06/09/2026
Linggo natin to 🤞
Kahit umuulan, tuloy ang selebrasyon at bayanihan!
Youth Week man o rainy day, walang makakapigil sa energiya ng mga kabataan ng ating barangay!
Dahil sa malakas na buhos ng ulan, ibinaba ng inyong Sangguniang Kabataan ang palaro sa loob ng court at sinamahan na rin namin ng relief packs bilang papremyo! Hindi lang tayo nag-enjoy at nagkaunawaan, nakauwi pa ang bawat isa na may dalang tulong para sa pamilya kahit paano.
Maraming salamat sa lahat ng lumahok! Patunay lang ito na anuman ang panahon, matatag at nagkakaisa ang kabataan ng ating brgy.