Tarlac City Civil Registry Office

Tarlac City Civil Registry Office

Share

CCRO enforces all laws pertinent to civil registry related programs and projects.

Photos from Tarlac City Government's post 08/04/2026

๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ โ€˜๐—œ ๐——๐—ผโ€™: ๐—ฆ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—•๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ ๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ณ๐˜๐—ฒ๐—ฟ!

Photos from Tarlac City Government's post 20/03/2026

No record? No problem!

Photos from Tarlac City Civil Registry Office's post 18/03/2026

Born to Belong! Each one of us has the right to a name, nationality, and citizenship.

Inilunsad ngayong araw, March 18, 2026, ang Philsys Birth Registration Assistance Program (PBRAP) at ang Mobile Free Late Birth Registration. Ito ay bunga ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Susan Yap, Philippine Statistics Authority (PSA)- Tarlac at ng City Civil Registry Office (CCRO).

Pinangunahan ni City Civil Registrar Atty. Eliseo L. Martinez, at OIC-Chief Statistical Specialist Bernadette Joy D. Ular ang launching, kasama ang iba pang kawani ng CCRO at PSA-Tarlac. Mga residenteng mula sa Poblacion, Tibagan, Balibago II at Batang-Batang ang mga naging benepisyaryo ng nasabing programa, na malugod na sinamahan ng kani-kanilang mga Kapitan na sina Kap. Justine Rodriguez, Kap. Michael Tabamo, Kap. Archie Dayan at Kap. Susan Castillo.

Ang birth certificate ay kinakailangang ipa-rehistro 30 days mula araw ng kapanganakan. Matapos ang 30 reglementary period, ito ay ikokonsiderang โ€˜lateโ€™. Ang PBRAP ay nakalaan para sa mga indigents, Indigenous Peoples at Muslims. Lahat ng may rehistradong birth certificates ay maaari nang magkaroon ng PhilSys ID.

Abangan lamang po ang announcement dito sa CCRO Page, o sa FB Page ng Tarlac City Government at FB Page ng butihing Mayor Susan Yap, para sa mga susunod na schedule.


Photos from Tarlac City Civil Registry Office's post 16/03/2026

Nag-aatubili ka bang magpa-rehistro ng iyong anak dahil lumampas na ito sa 30 days? Magpapakasal ka ba pero hindi mo alam kung paano makakuha ng marriage license? Kailangan mo ba ng kopya ng death certificate ng iyong kaanak?

Ang Citizenโ€™s Charter ng City Civil Registry Office ay nagsisilbing menu ng mga serbisyo at mga proseso sa rehistro sibil. Hanapin ang serbisyong iyong kailangan, ihanda ang mga requirements, at magtungo sa City Civil Registry Office, Ground Floor, City Hall, Ligtasan, Tarlac City.

Ang pagkakaroon ng Citizenโ€™s Charter ay ayon sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business Law.

03/03/2026

We join the Tarlac City Government and the whole country in this month-long celebration which highlights the critical role of women in nation-building.

Ang bawat babae ay may kwento ng tapang - may kwento ng pagbangon, at may kwento ng tagumpay. ๐ŸŒธโœจ

Ngayong National Womenโ€™s Month, ipinagdiriwang natin ang lakas, tapang, talino, at malasakit ng bawat babae โ€” ina, anak, lider, manggagawa, at tagapagtaguyod ng pag-asa.

Ang babae ay hindi lamang bahagi ng lipunanโ€”siya ay pundasyon ng pag-unlad.
Babae kaโ€”malakas ka. Babae kaโ€”mahalaga ka. ๐ŸŒธโœจ

Photos from Tarlac City Civil Registry Office's post 01/03/2026

Paano mag-request ng CERTIFIED TRUE COPY ng Birth, Death, o Marriage Certificate?

Bumisita sa opisina ng City Civil Registry sa ground floor ng City Hall, Brgy. Ligtasan, at sundin ang mga alituntunin na nakasaad sa mga larawan sa post na ito.


24/08/2025

21/08/2025

Sa paggunita kay Sen. Benigno 'Ninoy' Aquino Jr., nawaโ€™y maging paalala ang kanyang buhay na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay handang magsakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.

24/07/2025

| Hulyo 25, 2025

Batay sa abiso ng DOST-PAGASA, Office of Civil Defense, at DSWD, patuloy na lumalakas ang Bagyong Emong habang kumikilos ito patungong southwest.

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 91 ng Office of the President, suspendido ang klase sa lahat ng antas at ang trabaho sa mga ahensyang pampamahalaan sa buong Lalawigan ng Tarlac sa Hulyo 25, 2025.

โ—Exempted ang mga essential personnel gaya ng health workers, rescue teams, at iba pang emergency responders.

๐Ÿ”” Paalala: Maging alerto, unahin ang kaligtasan, at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo kaugnay ng Bagyong Emong.

Mag-ingat po tayong lahat. ๐ŸŒง๏ธ๐Ÿ’จ

23/07/2025

PAALALA MULA SA DOST, PAGASA, OFFICE OF CIVIL DEFENSE, AT DSWD:

Isang bagong bagyo na pinangalanang Bagyong Emong ang nabuo sa hilagang-kanlurang bahagi ng bansa at kasalukuyang kumikilos pababa patungong timog-kanluran.

Dahil dito, WALANG PASOK sa lahat ng antas ng paaralan sa Lalawigan ng Tarlac bukas.

Kasabay nito, ang suspension of work sa mga tanggapan ng pamahalaan ay ipatutupad rin sa parehong mga lugar, maliban sa mga essential personnel tulad ng mga rescue teams, health workers, at iba pang emergency services โ€” kayo po ay kailangang pumasok kung kinakailangan.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo para sa mga susunod na update.

22/07/2025
Want your business to be the top-listed Government Service in Tarlac?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Tarlac City Hall, Brgy. Ligtasan Tarlac City
Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm