝑰𝒁𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 ‎
22. 𝑷𝑹𝑶𝑮𝑹𝑨𝑴𝑴𝑬𝑹'𝑺 𝑫𝑬𝑵
23. 𝑺𝑻𝑼𝑫𝑬𝑵𝑻 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑬𝑻𝒀 𝑶𝑭 𝑰𝑵𝑭𝑶𝑹𝑴𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑻𝑬𝑪𝑯𝑵𝑶𝑳𝑶𝑮𝒀 𝑬𝑫𝑼𝑪𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 ‎
24. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑪𝑶𝑳𝑳𝑬𝑮𝑬 𝑶𝑭 𝑪𝑶𝑴𝑷𝑼𝑻𝑬𝑹 𝑺𝑻𝑼𝑫𝑰𝑬𝑺 𝑺𝑻𝑼𝑫𝑬𝑵𝑻 𝑪𝑶𝑼𝑵𝑪𝑰𝑳
‎25. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑪𝑶𝑳𝑳𝑬𝑮𝑬 𝑶𝑭 𝑨𝑹𝑻𝑺 𝑨𝑵𝑫 𝑺𝑶𝑪𝑰𝑨𝑳 𝑺𝑪𝑰𝑬𝑵𝑪𝑬𝑺 𝑺𝑻𝑼𝑫𝑬𝑵𝑻 𝑪𝑶𝑼𝑵𝑪𝑰𝑳 ‎
26. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑪𝑶𝑳𝑳𝑬𝑮𝑬 𝑶𝑭 𝑩𝑼𝑺𝑰𝑵𝑬𝑺𝑺 𝑨𝑵𝑫 𝑨𝑪𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑨𝑵𝑪𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑫𝑬𝑵𝑻 𝑪𝑶𝑼𝑵𝑪𝑰𝑳
‎27. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑪𝑶𝑳𝑳𝑬𝑮𝑬 𝑶𝑭 𝑰𝑵𝑫𝑼𝑺𝑻𝑹𝑰𝑨𝑳 𝑻𝑬𝑪𝑯𝑵𝑶𝑳𝑶𝑮𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑫𝑬𝑵𝑻 𝑪𝑶𝑼𝑵𝑪𝑰𝑳

𝐌𝐞𝐝𝐢𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬:

1. 𝑻𝑯𝑬 𝑾𝑶𝑹𝑲 - 𝑻𝑨𝑹𝑳𝑨𝑪 𝑺𝑻𝑨𝑻𝑬 𝑼𝑵𝑰𝑽𝑬𝑹𝑺𝑰𝑻𝒀
2. 𝑻𝑯𝑬 𝑩𝑳𝑨𝒁𝑬 - 𝑻𝑨𝑹𝑳𝑨𝑪 𝑺𝑻𝑨𝑻𝑬 𝑼𝑵𝑰𝑽𝑬𝑹𝑺𝑰𝑻𝒀
3. 𝑻𝑯𝑬 𝑩𝑼𝑹𝑬𝑨𝑼𝑪𝑹𝑨𝑻 - 𝑻𝑨𝑹𝑳𝑨𝑪 𝑺𝑻𝑨𝑻𝑬 𝑼𝑵𝑰𝑽𝑬𝑹𝑺𝑰𝑻𝒀
4. 𝑻𝑯𝑬 𝑩𝑹𝑶𝑾𝑺𝑬𝑹 - 𝑻𝑨𝑹𝑳𝑨𝑪 𝑺𝑻𝑨𝑻𝑬 𝑼𝑵𝑰𝑽𝑬𝑹𝑺𝑰𝑻𝒀
5. 𝑻𝑯𝑬 𝑶𝑹𝑨𝑪𝑳𝑬 - 𝑻𝑨𝑹𝑳𝑨𝑪 𝑺𝑻𝑨𝑻𝑬 𝑼𝑵𝑰𝑽𝑬𝑹𝑺𝑰𝑻𝒀
6. 𝑻𝑺𝑼 - 𝑬𝑫𝑼𝑪𝑨𝑻𝑶𝑹𝑺' 𝑮𝑨𝒁𝑬𝑻𝑻𝑬

Patuloy tayong magkaisa at maging boses ng mamamayan. Hindi natin hahayaang maagaw ang ating kabuhayan at kapaligiran para sa dayuhang interes.

𝐋𝐔𝐏𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐁𝐎, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍! 🌾 𝐑𝐄𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐈𝐂𝐀! ✊





’27

‎𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨,
[email protected]

𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆 𝐀𝐘 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐀! 💥Handa na tayong magpasimula at magkaisa. Hindi natin hahayaang maagaw ang kabuhayan...
20/10/2026

𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆 𝐀𝐘 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐀! 💥
Handa na tayong magpasimula at magkaisa. Hindi natin hahayaang maagaw ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at katutubo!

𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀! ✅
‎
𝙇𝙐𝙋𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝘼𝙂𝙎𝘼𝙎𝘼𝙆𝘼 𝘼𝙏 𝙆𝘼𝙏𝙐𝙏𝙐𝘽𝙊, 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙎𝘼 𝘿𝘼𝙔𝙐𝙃𝘼𝙉! 📢

𝙍𝙀𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙋𝘼𝙓 𝙎𝙄𝙇𝙄𝘾𝘼! ✊🏻

Tara na mamayang 1:00 PM to 5:00 PM sa TSU Gym Main Campus




’27
‎
‎𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨,
‎[email protected]

⏳ 𝟏 𝐃𝐀𝐘 𝐋𝐄𝐅𝐓! ⏳GRA IS BE, ’DI BAH?!Isang araw na lamang at magsisimula na ang ating matinding paninindigan at talakayan!...
19/10/2026

⏳ 𝟏 𝐃𝐀𝐘 𝐋𝐄𝐅𝐓! ⏳

GRA IS BE, ’DI BAH?!

Isang araw na lamang at magsisimula na ang ating matinding paninindigan at talakayan! Kaya ba natin basta na lang ipagwalang-bahala ang mga panganib ng Pax Silica para lamang bigyang-daan ang mga proyektong hindi malinaw kung sino ang higit na makikinabang? SIYEMPRE HINDI! ❌

Bukas, sama-sama nating basagin ang katahimikan at panindigan na ang ating bansa ay hindi ipinagbibili! Magkita-kita tayo sa “PAX SILLY KA!” upang magmulat, makibaka, at magtagumpay para sa bayan! ✊🔥

📅 Oct. 20, 2026
📍TSU Gym Main Campus

Ipagtanggol ang lupa, kalikasan, at soberanya! REJECT PAX SILICA!





’27

𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨,
[email protected]

REPOST | Kaya Natin Youth - TSU𝐆𝐔𝐒𝐓𝐎 𝐊𝐈𝐓𝐀… 👀💌Matagal ko na ’tong gustong sabihin sa’yo, kaso baka kasi ma-fall ka agad. ...
19/10/2026

REPOST | Kaya Natin Youth - TSU

𝐆𝐔𝐒𝐓𝐎 𝐊𝐈𝐓𝐀… 👀💌

Matagal ko na ’tong gustong sabihin sa’yo, kaso baka kasi ma-fall ka agad. 😔 HAHAHAHA! Pero sige na nga, aamin na ako…

𝐆𝐔𝐒𝐓𝐎 𝐊𝐈𝐓𝐀… 𝐈-𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐆𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐀𝐂𝐓𝐒 𝐎𝐔𝐓: 𝐏𝐀𝐗, 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀! 😭🤝

Akala mo ba may label na tayo? Label ng event, beh! 😭

📍 𝐓𝐒𝐔 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦
📅 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲)
⏰ 𝟏:𝟎𝟎 𝐏𝐌 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌

Kaya tara na! Sama-sama nating alamin ang facts tungkol sa Pax Silica at ang mga posibleng epekto nito sa ating bayan at mamamayan. 💌

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐒𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐈𝐍, 𝐊𝐔𝐍𝐃𝐈 𝐈𝐒𝐈𝐏 𝐃𝐈𝐍! 🧠❤️‍🔥

🌾 𝐋𝐔𝐏𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐈𝐂𝐀! ✊



𝐆𝐔𝐒𝐓𝐎 𝐊𝐈𝐓𝐀… 👀💌

Matagal ko na ’tong gustong sabihin sa’yo, kaso baka kasi ma-fall ka agad. 😔 HAHAHAHA! Pero sige na nga, aamin na ako…

𝐆𝐔𝐒𝐓𝐎 𝐊𝐈𝐓𝐀… 𝐈-𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐆𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐀𝐂𝐓𝐒 𝐎𝐔𝐓: 𝐏𝐀𝐗, 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀! 😭🤝

Akala mo ba may label na tayo? Label ng event, beh! 😭

📍 𝐓𝐒𝐔 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦
📅 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲)
⏰ 𝟏:𝟎𝟎 𝐏𝐌 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌

Kaya tara na! Sama-sama nating alamin ang facts tungkol sa Pax Silica at ang mga posibleng epekto nito sa ating bayan at mamamayan. 💌

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐒𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐈𝐍, 𝐊𝐔𝐍𝐃𝐈 𝐈𝐒𝐈𝐏 𝐃𝐈𝐍! 🧠❤️‍🔥

🌾 𝐋𝐔𝐏𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐈𝐂𝐀! ✊



𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊𝐄𝐑𝐒 𝐅𝐎𝐑 “𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀! Sa gitna ng mga usaping pumapalibot sa pagtatayo ng pasilidad, mahalagang kilalanin...
19/10/2026

𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊𝐄𝐑𝐒 𝐅𝐎𝐑 “𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀!

Sa gitna ng mga usaping pumapalibot sa pagtatayo ng pasilidad, mahalagang kilalanin natin ang mga boses na magbibigay ng linaw, katotohanan, at paninindigan para sa ating bayan at likas na yaman! 🌾

Sama-sama nating pakinggan at kilalanin ang ating mga GUEST SPEAKERS na magbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa tunay na epekto ng Pax Silica sa ating kalikasan, soberanya, at sa mga batayang sektor tulad ng ating mga magsasaka at katutubong pamayanan.

Si 𝐃𝐞𝐭 𝐓𝐮𝐚𝐳 ay mula sa 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞𝐬 𝐒𝐭𝐫𝐢𝐤𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭, na nagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran at hustisyang panlipunan sa pamamagitan ng pagsusulat, sining, edukasyon, at pagbibigay-boses sa mga tunay na karanasan ng mga lokal na komunidad. Naniniwala siya na ang epektibong pagkilos ay nagmumula sa patuloy na pakikinig, pakikimuhay, at pakikipaglaban kasama ang masa.


𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐉𝐨𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐌. 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐧𝐚 ay isang 𝐋𝐢𝐜𝐞𝐧𝐬𝐞 𝐆𝐞𝐨𝐝𝐞𝐭𝐢𝐜 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫 at 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐨𝐫 𝐬𝐚 𝐔𝐏 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐆𝐞𝐨𝐝𝐞𝐭𝐢𝐜 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠. Siya rin ang National Service Training Program Coordinator ng College of Engineering. Bago sumali sa akademya, ilang taon siyang naging full-time researcher sa iba't ibang proyektong pinondohan ng DOST na nakatuon sa disaster risk reduction and management at environmental monitoring. Bukod sa kaniyang tungkulin sa akademya, nagsisilbi rin siyang 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨-𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬 (𝐏𝐑𝐎𝐏𝐄𝐋), isang organisasyon ng mga inhinyero at kaalyadong nagsusulong ng inhinyeriyang para sa mamamayan. Isa rin siya sa mga convenor ng 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐬 𝐒𝐚𝐲 𝐍𝐨 𝐭𝐨 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐞𝐭𝐰𝐨𝐫𝐤, isang malawak na network ng mga indibidwal at organisasyon mula sa komunidad ng mga inhinyerong Pilipino na nagtataguyod ng integridad sa propesyon at paglilingkod-bayan.

Si 𝐊𝐢𝐚𝐧𝐞 𝐗𝐲𝐫𝐥𝐥𝐞 𝐍𝐚𝐯𝐚𝐫𝐫𝐨 ay ang 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐚 𝐋𝐞𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐀𝐋𝐀𝐁 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧𝐬𝐭 𝐏𝐚𝐱 𝐒𝐢𝐥𝐢𝐜𝐚 at isa sa mga 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐃𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭, na katuwang sa pagsusulong ng edukasyong mapagpalaya para sa mga Ayta. Sa pamamagitan ng pagtuturo at pakikipamuhay, patuloy niyang hinuhubog ang pag-unawa sa kalagayan ng mga katutubo at sa mga usaping direktang nakaaapekto sa kanilang buhay at kinabukasan. Para sa kaniya, ang paglilingkod ay hindi lamang pagbabahagi ng kaalaman, kundi pakikinig, pagkatuto, at pakikiisa sa pakikibaka ng mga komunidad para sa kanilang lupa, karapatan, at sariling pagpapasya.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang maging bahagi ng talakayan at makipagkaisang magsuri! 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐩𝐚 𝐚𝐭 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧!

𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨,
‎ [email protected]





’27

⏳ 𝟐 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐋𝐄𝐅𝐓 ⏳‎HINDI TULAD NG ISA DIYAN NA TUTA NG DAYUHAN!‎‎Dalawang araw na lamang bago ang ating talakayan! Hindi si...
18/10/2026

⏳ 𝟐 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐋𝐄𝐅𝐓 ⏳
‎
HINDI TULAD NG ISA DIYAN NA TUTA NG DAYUHAN!
‎
‎Dalawang araw na lamang bago ang ating talakayan! Hindi simpleng “bakanteng lupa” ang nakataya rito—kundi ang kabuhayan ng ating mga magsasaka, ang karapatan ng mga katutubong pamayanan, at ang kinabukasan ng ating likas na yaman. ⛰️📢
‎
‎Sa harap ng mga mapanlinlang na pangako ng pag-unlad, mahalagang siyasatin kung sino ang tunay na nakikinabang at sino ang nagsasakripisyo. Dahil ang nais natin ay LUPA SA MAGSASAKA AT KATUTUBO, HINDI SA DAYUHAN!
‎
‎Huwag nang magpahuli. Ihanda ang inyong mga sarili para sa makabuluhang diskusyon sa “PAX SILLY KA!” ✊
‎
‎📅 Oct. 20, 2026
‎📍TSU Gym Main Campus





’27
‎
‎𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨,
‎ [email protected]

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘 𝐓𝐎 𝐒𝐀𝐘: 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀!‎‎Hindi simpleng “bakanteng lupa” ang mga sakahan at tanimang posibleng masaklaw ng pa...
18/10/2026

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘 𝐓𝐎 𝐒𝐀𝐘: 𝐏𝐀𝐗 𝐒𝐈𝐋𝐋𝐘 𝐊𝐀!

‎‎Hindi simpleng “bakanteng lupa” ang mga sakahan at tanimang posibleng masaklaw ng pagtatayo ng pasilidad na ito. Hindi natin hahayaang maagaw ang kabuhayan ng ating mga magsasaka, mailagay sa alanganin ang mga katutubong pamayanan, at ipagbili ang ating pambansang soberanya para sa interes ng dayuhang kapital!
‎
‎Ako si [NAME] mula sa [UNIT/ORG/PROGRAM], 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒘𝒂𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒊𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒐𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒑𝒂, 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏, 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏!
‎
‎𝙇𝙐𝙋𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝘼𝙂𝙎𝘼𝙎𝘼𝙆𝘼 𝘼𝙏 𝙆𝘼𝙏𝙐𝙏𝙐𝘽𝙊, 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙎𝘼 𝘿𝘼𝙔𝙐𝙃𝘼𝙉! 𝙍𝙀𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙋𝘼𝙓 𝙎𝙄𝙇𝙄𝘾𝘼! ‎𝙋𝘼𝙇𝙄𝙏-𝘿𝙋 𝙉𝘼 𝘼𝙏 𝙈𝘼𝙂𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼 𝙎𝘼 𝘼𝙏𝙄𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙉𝘼𝙒𝘼𝙂𝘼𝙉! ✊🌾🔥
‎
‎📌 DP Frame Link: https://www.twibbonize.com/paxsilicaseminar
‎
‎ Magkita-kita tayo sa TSU GYMNASIUM.
Oct. 20, 2026 | 1:00 PM - 5:00 PM
‎
‎𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨





’27

Address

Tarlac State University
Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alliance of Concerned Students - TSU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share