01/06/2026
Ang Pag-ibig Bilang Pakikibaka
Sa isang mundong patuloy na naghahati-hati sa mga tao batay sa kanilang pagkatao, ang pag-ibig ay nananatiling isang makapangyarihang anyo ng paglaya. Para sa maraming miyembro ng LGBTQIA+ community, ang magmahal at mahalin ay hindi lamang simpleng damdamin kundi isang matapang na pag-angkin ng kanilang karapatang mabuhay nang totoo. Kaya nga sa bawat Pride Month, hindi lamang pagdiriwang ng identidad ang ipinapamalas kundi pati ang patuloy na paglaban para sa pagkilala, pagkakapantay-pantay, at dignidad.
โDahil ang pag-ibig ay mapagpalaya, ang ibigin ka ay pakikibaka.โ Sa likod ng mga makukulay na watawat at parada ay mga kuwentong hinubog ng pagtanggi, diskriminasyon, at paghamon sa mga umiiral na paniniwala. Ang pagpili na mahalin ang isang tao sa kabila ng mga mapanghusgang tingin at mapaniil na sistema ay nagiging isang tahimik ngunit makapangyarihang anyo ng paglaban. Ang bawat relasyon na pinipiling maging bukas, bawat pag-amin ng tunay na sarili, at bawat hakbang tungo sa pagtanggap ay nagpapatunay na ang pag-ibig ay hindi dapat ikulong sa mga pamantayang itinakda ng lipunan.
Ngayong Pride Month, mahalagang kilalanin na ang pakikibaka para sa pag-ibig ay hindi lamang laban ng LGBTQIA+ community kundi ng lahat ng naniniwala sa karapatang magmahal nang malaya. Ang tunay na diwa ng Pride ay hindi lamang makikita sa mga simbolo ng pagkakaiba-iba kundi sa sama-samang paninindigan para sa isang lipunang walang takot, walang diskriminasyon, at may sapat na puwang para sa bawat uri ng pag-ibig. Sapagkat kapag ang pag-ibig ay tunay na mapagpalaya, wala nang dapat makipaglaban para lamang maging karapat-dapat mahalin.
30/05/2026
๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐!
May mga tagumpay na hindi lamang sinusukat sa dami ng boto, kundi sa lawak ng pagtitiwalang ipinagkaloob ng mga estudyante. Ngayon, habang inyong tinatahak ang panibagong yugto ng paglilingkod, nawaโy magsilbing gabay ang mga tinig, pangarap, at hinaing ng masang inyong piniling paglingkuran.
๐๐๐๐ฃ ๐ข๐๐ฃ ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐๐๐ก๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ผ๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค, ๐ข๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐ ๐จ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐-๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐ ๐จ๐ ๐จ๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ฃ๐จ.
Datapwat ang aming supporta ay nasa inyo, mariin ninyong tatandaan na ang aming katapatan ay nasa masang estudyante ng ating pamantasan. Ang STEP TSU ay patuloy na magmamasid. Mag-aaral. At tatawag ng pansin kung kayo man ay lumihis sa inyong mga pangakong nabitiwan.
Sapagkat ang tunay na suporta ay hindi bulag na pagsunod, kundi matapat na pakikiisaโhandang pumalakpak sa mga tagumpay, ngunit hindi mag-aatubiling magpaalala kapag ang landas ay nagsimulang malihis sa ipinangakong direksiyon. Ang tiwalang ipinagkaloob ng mga estudyante ay hindi tropeong maitatanghal, kundi pananagutang dapat araw-araw na isabuhay.
Muli, ang aming pagbati. Nawaโy magsilbing simula ito ng isang pamumunong hindi lamang marunong mangarap para sa mga estudyante, kundi marunong ding makinig, tumugon, at manindigan kasama nila.
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ง. ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐.
30/05/2026
Congrats po ๐๐๐ from ๐ฆถ๐ป๐ฆถ๐ป๐ฆถ๐ป
28/05/2026
๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ญ๐ซ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ๐๐ฌ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ณ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฑ๐๐ฆ
Ang Striving Towards Empowerment and Progress (STEP TSU), bilang isa sa mga aktibong sosyopolitikal na organisasyon ng mga estudyante sa Tarlac State University, ay mariing nakikiisa sa sigaw at paninindigan ng masang estudyante laban sa mga polisiyang naglilimita sa kanilang karapatan sa makatarungan at inklusibong edukasyon.
Ang ganitong represibong sistema ay malinaw na sumasalungat sa prinsipyong ang edukasyon ay karapatan ng lahat at hindi pribilehiyo lamang ng may kakayahan. Sa isang lipunang nagsusulong ng patas na akses sa edukasyon, walang estudyanteng dapat mapag-iwanan dahil lamang sa kakulangan sa kagamitan, akses sa teknolohiya, o iba pang rekursong kinakailangan upang makakuha ng eksaminasyon at makalahok sa akademikong proseso.
Hindi kailanman dapat maging batayan ng oportunidad sa edukasyon ang estado sa buhay ng isang estudyante. Sa halip na dagdagan ang pasanin ng mga mag-aaral, nararapat lamang na magpatupad ng mga polisiyang may konsiderasyon sa tunay na kalagayan ng masang estudyante.
Kaisa ang STEP TSU sa masang estudyante sa pagtutol sa mga patakarang lalo lamang nagpapahirap at nagpapabigat sa kalagayan ng mga mag-aaral. Naninindigan tayo na ang pamantasan ay dapat magsilbi bilang espasyong ligtas, makatao, at makatarungan para sa lahat.
Sa panahon kung kailan patuloy na humaharap ang mga estudyante sa samuโt saring hamonโpinansyal, emosyonal, at akademikoโhigit kailanman na kinakailangan ang mga polisiyang may malasakit at tunay na nakaugat sa kapakanan ng masa. Ang modernisasyon at digitalisasyon ay hindi dapat maging instrumento upang lalo pang mapalawak ang agwat sa pagitan ng mga may kakayahan at ng mga estudyanteng patuloy na nakikipaglaban para lamang makapagpatuloy sa pag-aaral.
๐๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป, ๐ถ๐ป๐ธ๐น๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐.
Dahil sa huli, ang mahalagang tanong ay ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐๐๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐๐ซ๐ ๐ฉ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ ๐ฎ๐ก๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐จ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐โ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข-๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐๐ค๐๐ฒ๐๐ก๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ฌ๐๐๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ฉ๐๐ -๐ข๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ง ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐ข๐๐ข๐ฅ๐๐ก๐ข๐ฒ๐จ. Sapagkat paano magiging patas ang edukasyon kung bago pa man makatawid sa kinabukasan, may mga estudyante nang kinakailangang huminto sa pintuan ng pagkakataon dahil hindi sapat ang kanilang akses, kagamitan, at kakayahang pinansyal upang makasabay sa agos ng sistema?
21/05/2026
๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐ง๐ฆ๐จ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐ - ๐๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ป๐ต๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ
Sa isang kolehiyong hinuhubog ng disiplina, inobasyon, at kritikal na pag-iisip, mahalagang magkaroon ng mga lider-estudyanteng hindi lamang mahusay sa pagdidisenyo ng mga plano, kundi marunong ding bumuo ng matitibay na pundasyon ng tiwala, pagkakaisa, at representasyon.
Bilang isang sosyo-politikal na organisasyong nagsusulong ng makabuluhang partisipasyon ng kabataan sa loob at labas ng pamantasan, ipinapahayag ng STEP TSU ang aming suporta sa ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐ para sa nalalapit na halalan sa Kolehiyo ng Inhenyeriya ng Tarlac State University.
Naniniwala kami na ang tunay na student leadership ay hindi basta binubuo ng mga pangakong madaling mabuwag sa unang pagsubok. Tulad ng isang matibay na estruktura, kinakailangan nito ng kongkretong solusyon na sinlakas ng semento, paninindigang hindi basta natitinag, at pamamahalang mahusay magbalanse ng pangangailangan ng komunidad.
Sa panahon kung saan maraming hinaing ang nangangailangan ng agarang aksyon, mahalaga ang mga lider na kayang magsilbing ilaw na nagbibigay-direksyon, makina ng pagkilos na nagpapatuloy sa gitna ng hamon, at puwersang nagdurugtong sa ibaโt ibang boses at sektor ng kolehiyo. Mula Civil Engineering hanggang Industrial, Electronics, Mechanical, at Electrical Engineering, mahalagang magkaroon ng representasyong marunong makinig, umunawa, at kumilos para sa kapakanan ng bawat estudyante.
Sa ALON, nakikita namin ang isang pagkilos na handang sumuong sa agos ng pagbabago nang may malinaw na layunin at pananagutan. Isang uri ng pamumunong hindi lamang nakatuon sa pagpapakita, kundi sa aktwal na pagbuo ng mga hakbang tungo sa mas inklusibo, makatao, at responsableng pamamahala.
Patuloy naming hinihikayat ang bawat mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhenyeriya na maging mapanuri, makilahok, at gamitin ang kanilang tinig hindi lamang bilang boto, kundi bilang bahagi ng sama-samang pagdidisenyo ng mas demokratiko at makatarungang pamantasan.
๐ Sa bawat ALON ng pakikibaka, may HAKBANG na handang sumabay.
21/05/2026
๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐ง๐ฆ๐จ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐
๐๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ธ๐ถ๐๐ฒ๐ธ๐๐๐ฟ๐ฎ
Sa panahon kung saan patuloy na hinuhubog ng mga mag-aaral ang kulay, anyo, at disenyo ng kinabukasan sa loob at labas ng pamantasan, mahalaga ang pagkakaroon ng mga lider-estudyanteng may kakayahang bumuo ng obra ng pagkakaisa at magdisenyo ng mga pagbabago nakaugat sa boses, karanasan, at pangangailangan ng masa.
Bilang isang sosyo-politikal na organisasyong nagsusulong ng makabuluhang partisipasyon ng kabataan sa mga usaping pang-estudyante at panlipunan, ipinapahayag ng STEP TSU ang aming suporta sa ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐ sa nalalapit na halalan sa Tarlac State University sa Kolehiyo ng Sining at Arkitektura.
Naniniwala kami na ang tunay na student leadership ay hindi lamang basta pagguhit ng magagandang plano o pagbuo ng mga pangakong madaling mabura, kundi ang pagiging matibay na arkitekto ng pagbabagoโmga lider na kayang maglatag ng matatag na pundasyon para sa mas inklusibo, makatao, at responsableng pamamahala.
Sa gitna ng samuโt saring hamon na kinakaharap ng komunidad ng TSU, kinakailangan ang mga lider na hindi lamang mahusay magpahayag ng mga ideya, kundi may kakayahang gawing obra ang bawat adhikain at konkretong hakbang ang bawat panawagan ng mga estudyante.
Sa ALON, nakikita namin ang isang kilusang handang maging hulmahan ng progresibong pamumunoโmga indibidwal na may malikhaing pananaw, malinaw na paninindigan, at pusong handang magsilbi lampas sa pansariling interes. Isang pagkilos na hindi natatakot sumabay sa agos upang muling iguhit ang mas makabuluhang representasyon sa loob ng pamantasan.
Patuloy naming hinihikayat ang bawat estudyante na maging mapanuri, makilahok, at gamitin ang kanilang tinig bilang kulay sa mas malaking larawan ng kolektibong pagbabago at demokratikong pakikibaka.
๐ Sa bawat ALON ng pakikibaka, may HAKBANG na handang maging arkitekto ng pagbabago.
21/05/2026
๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐ง๐ฆ๐จ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐
Sa panahon kung saan patuloy na sinusubok ang kalidad ng pamumuno at representasyon sa loob ng pamantasan, nananatiling mahalaga ang pagkakaroon ng mga lider-estudyanteng handang makinig, manindigan, at kumilos kasama ng masa.
Bilang isang sosyo-politikal na organisasyong nagsusulong ng makabuluhang partisipasyon ng kabataan sa mga usaping pang-estudyante at panlipunan, ipinapahayag ng STEP TSU ang aming suporta sa ๐๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐ sa nalalapit na halalan sa Tarlac State University.
Naniniwala kami na ang tunay na student leadership ay hindi nasusukat sa mga pangakong madaling bitawan, kundi sa kakayahang dalhin ang hinaing at boses ng mga estudyante tungo sa konkretong pagkilos at responsableng pamamahala. Sa gitna ng ibaโt ibang hamon na kinakaharap ng komunidad ng TSU, mahalagang magkaroon ng mga lider na may malinaw na paninindigan, bukas sa pananagutan, at handang magsilbi nang higit sa pansariling interes.
Sa ALON, nakikita namin ang pagpapatuloy ng isang uri ng pamumunong nagsisikap maging mas inklusibo, makatao, at nakaugat sa pangangailangan ng mga estudyante. Isang pagkilos na handang sumuong sa agos at maglatag ng bagong direksyon para sa mas makabuluhang representasyon sa loob ng pamantasan.
Patuloy naming hinihikayat ang bawat estudyante na maging mapanuri, makilahok, at gamitin ang kanilang tinig hindi lamang bilang boto, kundi bilang bahagi ng mas malawak na panawagan para sa isang mas demokratiko at makatarungang pamantasan.
๐ Sa bawat ALON ng pakikibaka, may HAKBANG na handang sumama.
21/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Bilang isang sosyo-politikal na organisasyong nagsusulong ng kritikal na pag-iisip, makabayang kamalayan, at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping panlipunan, mariing binibigyang-diin ng ๐๐ญ๐ซ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ๐๐ฌ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฌ (๐๐๐๐-๐๐๐) ang kahalagahan ng pagpapalakas ng partisipasyon ng kabataan sa paggamit ng kanilang demokratikong kapangyarihan sa anumang uri ng halalanโmaging ito man ay pambansa, lokal, o pangpamantasan.
Ang Senado ay isa sa inaasahang magsisilbi sa mga tao at sa bayan. Isang matatag na institusyon na nagsusulong ng mga batas upang protektahan ang nakakarami. Dahil dito, ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐๐ธ๐น๐ผ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป na nakatuon sa kapakanan ng sambayanan, hindi ukol sa impluwensya ng partidong politikal o pansamantalang alyansa.
Sa kalusukuyang kalayagan ng politika sa bansa, kapansin-pansin ang patuloy na pagpapalit palit at pagbabago ng mga nakaluklok sa senado, alyansa, at ang paninindigan ng mga senador ng Pilipinas. Bagamaโt kabilang sa demokratikong proseso ang pag-iral ng ibaโt ibang pananaw at paninindigan na nakatuon sa kasalukuyang mga pangyayari sa loob ng bansa, ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ฝ๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐น ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ ๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ.
Itoโy nakakabahala bagamaโt ang pagbabago ng posisyon ng ilang mga opisyales ay nagdudulot ng pag-iiba ng kaalaman at nagiging sanhi madals ng pagkalito, pagkawala ng tiwala ng publiko, at paghina ng pananagutan ng pamahalaan. Sa panahon natin na kinakailangan ng matatag na pamumuno upang solusyunan ang mga problema ng bansa tulad ng kahirapan, edukasyon, trabahao, hanggang sa karapatang pantao ๐ฃ๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐จ ๐ข๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐๐ฃ๐จ๐๐ฅ๐ฎ๐ค ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ก ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค, ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ ๐ค๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐จ๐ข๐ค.
Ang STEP TSU ay isa sa mga nananawagan para sa isang organisadong politika na nakatuon lamang sa katapatan, pananagutan, at tunay na representasyon ng pagmamahal sa sambayanan. ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป, ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป.
18/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐
๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐จ๐ ๐ช๐ง๐จ๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ
Bilang isang sosyo-politikal na organisasyon na naglalayong humubog ng mga kabataang kritikal, mulat, at aktibong nakikilahok sa mga usaping panlipunan, mariing binibigyang-diin ng ๐๐ญ๐ซ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ๐๐ฌ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฌ (๐๐๐๐-๐๐๐) ang kahalagahan ng pagpapalakas ng partisipasyon ng kabataan sa paggamit ng kanilang demokratikong kapangyarihan sa anumang uri ng halalanโmaging ito man ay pambansa, lokal, o pangpamantasan.
Kaakibat nito, naniniwala ang STEP-TSU na mahalagang mapanatili ang mga platapormang nagbibigay-daan sa malinaw, makabuluhan, at mapanuring pagtalakay hinggil sa mga kandidatong nagnanais manungkulan sa pamahalaang pang-mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na masuri at matimbang hindi lamang ang mga pangalan at popularidad ng mga kandidato, kundi maging ang kanilang mga plataporma, paninindigan, kakayahan, at pananaw sa mga usaping may direktang epekto sa hanay ng mga estudyante.
Sa panahong patuloy na hinaharap ng pamantasan ang hamon ng mababang partisipasyon ng mga mag-aaral sa eleksyon, mahalagang palawakinโhindi paliitinโang mga espasyong naghihikayat ng diskurso, pakikilahok, at pagiging mulat sa mga usaping pampamantasan at panlipunan. Ang mga student publications, campus journalists, at independent media platforms ay may mahalagang gampanin sa pagpapanatiling bukas ang daloy ng impormasyon at pagpapalalim ng kamalayang pampulitika ng mga mag-aaral.
Nakababahala kung ang mga ganitong inisyatiba na naglalayong palawakin ang kaalaman at partisipasyon ng mga estudyante ay nahaharap sa mga restriksiyong maaaring makaapekto sa kasarinlan ng campus media at sa malayang daloy ng impormasyon sa loob ng pamantasan. Higit kailanman, kinakailangan ang mga espasyong nagbibigay-daan sa pagtatanong, pagsusuri, at makabuluhang talakayan upang matiyak na ang halalan ay hindi lamang pormal na proseso, kundi tunay na demokratikong pakikilahok ng mga mag-aaral.
Naninindigan ang STEP-TSU na ang isang demokratikong pamantasan ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaroon ng eleksyon, kundi sa lawak ng pagkakataong ibinibigay nito sa mga mag-aaral upang makilahok, magtanong, magsuri, at magkaroon ng sapat na impormasyon bago bumuo ng kanilang pasya.
Patuloy kaming nakikiisa sa TSU Firefox Radio, mga publikasyong pangkampus, campus journalists, at iba pang independent media platforms na nagsusulong ng bukas na talakayan, responsableng pagbabahagi ng impormasyon, at makabuluhang partisipasyon ng mga mag-aaral sa loob ng unibersidad.
18/05/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐จ ๐.๐.๐.: ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง
Dahil sa patuloy na suporta at upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mas maraming mag-aaral na maipahayag ang kanilang tinig sa pamamagitan ng sining, ang deadline ng pagsusumite para sa ating Traditional Art Contest ay ๐๐๐๐๐๐๐๐ hanggang ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐๐๐๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐)! ๐๏ธโจ
Patuloy nating gamitin ang sining bilang kasangkapan sa pagpapalawak ng kamalayan, pagsusulong ng katarungan, at pagtatanggol sa karapatan ng bawat mamamayan. Sa bawat kulay at guhit ay may mensaheng kayang magmulat, magbigay inspirasyon, at maghatid ng pagbabago sa lipunan.
Kung hindi ka pa nakakapagsumite, ito na ang pagkakataon upang ipakita ang iyong talento at paninindigan. Hayaan mong magsalita ang iyong obra para sa bayan at katotohanan. โ
๐ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐บ๐ถ๐๐ฒ: ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐๐๐๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐)
๐ ๐๐ป๐ป๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ช๐ถ๐ป๐ป๐ฒ๐ฟ๐: ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฒ๐)
๐ ๐ฆ๐๐ฏ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐ป๐ธ:
[https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdhsx5R0uwjKVk6M67MPYKNSNmUG880w8kpsPerBWFk6mRd3Q/viewform](https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdhsx5R0uwjKVk6M67MPYKNSNmUG880w8kpsPerBWFk6mRd3Q/viewform)
๐จ Ang sining ay hindi lamang likhaโito ay pahayag, laban, at pag-asa. Sumali at maging bahagi ng pagbabago!
๐จ ๐.๐.๐.: ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง
Sa bawat guhit at kulay, may kwentong kailangang marinig. Ang patimpalak na ito ay hindi lamang tungkol sa siningโito ay panawagan upang imulat ang kamalayan, ipaglaban ang katarungan, at igiit ang karapatan ng bawat isa. Gamit ang tradisyunal na sining, inaanyayahan ang bawat estudyante ng Tarlac State University na maging boses ng katotohanan at instrumento ng pagbabago sa lipunan.
Ipakita sa inyong obra kung paano nagiging susi ang kaalaman at kamalayan sa pagkamit ng isang makatarungan, malaya, at pantay na pamumuhay para sa lahat. Hayaan nating magsalita ang siningโpara sa bayan, para sa katotohanan, at para sa karapatan.
๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ง ๐๐๐๐ง๐จ๐ก๐ง๐จ๐ก๐๐ก
1. ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ: Bukas ang patimpalak sa mga estudyante ng Tarlac State University.
2. ๐ ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐น๐ฒ๐: Maaaring gumamit ng watercolor, acrylic, oil paint, charcoal, pencil, o mixed media.
3. ๐ฆ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐น/๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐: 1/8, 1/4, o A3 size.
4. ๐ข๐ฟ๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ: Ang likha ay dapat orihinal at hindi pa nasasali sa ibang kompetisyon o nailathala. Mahigpit na ipinagbabawal ang plagiarism.
5. ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ:
๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐น๐ถ๐ป๐ฒ: Mayo 10, 2026
๐ฆ๐๐ฏ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐ป๐ธ: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdhsx5R0uwjKVk6M67MPYKNSNmUG880w8kpsPerBWFk6mRd3Q/viewform
6. ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐๐ธ๐ฟ๐ถ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป: Dapat may kasamang pamagat at maikling paliwanag o reflection ang bawat obra.
7. ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฎ:
* Kaugnayan sa Tema โ 40%
* Pagkamalikhain at Disenyo โ 30%
* Kalinisan at Presentasyon โ 30%
๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐บ๐ถ๐๐ฒ: ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ญ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐จ Gamitin ang iyong talento upang maging boses ng katotohanan at pagbabago. โ