02/04/2026
๐๐ก๐ง๐๐๐ฅ๐๐๐๐, ๐๐๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ ๐ข๐ฅ๐๐, ๐๐๐ก๐๐๐ฌ๐๐ก๐-๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ง๐๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐๐ช๐ค๐ข๐ญ๐ฃ๐ฐ: ๐๐ช๐ฑ๐ญ๐ฐ๐ฎ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ, ๐ช๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ถ๐ด๐ฐ
Mabuting pagkataoโiyan ang ibinandila sa Pagtatapos sa Senior High School ng 198 na SPNHSians noong Marso 30, 2026 sa Moncada Public Auditorium.
Sa temang, โ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด: ๐๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐโ, sumentro ang palatuntunan sa pagtataguyod ng mga pagpapahalagang moral at paghulma sa mga nagsipagtapos bilang mga susunod na lider ng bayan.
Inihatid ni Jamie Kim B. Fronda, may Pinakamataas na Karangalan, ang pambungad na pananalita. Sa mensahe ng pagbati, idiniin ni Fronda sa mga kapwa magsisipagtapos ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong inihanda sila na harapin ang hinaharap.
โNandito tayo ngayon dahil sa walang katapusang trial-and-error, getting the moral of each and every lesson. We are not alone in this battle because weโve earned amazing people in our lives all willing to become pillars of our dreams,โ ani Fronda mula sa Grade 12-HUMSS A
Ginanap din sa taunang pagtatapos ang State of the School Address (SOSA) ni Gng. Arlene C. Ramirez, Punongg**o III ng paaaralan. Tampok sa kaniyang talumpati ang mga naging tagumpay ng paaralan at ng mga mag-aaral nito. Ibinahagi rin ni Gng. Ramirez ang ilan sa mga napipintong proyekto na isasagawa para sa ikauunlad ng paaralan.
Bilang kinatawan ni G. Tolentino G. Aquino, CESO III, Direktor Panrehiyon at Pansangay na Tagapamanihala, pinangunahan ni G. Emmanuel C. Reganit, Pansangay na Tagapamasid sa Edukasyon sa Pagpapahalaga, ang pagpapatibay ng pagtatapos ng mga mag-aaral. Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni G. Reganit sa mga mag-aaral ang tatlong (3) importanteng pangangalaga: (1) pangangalaga sa pananampalataya, (2) pangangalaga sa sarili, at (3) pangangalaga sa mga magulang.
Nagbigay din ng kaniyang mensahe si Dr. Rhea B. Madamba, Tagapamasid Pampurok ng Hilagang Moncada na naging mag-aaral din ng paaralan noong siya ay nasa unang taon sa sekundarya. Hinimok niya ang mga nagsipagtapos na patuloy na mangarap at magsikap sa kabila ng mga hamon ng buhay. Matapos ang mensahe, ginawaran din ng sertipiko ng parangal si Gng. Ramirez para sa kaniyang natatanging pagsisilbi bilang punongg**o ng paaralan.
Sinundan ang mga mensahe ng pagbabahagi ng mga diploma, sertipiko, at medalya sa mga mag-aaral. Ito ay pinangunahan ni Dr. Joel S. Guileb, SGOD Chief, Kagalang-galang Michael B. Uycoco, Konsehal para sa Edukasyon, ang panauhing pandangal, at Gng. Ramirez kasama ng mga ulong-g**o at dalub-g**o.
Nagsilbing panauhing tagapagsalita naman ngayong taon si Dr. Ariel V. Sicalbo, Punongg**o IV ng Pacpaco Integrated School at Valedictorian ng Class of 1995. Sa kaniyang talumpati, binigyang-pansin ni Sicalbo ang kahalagahann ng pananalig, sipag, at katapatan sa pagsasakatuparan ng pangarap. Naghatid din siya ng pasasalamat sa kaniyang pamilya, mga naging g**o, at sa lahat ng tao na tumulong sa kaniya upang makamit ang tagumpay sa buhay.
โAng diploma na hawak ninyo ngayon ay maaaring kumupas sa paglipas ng panahon, ngunit ang diploma ng mabuting pagkatao, sipag, katapatan, at integridad kapag isinulat ninyo sa inyong mga puso ay mananatiling kumikinang habang buhay,โ diin ni Sicalbo.
Uminog naman sa kahalagahan ng paghakbang ang naging talumpati ng pasasalamat ni Ailyn P. Hadap, May Pinakamataas na Karangalan. Tulad ng kaniyang naging pananaliksik sa posibilidad ng paglikha ng kuryente gamit ang mga hakbang ng tao, inudyok ni Hadap ang mga kapwa nagsipagtapos na patuloy na humakbang sa kabila ng mga takot at agam-agam.
โ[B]awat hakbangโgaanuman kaliit, gaanuman kahirapโay nagdala sa atin kung nasaan tayo ngayonโฆ Hindi natin kailangang maging matapang upang umabante. Kailangan lang nating maging handa. Humakbang kahit natatakot,โ hayag ni Hadap na nagmula sa Grade 12-STEM A.
Bago magwakas ang programa, inawit ng mga mag-aaral ang kanilang Graduation Song na โHirayaโ at ang awit ng pasasalamat na โSalamat sa Gabay Moโ habang pinupuntahan at pinasasalamatan ang kanilang mga magulang, tagapangalaga, at mga g**o.
Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni G. Edmond S. Magpayo, Pangulo ng SPTA at resesyunal ng mga kulay,
Ipinaaabot ng buong Mataas na Paaralang Nasyunal ng San Pedro ang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng mga nagsipagtapos sa panuruang taon 2025-2026 sampu ng kanilang mga magulang at tagapangalaga.
๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ช๐ฉ๐, ๐ข๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ช๐จ๐๐ฎ, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ข๐ช๐ฃ๐ค ๐๐๐ฉ๐๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ช๐จ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฉ๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ!