14/02/2015
Mayor Andy’s year-end report (2014):
Politics of performance!
Ramdam ng mga mamamayan ng Concepcion ang tuluyang pagbabago sa kanilang kapaligiran at paglago ng ekonomiya sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Andres “Andy” David Lacson, tulad ng mga komprehensibong proyekto at programa na angkop sa pangangailangan ng bawat mamamayan at komunidad na itinuturing na indikasyon ng cityhood sa 2020.
Ito ay dahil sa panuntunan ni Mayor Andy na ‘Politics of performance! Good governance, professionalism, integrity and efficiency in public service, commitment to democracy and unity in the pursuit of the fullest economic development of Concepcion.”
Bukas din ang Admisnitrasyong Lacson sa mga suhestyon at ideya sa lahat ng mga kababayan nito lalo na kapag ito ay patungkol sa kaunlaran at puna para sa kanilang bayan.
“mainam ang consultative at consolidated idea, dahil dito malalaman ang tunay napangangailangan ng bawat sektor at komunidad na paglalaanan mo ng proyekto at programa. Pahayag pa ni Mayor Andy.
Sa unang Buwan pa lamang ni Mayor Andy ng maupo ito bilang mayor sa nabanggit na bayan ay tinipon nito ang lahat ng sektor tulad ng Senior Citizen, teachers, Barangay officials, taong simbahan, transport group, vendors, mga negosyante at mga kabataan upang dito hugutin ang mga proyekto at programang tutugon sa pangangailang ng mga ito.
Sinabi pa ni Mayor Andy, “In the interest of good governance through transparency and accountability ay sadyang kailangan nating ipaalam sa ating mga kababayan ang mga kaganapan o aktibidad sa ating bayan, tulad ng mga proyekto at programa na nailulunsad at ilulunsad pa lamang ng ating Administrasyon.
Hangad po natin na makita ng ating mga kababayan na ang lokal na pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng programa at proyekto upang makatugon sa kanilang pangangailangan.”.
Sa Unang Limang Buwan (First Five (5) Months from July 1 to December 31, 2013) na pagkakaupo bilang mayor ay umusbong ang naglalakihang proyekto na kinabibilangan ng mga sumusunod:
* Concepcion Public Market
* Construction of Terminals (Left & Right Wings of Public Market)
* Sub-Terminals for TODA (Side Streets along Metro-Concepcion)
* Municipal Plaza
* Santiago Police Station
* Landscaping & beautification of vicinity of Municipal Building
* Installation of Business Center (One-Stop-Shop)
* Installation of Inter-Government Agency Office
* Regravelling of Roads for 45 Barangays
* Installations of Traffic Lights
* Installation of High Pixel CCTV Camera and Control Center
* Construction and maintenance of Farm-to-Market Roads
* Rehabilitations of Roads and Bridges
* Construction of Box Culvert (Brgy. Sta. Maria)
* Potable Water System for 45 Barangays
* Health Equipment Package for 45 barangays
* Irrigation System- Sta Rita Farmers Association
* Clearing of Irragation Canals- LIRAC
* Additional Funds for every District
* P1M para sa libreng gamot na ang naipamahagi ng RHU
* Serye ng paglulunsad ng libreng minor surgeries.
* Regular Immunization- 0-12 yrs old.
* Naglaan din ang Administrayong Lacson ng P1M para sa hospitalization services sa Concepcion District Hospital na tutugon sa mga indigents patients sa kakulangan ng bayarin sa kanilang hospital bills.
Tunghayan ang mga naisagawa at nailunsad na mga programa at proyektong pangkaunlaran na nagpabago sa anyo at estado ng ekonomiya sa nabanggit na bayan simula Enero 1-Disyembre 31, 2014.
Financial Management:
Sinabi ni Mayor Andy na sa lahat ng lokal na pamahalaan, ang pinansyal na kalagayan ang siyang pinakamahalaga. Dito nakapaloob ang kita (income) at gastusin (expenditures) ng isang institusyon.
“Tanging ang aspetong pinansyal ang maituturing na kritikal sa lahat ng operasyon ng isang Pamahalaang Lokal dahil dito nagmumula ang “graft and corruption” na siyang nagpapahirap sa mga mamamayan.
Dito rin makikita ang kinita ng isang pamahalaang lokal sa pamamagitan ng mga buwis tulad ng property tax, fees, dues at ilang intensified tax collections ng isang bayan.” Pahayag pa ng alkalde
Ang pag-angat po ng ating ekonomiya ay dahil sa magandang ugnayan ng ating Lokal na Pamahalaan at ng mga Negosyante na magaling magbayad ng buwis.
Gayun din ang magandang ugnayan at komunikasyon ng Local Finance Committee, the Sangguniang Bayan headed by the Vice Dan David at syempre ng Ehekutibo .” Pahayag pa ni Mayor Andy.
Ang taunang budyet ng Concepcion noong nakalipas na taon ay umaabot lamang sa P185 Million.
Nguni’t ng pamunuan ito ni Mayor Andy noong July 1, 2013 ay nagkaroon ito ng karagdagang P12 Million bilang supplemental budget kaya’t umabot ang budyet sa P195,847,320.20.
2014, higit na nadagdagan ang budyet dahil tumaas ito ng humigit kumulang sa 15% o 32 Million ang taunang budyet sa loob lamang ng Limang buwan sa pagkakaupo sa pwesto ni Mayor Andy, mula sa P185 Million (2013), ngayon (2014) ay P217,337,133.47 Million, at inaasahan na higit pang tataas ito sa 2015.
Ito ay bunga ng pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo, masusing pagbusisi para sa lahat ng proyekto na aangkop sa pangangailangan ng bayan at mamamayan, wastong pagplano ng local finance committee, analisasyon at wastong budgeting.
Ang pagtaas ng budget at paglago ng ekonomiya ay indikasyon sa paghahanda sa tudlang cityhood sa 2020.
Bilang pagsunod o pagtalima sa Local Government Code of 1991, Section 16 at Section 17, na patungkol sa atas ng General Welfare Clause ang mga sumusunod ay mga tala ng mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng Administrasyon ni Mayor Andy mula January 1, hanggang December 31, 2014.
Basic Services
Ito ang maituturing na pinakamahalagang aspeto na inaasahan ng nga mamamayan. Ito ay kinabibilangan ng mga programa at proyekto na inilaan ng administrasyon upang pang-tugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan at kaunlaran ng bayan tulad ng mga sumusunod:
Kalusugan:
Tiniyak ni Mayor Andy na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay gwardyado ng programang pangkalusugan ang kanyang mga nasasakupang mga mamamayan na siyang pananggalang sa anumang sanhi ng sakit upang ang kalusugan sa bawat pampamilya sa bawat barangay ay mapanatili.
Bilang tugon, Isang state-of-the-art facility ang idinesenyo ni Mayor Andy na tutugon sa kalusugan ng kanyang mga mamamayan ang kanyang inihanda.
Mobile (Van) Clinic na may kumpletong pasilidad na state-of-the-art na iikot sa bawat barangay kada lingo upang magbigay ng serbisyo medical sa lahat ng mga mamamayan sa Concepcion.
Armado ito ng X-Ray Machine, Dialysis Machine, Dental, ECG, Ultra Sound na may kaantabay na mga duktor at nurses na armado din ng mga libreng mga gamot na siyang iikot sa 45 barangay ng Concepcion.
Ang serbisyong hatid ng nabanggit na Mobile (Van) Clinic ay libreng check-up, dental, ECG, Dialysis monitoring, X-Ray, minor operation at iba pa.
Ang kalusugan ay maituturing na yaman ng tao na di kayang tapatan ng salapi. Kung ang bawat miyembro ng pamilya ay malusog tiyak ito ay produktibo, magbubunga ito ng pag-asenso hindi lamang sa pamilya kundi sa bayan.
Sinabi ni Mayor Andy na “both preventive and curative measures were done by our administration to safeguard the health of the townspeople. Kaya’t hangad ko na maihatid ang serbisyo sa bawat barangay, gaano man ito kalayo at kaliblib na lugar ay susuyurin natin upang maihatid ang serbisyong medical na laan ng ating administrasyon para sa kanila.
Ipaparamdam natin sa kanila na ang mga programa ng ating administrasyon ay para sa lahat, gaano man kalayo ang kanilang kinaroonang barangay ay tinitiyak kong maabot sila ng serbisyong ito.”
Bilang pangunahing hakbang sa pagtugon sa pangangailangan sa seguridad sa kalusugan, kamakaylan lamang ay namahagi ang Admisnitrasyon ni Mayor Andy ng mga Medical Equipment sa 45 Barangay na saklaw ng nabanggit na bayan tulad ng mga sumusunod:
Medical Equipment
2 units Stetoscope
2 Set of BP Apparatus
1 unit Oxygen Tank 20lbs
1 set Oxygewn Tank 5 lbs
1 set Tank Carrier for 20 lbs Oxygen
2 set of Oxygen regulator w/ humidifier
8 pcs Oxygen Mask Adult
8 pcs Oxygen Mask Pedia
8 pcs Nebulizer Kit witj case
1 set First Aid MEdical Kit with case
3 pcs Terbutaline Nebulizing Sol. 30 ml
3 pcs Digital termomiter
Sa programang pangkalusugan, sa pamumuno ni Dr. Raymond Valdez, Municipal Health Officer ay ipinamahagi di ang mga sumusunod:
* PhilHealth Cards
* Wheel Chairs
* Crouches
* Canes
* “Oplan Tuli” Ito ay regular na inilulunsad ng Admisnitrasyon ni Mayor Andy sa ibat-ibang barangay para sa mga binatilyo.
* “Oplan Patak” para sa mga bata at mga sanggol na libreng bakuna at patak na patuloy na inilulunsad ng RHU.
* “Free Eye Check-up at Libreng Reading Glasses” bilang pinagsanib na programa ng Pamahalaang Panglalawigan at ng Administrasyon ni Mayor Andy na nagbenepisyo sa humigit kumulang sa 100 pasyenteng may suliranin sa paningin.
Sa atas ni Mayor Andy na palakasin ang programa sa ilalim ng kanyang administrasyon ay inilunsad ang mga programa sa pamamagitan ng Municipal Health Office ang mga sumusunod na mga programa:
Mga Programa at Proyekto Nabenepisyuhan
* Free Consultation 10,800 patients
* Medical check-up for Athlete 116
* Animal Bite Vaccination 485
* Patients referred to Hospital 20
* Medico Legal Cases 10
Environmental Sanitation
* Bowl Issued 400
* Sanitary Permit 132
* Health Card Issued 231
Dental Program
* Dental Educ & Toothbrushing Drill 300
* Dental Check-up 1,600
* Tooth Extraction 800
Family Planning Program
Method:
a. Injectibles 623
b. Pills 727
c. Condom 24
d. IUD 25
Maternal and Child Care Program:
* Pregnant Women given Tetanus Toxoid 704
* Pregnant Women given Iron w/ Folic Acid 498
* Post Partum given Complete Iron 578
* Fully Immunized Child 913
Laboratory Examination:
* Sputum Examined 949
* Urinalysis 1,656
* Hemoglobin Determination 701
* Bacterial Smear Examination for GROs 90
* FBS 85
* Blood Typing 108
* Control Lifestyle Diseases 501
Bilang patunay, ang Bayan ng Concepcion sa Taong ito, (2014) ang Top “2” (Two) sa buong lalawigan sa paghahatid ng serbisyo medikal para sa mga bata. Umaabot na sa mahigit na 98% ang mga batang nabenepisyuhan ng Libreng Bakuna at Patak at iba pang programa ng Lokal na Pamahalaan.
Social Welfare and Services:
Ang Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Ms Julieta R. Gragasin RSW, Municipal Social Welfare Officer ang siyang nagbibigay ng kalinga at pagpapahalaga sa mga mamamayan batay sa atas ni Mayor Andy.
Mga Programa na inilunsad ng MSWD:.
* Self Employment Assistance - isang prebelehiyo sa mga pamilyang nagnanais na magkaroon ng pagkakakitahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lokal na pamahalaan ng maliit na puhunan para sa isang simpleng negosyo.
* Business Management Skills Development - isang paraan ng Administrasyong Lacson at ni Gragasin na matulungan ang kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng mga serye ng pag-aaral hinggil sa panimulang negosyo o hanap-buhay tulad ng
a. food processing
b. food preservations
c. cooking
d. welder
* Family & Community Welfare & Pre Marriage Counseling- na bumepisyo sa 1,200 Couples
* 50 Day Care Centers na ang kumakalinga sa 2,708 Day Care Children sa buong Concepcion
* 2,708 Day Care Children nabenepisyuhan ng supplemental feeding
* Social Preparation Awareness Isang programa para sa kahandaan sa anumang emergency cases tulad ng flooding, quakes at sunog na dinesenyo ng adminsitrasyong Lacson sa ibat-ibang barangay. Nakapaloob sa pagsasanay at pag-aaral ang first aid, immediate response to all emergency cases at iba pa na luminang sa mahigit na 30 volunteers na kaantabay ng PNP na tinaguriang DART - Concepcion.
* Emergency Assistance- tulong pinasyal na nilaan ng Administrasyon ni Mayor Lacson para sa mga pamilyang kapus-palad na bumepisyo sa humigit kumulang sa 400 pamilya.
* PHILHEALTH - 9,615 beneficiaries from indigent families.
Programa sa mga Disabled Persons and Elderly
a. Special Social Services for Elderly and Disabled
b. 791 Senior Citizen ang nabigyan na ng kanilang Senior Citizen Card
c. Burial at Medical Assistance ang may 148 Senior Citizens.
* Educational Assistance for Indigents - 100 beneficiaries
* Assistive Devices (wheel chairs, canes, and walkers) - 32 beneficiaries
* Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps - 716 beneficiaries sa Pitong (7) Barangay…-Ngayon, umaabot na sa 4,319 beneficiaries mula lamang ito noong buwan ng July to December 2013 .
Mga teknikal na kaalaman para sa mga magulang:
a. cooking
b. food processing
c. reflexology
d. dressmaking
e. beauty culture
f. curtain making
g. cellphone repair
h. welding
* MASS WEDDING- 300 couples ang nabenepisyuhan ng programang pangpapamilya o Mass Wedding na inilulunsad kada Taon. Sa naturang Mass Wedding, libre ang halos lahat ng bayarin at wala ng ipoproseso dahil ang Mayor’s Office, Local Civil Registrar, Population Commission ang sila ng magpoproseso sa mga kinakailangang mga rekesitos sa pagpapakasal. wala na rin silang babayaran sa solemnization.
EDUKASYON:
Noong 2013, binigyan ng Administrasyon nina Mayor Andy at Vice Mayor Dan ang bawat Distrito ng Tig P50,000.00 pondo para sa programa at proyekto na nais isagawa sa bawat distrito ng edukasyon tulad ng mga sumusunod:
1. Anastacio High School P50,000.00
2. Caluluan High School P50,000.00
3. Concepcion South District P50,000.00
4. West District P50,000.00
5. East District P50,000.00
6. North District P50,000.00
7. Benigno Aquino National HS P75,000.00
* Educational Scholarship Program- 50 estudyante ang nabenepisyuhan
* Assistance for training and seminars (g**o at estudyante)
* Host Town -36th Boy Scout of the Philippines (BSP 2013) Provincial Jamboree.
Upang higit na mapalakas ang edukasyon sa taong ito (2014), naglaan ng P1.56 Million pondo si Mayor Andy para sa edukasyon upang magamit at maipangtustos sa pangangailangan sa kanilang distrito. Ang mga detalye ay ang mga sumusunod;
Bilang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng Administrasyon ni Mayor Andy, sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigyan ang bawat Distrito ng Audio and Visual Facilities ang bawat Districts ng mga sumusunod:
- Modified Speakers with remote control (800 watts)
- Speaker Stand
- Microphones
- Microphone Stands
- Projector
- Projector Screen with stand
* Suporta sa mga indigents students at mga out-of-school youth: Ito ay upang mabigyan din ng karagdagang kaalaman at tulong tulad ng mga sumusunod:
1. Educational Scholarship Program - 50 estudyante
2 . Assistance for training and seminars (estudyante)
3. Career Guidance Seminar para sa mga 4th yr Students.
* Kalinangang Teknikal sa ilalim ng Skills Training Program. Ito ay magsisilbing alternatibong kaalaman at kalinangan para sa mga out-of-school youth na na kapus sa pinansyal na nagnanais na magkaroon ng kalinangan upangmagamit sa paghahanap ng trabaho sa lokal man o sa ibang bansa.
Mga kaalamang teknikal:
a. Welder
b. Sewer
c. Beauty Culture
d. Curtain Making
e. Cellphone Repair
f. Reflexology
g. Cosmetology
h. Call Center
i. Food Preservations,
* Municipal Athletic Meet 2014 held for the 1st Time in Municipal Plaza na umani ng papuri sa mga g**o at mga magulang.
Pang-Agrikulturang Proyekto
Ang bayang ito ay 90% ay pagbubukid ang ikinabubuhay ng mga residente sa nabanggit na bayan. Kaya’t sa taong ito (2014) ay higit na programa ang ihahatid ng kasalukuyang administrasyon upang mapalakas ang agrikultura at maitaas ang antas ng pagsasaka.
Dahil mula sa magsasakang pamilya si Mayor Andy, pangarap niyang mabigyan ng isang espesyal na araw sa kanilang bayan na laan lamang para sa mga magsasaka na kung saan dito sila bibigyan ng lahat ng benepisyo na maaring ibigay ng lokal na pamahalaan.
Bilang pagkilala sa mga magsasaka hangad ni Mayor Andy na magkaroon ng “Farmers Day” na sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng selebrasyon laan para lamang sa mga magsasaka sa nabanggit na bayan at itanghal ang natatanging magsasaka ng taon..
Ang mga sumusunod ay mga proyekto at programa na naihatid at naisagawa ng administrasyon ni Mayor Andy mula January 1 to September 30, 2014 sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Agriculturist, Venancia A. Cortez:
1. Massive Vaccination Program Against Rabies
* Dogs 5, 891
* Cats 475
* Monkeys 4
2. Distribution of Assorted Vegetable Seeds
(45 Barangays)
3. Massive Rat Baiting Activity
Treated 623 Hectares
Benefitted 421 Farmers
4. Distribution of Subsidized Certified Seeds
No. of Bags 2,665
No. of Barangays 44
No. of Farmers benefitted 1,441
5. Distribution of Subsidized Inorganic Fertilizer (Urea)
No. of Bags 2,500
No. of Barangays 44
No. of Farmers Benefitted 1,428
6. Distribution of Liquid Fertilizer (Power grow) for Techno Demo Farm
No. of Gallons distributed 120
No. of Demo Farm 55 Sites
No. of Farmer Cooperator 55
No. of Hectares 130.0
7. Artificial Insemination Program (44 Barangays)
Carabao 169
Cattle 44
Goat 6
8. Training and Nutrition/Food Processing for Women
No. of Training conducted 3
Participants 78
No. Barangay 3
9. Soil Sample Analysis & Soil Sample Collection (44 barangays)
Soil samples 461 Area (hectares) 741.0
Farmers 458
10. Farmers Field School (FFS) on Corn:
25 Farmers Graduated at Barangay Sta. Monica
11. Tilapia Fingerlings Dispersal
No of Fingerlings Dispersed 200,000
No. of Recipients 10 Fisherfolks
No. of Barangay 5
12. Rice Crop manager (RCM) Project (44 barangays)
No. of Farmers Interviewed 533
Impraestrakturang Proyekto:
Sa loob ng Isang Taon at Tatlong Buwan, ay umaabot sa milyon-milyong proyektong pang-Impraestraktura ang naisagawa para sa mga proyektong magtutulak sa kaunlaran at pagpabago sa estado ng antas ng kanilang bayan.
Unang inaksyunan ni Mayor Andy ang hinaing sa reklamo ng mga manininda at mga consumers sa Public Market kasama na ang suliranin sa papalaking bilang ng mga tricycle ay una itong binigyan ng tugon upang resolbahin.
Sa Unang Anim na Buwan ng panunungkulan (January 1-December 31, 2013) ni Mayor Andy ay nasilayan ang malaking pagbabago at kaunlaran sa Concepcion. Ang mga makabagong teknolohiya, impraestraktura, ekonomiya at iba pa.
Ang renovation and beautification ng Public Market na noong una ay umaani ng batikos at banta sa politika ni Mayor Andy, nguni’t ng ito ay naisagawa at nakita ng mga manininda at mamimili na ang palengke na dati ay mabaho, makalat, magulo at walang kaayusan ay naging kaya-aya sa paninghin ng lahat.
Isinaayos ang lahat ng mga stalls ng mga manininda, ipinatupad ang kalinisan sa loob ng palengke, inalis ang mga tinda sa pasilyo at lapag.
Maging ang mga naghambalang mga tricycle ay nailagay sa wasto at tamang ayos. Isinaayos ang bawat pampasadang tricycle sa pamamagitan ngpaglalagay ng mga mini-terminals bilang tugon sa suliranin ng kaayusan sa trapiko at sakayan ng riding public.
Itinayo ang mga mini terminals sa magkabilang dulo (wings) ng Public Market at sa mga pangunahing iskinita (side streets) sa Metro-Concepcion ang mga mini-terminals para sa ibat-ibang ruta ng mga tricycle.
2014, Higit na nagilalas ang mga residente maging ang mga dayuhan na bumibisita sa nabanggit na bayan dahil sa malaking pagbabago na kanilang nasisilayan. Higit na pinaganda, dinisenyuhan ang Municipal Plaza na sa kauna-unahang pagkakataon ay nanguna sa lalawigan na pinakamaganda, pinakamalinis at pinakamalawak na Plaza sa Tarlak.
Ito ay napapaikutan ng mga klasikong gazebo, kakaibang landscaping, mga fountain na ngayon lamang nasilayan sa nabanggit na bayan.
Kauna-unahan sa buong lalawigan ng Tarlak ang mga pasilidad at mga bagong kagamitan at gusali na matatagpuan sa Bayan ng Concepcion sa ilalim ng Adminsitrasyon ni Mayor Andy ay ang mga sumusunod:
1. Libreng Wifi sa Municipal Plaza na may 24/7 ang signal.
2. Kalsikong Municipal Playground.
3. Kauna-unahan sa buong bansa (Pilipinas) na mayroon Mini-Drone Surveilance at Control Center
4. Brightest town in the province.
5. Cleanest Town in the province
6. PNP Building with complete facilities and control center. First in the province and in Central Luzon
7. New Design of Police Mobile Car/Pick-up Patrol
8. First in the province na nagbigay ng rescue and emergency facilities at medical equipment sa lahat ng barangay.
9. Mobile (Van) Clinic na may kumpletong pasilidad pangmedikal tulad ng ECG, X-ray, Dental, dialysis at mga gamot.
10. Classic Street lamp post at traffic lights.
11. CCTV Cameras sa lahat ng outgress at ingress, sa mga estratehikong lugar higit sa commercial area ng Metro Concepcion.
Pang-kabuhayan
Sa ilalim ng Public Employment Service Office ay inilunsad ang mga programa tulad ng mga sumusunod:
Government Intership Program (GIP) na bumepisyo sa 18 estudyante sa ilalim ng programa ni Congressman Noel L. Villanueva na ang abwat estudyante na pasok sa GIP ay tatanggap ng allowance na P252/day.
TUPAD-Tulong panghanapbuhay sa ating Displaced/disadvantaged o higit kilala “cash-for-work” sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Congressman Villanueva na bumepisyo sa 185 na less fortunate.
* Bilang tugon sa layunin na makapaghanap-buhay sunod-sunod na mga programa ang inilunsad para sa trabaho:
· Job’s Fair
· Self Employed
· Applicants
Ang job fair na ginanap ay sinalihan ng mahigit na 118 na lokal na kumpanya na naghahanap ng mga manggagawa para sa ibat-ibang posisyon local man o sa ibang bansa.
Sa taong ito, inaasahan na muling maglulunsad ng Jobs’ Fair na lalahukan ng higit na mas maraming mga negosyo sa central Luzon lokal at abroad.
Patuloy din ang buwanang aktibidad ng PESO batay sa atas ni Mayor Andy ang Special Recruitment Activity para sa abroad at ang Local Recruitment Activity para sa local employment.
Pangkabuhayan
* Mobile Nego Kart 50 Beneficiaries
* Government Intership Program 18 Students
* Credit Coop para sa mga Kawani ng munisipyo - P800,000.00 na may mababang patubo sa loob ng isang taon para sa mga kawani o empleyado na may dagliang pangangailangan sa pinansyal.
Dahil sa kaaktibuhan ng PESO Concepcion ay tumanggap ng grant mula sa DOLE ang nabanggit na tanggapan ng P300, 000.00 upang mapalakas ang Employment.
Sa ilalim din ng programa ni 3rd District Congressman Noel L. Villanueva ay nabenepisyuhan ang humigit kumulang sa 185 mamamayan sa “cash-for-work ng DOLE.
Patuloy din ang pag-ayuda ng PESO-Concepcion sa ibat-ibang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Concepcion sa illegal recruiter sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement ni Mayor Andy sa pagitan ng OWWA, POEA, DOLE, Department of Foreign Affairs, TESDA at ng DILG.
Nakapagbigay din ng mahigit na 500 rekomendasyon ang tanggapan ng PESO at ng Office of the Mayor sa Feather Mills, De Luxe Bags, BMEG at iba pang kumpanya sa nabanggit na bayan.
Sa nakalipas na buwan (December 2014) ay muling nakapaglunsad ng malawakang Job’s Fair ang Administrasyon ni Mayor Andy na nilahukan ng mahigit na 68 na kumpanya para sa trabahong lokal at abroad.
Inaasahan din na daragdagan ang pondo para sa skills training at non-formal education sa susunod na taon.
Gayun din ang mga estudyante na nabenepisyuhan ng employment training ng munisipyo na may allowance.
Kapayapaan at Kaayusan:
Bilang itatalagang Officer-in-Charge ng Concepcion Police Station ay inihayag ni Police Superintendent Carlito Udani Grijaldo ang mga pangunahin nitong programa tulad ng mga sumusunod:
1. Campaign against Illegal organized group
2. Campaign against all forms of illegal drugs
3. Barangay is the best force-multiplier of the PNP
Napag-alaman din na hangad din nitong isagawa ang mga programa tulad ng mga sumusunod:
Operational Accomplishments and Community Involvement
* Procurement of trash cans for use in the Public Market
* Establishment of “No Loading/Unloading” signages
* Repainting of the mobile vehicle
* Repainting of the PNP station and other facilities
* Drug Symposium
* Food feeding programs
* Conducted dialogue or pulong-pulong among Barangay Officials and Tanods
* Sports activities (fun run)
* Participated in clean and green activities (tree planting and cleaning)
Police Community Relations (PCR)
* Bayanihan (Peace Keeping Operations)
* Campaign against organized crimes & illegal drugs
* Conducted information drive among HS students on various topics such as illegal drugs & child abuse
* Participated in various medical/dental missions in various barangays of the municipality.